Busy-busyhan ang sarap ko sa paghahagilap ng trabaho kaya nababawasan ang oras ko sa pagluluto ng masasarap na putahe. Nakakaloka ang MRT challenge. Nais ko man iwasan eh lagi kong naaabutan lalo na kapag sa may Makati o Taguig ako nagagawi. Wala kiber-kiber, kung gusto mong makauwi agad, isiksik mo ang sarili . Kung pwede nga lang na lumutang ako sa loob ginawa ko na.
Nakakaubos din ng lakas ang pag-i-English sa mga interview. Please introduce yourself, your work experiences, educational background, strengths and weaknesses. Tell me about yourself that is not on your resume. Hanuba! Kaya ang resume ko, bulleted at wala masyadong description para may maikuda akez.
Kwento ko na sa inyo ang pers time experience ko. Hindi sa lalaki kasi virgin na virgin pa ako (weehhh) kundi ang pagtapak ko sa mala-pulbos na buhangin ng
Boracay. Mahaba 'tong pagsasalaysay ko kaya pagtiyagaan na ninyo.
|
Eto si BFF Chris |
Salamat sa sale ng
AirAsia noong Pebrero at natupad ko ang pangarap na 'to together with my bestfriend
Chris. Grade 6 pa lang eh BFF na kami. Pareho kasi naming mahal ang
Spice Girls noon. Ako si
Baby Spice, siya si
Sporty Spice. Ang kagandahan sa AirAsia, mas mura ang ticket nila at tuluy-tuloy lang ang sale kaya may dalawa pang nakahabol, sina
Joe at
Jaime.
October 16. Nauna ang flight namin ni BFF sa dalawa ng more than 2 hours kaya nag-antay muna kami sa bahay ng friend niya based in
Kalibo. Umuulan pero 'di naman malakas. Binalaan kami na mahalya ang tubig at pagkain sa isla. Maghagilap daw kami ng morayta. Kapag ganitong budget traveler ka, talagang susuyurin mo ang lugar sa pinakamurang fudang. Ayan, dumating na ang dalawa. Nag-bus kami papuntang
Caticlan tapos nag-fast track papuntang Boracay. Parang idinuyan lang kami sa bilis ng pagtawid. Then sumakay kami ng jeep papuntang
La Carmela de Boracay located in Station 3, ang laging binabanggit ni
Boy Abunda sa mga pabati niya ahahaha!
Tanghali kami nagsimulang bumiyahe, gabi na kami nakarating. Pagod na pagod ang katawang dyosa namin at kumakalam na ang mga bulate. Sa
Andok's na kami lumafang. Konting picture then natulog na. Sa ganun lang naubos ang una sa apat na araw naming pamamalagi.
|
Photobomber si kuya sa likod |
October 17. 'Di pa man sumisikat ang araw eh gising na akez. The early bird catches more worms. Kelangan agad-agad may afam akong mabingwit. Eto ang tunay na dahilan ng pagpunta ko sa Boracay. Hindi ang tubig, buhangin o init ng araw kung mga foreigner. Ang dami kong swimsuit na dinala, iba sa araw, iba sa gabi. Pinaghandaan ko talaga 'to. Nauna kaming rumampa ni Jamie papuntang Station 1. Dun daw ang shalang part ng isla.
Picture-picture muna habang nag-aantay ng mabibingwit. Low-tide naman pero parang high-tide sa tumal ng mga isda. Nasaan ang mga afam?
NASAAN? Ayan meron na. Si Jaime ang kumausap at ako ang litratista. Click. Tapos na. Hindi ako nagpa-pica kasi bigla akong nahiya.
