Thursday, October 9, 2014

Kangkungan

Nauuso ang mga librong isinasapelikula tulad ng Bakit Hindi Ka Crush ng Crush mo?, ABNKKBSNPLAKO?!, Diary ng Panget at She's Dating A Gangster. When I heard that Erich Gonzales is going to star in a movie based on a PHR novel eh 'di ko napigilang ma-excite. Pareho kasi akong fan ng dalawang 'yan. Binasa ko muna ang libro saka ko napanood ang pelikula.

Once A Princess (2014)
Skylight Films and Regal Films
Directed by Laurice Guillen
Based from the novel written by Angel Bautista
Starring Enchong Dee, JC De Vera and Erich Gonzales

Mula sa isang bonggang pamilya si Erin (Gonzales), isa sa campus princesses ng Gibbons International School kung saan transferee ang science geek na si Leonard (Dee). Bet ni atey si kuya kaya nagkunwari siyang bobita sa isang subject at nagpaturo dito. Pinapunta sa bahay at nilandi. Ayan, instant jowa. Pero ayaw ni atey na madungisan ang kanyang high-class reputation sa school kaya biniyak niya ang puso ni Leonard at sinabi pang ginamit niya lang ito. What a heartless bitch! Sa 'di inaasahang pangyayari ay muntikan nang mamatay si Leonard at binalot ng poot ang bata niyang puso.

After so many years ay muli silang nagtagpo. Ang kinang ng korona ni Erin bilang prinsesa ay naglaho na samantalang very successful sa kanyang larangan si Leonard. She was assigned to work on his company para 'di mawalan ng trabaho pero gusto siyang papalitan ni Leonard. Nilunok niya ang pride at nakiusap kung ayaw niyang sa kangkungan pulutin. Napagbigyan naman. 'Wag lang papalpak or else alam niyo na.

As the story goes on, dito na naungkat ang tunay na dahilan kung bakit kinailangan hiwalayan ni Erin si Leonard. And what do you expect from a love story kundi happy ending. 'Yan din naman ang todong gusto ko noh! No more endings like Starting Over Again please lang.

Angel Bautista applauded Enchong Dee in portraying Leonard. Infernezz sa kanya, kuhang kuha niya 'yung character. Even the description, parehong-pareho.

May malaking pagkakaiba ang istorya ng pelikula mula sa libro. Mas nagustuhan ko 'yung nabasa ko kesa sa napanood ko. Si Damian (De Vera) sa book eh matanda na kasosyo ni Leonard at never nagnasa kay Erin dahil pamilyado na. Mas complex din si Erin sa libro. Oh well, normal lang yata ang ganyang reaction kapag nakapanood ka ng movie adaptation. Laging mong maikukumpara ang pelikula sa libro at palagi may isa kang mas magugustuhan.

Movie rating: 2/5 stars
Book rating: 4/5 stars

2 comments:

  1. I never liked the movie. I didnt hate erich pero it just didnt suit her the character or hindi ko lang type talaga ang acting skills nya.

    ReplyDelete
  2. me naman, i dont like erich talaga.
    pero pinanood ko pa rin since skylight/star cinema naman siya.

    ok naman siya dahil magaling din ang direktor na si laurice guillen.

    ReplyDelete