AMP!
|
Ayan tayo eh |
Balik muna kami sa hotel to change outfit and eat lunch. Sina Joe at Chris eh mamimili na daw agad ng souvenirs. Kami ni Jamie, maglulunoy muna sa beach. Bandang alas-tres na ng hapon. Second swimsuit please. Rampa ulit hanggang Station 1. Low tide ng mga oras na 'yun. Ang layo ko na sa pampang pero hanggang tiyan ko pa lang ang tubig. Mga 5 PM sumunod 'yung dalawa. At sabay-sabay naming nakita ang pinakamagandang sunset in our lives. Papadilim na when we decided to go back for dinner.
|
Second time na niya dito |
Dun kami sa 99 pesos more servings kumain. Nakaupo na kami ang waiting sa order nang pumasok itong sisteret natin na may kasamang afam - matangkad, blonde, may balbas, walang tiyan at higit sa lahat, 'di pa makyonders.
SYET! Kinain ng inggit ang buo kong pagkatao. Ningitian nga ako ni ateh pero dahil insekyora at bitter ako, inismiran ko siya. Bad girl. Dapat 'di ganun. I should be happy for her. Sa pait yata ng naramdaman ko, pati dessert ni Jamie inubos ko. More asukal please!!!
|
BOOM! Mauumay ka sa sarap ahahaha! |
Balik kaming hotel. I need an afam right away kaya third swimsuit, come on down. Magpapaka-pokpok ako ngayon gabi. Gabing-gabi naka-two pes akez. Ayaw ko namang maging balahura kaya nagsuot ako ng cover-up. Nilagyan pa ako ng make-up ni BFF. Nagpaiwan si Joe at inaantok. Matapos ang seremonyas eh rumampa kaming tatlo papunta ulit ng Station 1. So sa isang araw, tatlong beses kaming nagpabalik-balik. Hello varicose veins!
Habang naglalakad kami, may mga nakasalubong kaming mga tenured pokpok. Newbie lang ako kaya 'di ko alam na pasikipan ng damit ang labanan at dapat naka-high heels while on the beach ha!
KALOKA! I need training and orientation for this kind of employment.
CHAREEENG!!!
|
Darna, is that you? |
Pumunta kami sa
Guilly's at sa katabing bar nito. Tsuri 'di ko na matandaan ang name. Walang mabingwit. Kaya umalis na lang kami. Sa pagod siguro at frustration, naisipan na lang naming umuwi. While walking on the beach, may nakasalubong kaming super tall and slim afam. Lasing na yata at kumambyo pa. Eto na ang pagkakataon...
"Hi!"
Napalingon sa likod ang afam. Eh nasa harapan niya ako. Nilagpasan ako. Lumingon ako. Nakalingon din siya pero 'di sa amin. Wala siyang eksaktong tinitingnan. Ah lasing nga.
"Lapitan mo" sabi nila.
Huminto ako at tiningnan siya. Sinapian ako ng matinding kaba. Paano ba lumandi? Sa kakaarte ko, ayun ang layo na niya. Nga-nga-els. Balik na nga sa hotel. Pagod na ako eh.
Itutuloy...
I like it teh, may kulang lang. More picas of the afams. At teh pwede maglaan ka ng isang feature blog mo about sa mga sagot mo sa personal interviews mo, di naman sa gagayahin pero parang guide sa pagsagot. Thanks teh.
ReplyDeleteWow Ateh M, ang sexy mo diyan! May clevaja ka, tunay na tatak Dyosa!
ReplyDeleteHaha! Teh! Ang tagal naman ng Part2!!! haha! Itext mo na sa akin, dali!!! lol
ReplyDelete-Teh Anonymous 1, sige more afams sa final part :D
ReplyDelete-Teh AnonymousBeki, naipit kaya may cleabangbang ahahaha!
-Teh Mc Wright, hinihimay ko pa 'yung sahog eh :p
..teh..di ka man lang nagparess conference na maggora ka ditey sa Isla de Boracay..huhuhu..sana nagkita tayo dito,dito rin ako nagwowork sa La Carmela de Boracay Resort Hotel..i'm a avid fan of your blog..di natatapos ang araw na di ko sya binibisita..pero,keri lang nagenjoi ka naman sa perst time mong bagbisita dito sa isla..next time teh,if you wish to gora here for second time,magpress conference ka teh..hehehe..dalhin kita sa GAY ROCK,maraming booking dun..hehehe..ingatz palagi teh..
ReplyDelete