|
The 'oridnary' house of Gen. Purisima Courtesy of inquirer.net |
Nakakasawa na ang mga pag-uungkat ng yaman nina
Purisima at
Binay. Araw-araw na lang sila ang laman ng balita. At araw-araw din, naiinggit ako sa kanila. Masama ang may inggit sa katawan pero bakit hindi? Sila, ekta-ektarya ang lupain. State of the art ang konstruksyon ng bahay. Ang mga materyales, first-class quality. May babuyan at orchid farm pa. Ang ordinaryong bahay sa kanila, mansyon na para sa isang tulad ko na halos buong buhay eh nangungupahan. Not that I can't afford to own a house and lot. Andami na diyang developers na nag-o-offer ng flexible terms to pay. We can choose the location, type of house and amenities. Kung su-swertihin, matutulungan tayo ng
PAG-IBIG sa pagbabayad. But what I am envious about is that silang nasa pwesto, they don't have to fall in line to fill up a form, mag-antay ng approval at 'di na nila kailangan dumaan sa proseso na pinagdadaanan ng isang ordinaryong Pilipino. 'Yung ilan sa atin kailangan pang mangibang bansa para makabayad.
Natatabunan ng balitang ito ang tunay na problema ng bayan; ang kakulangan ng basic needs ng evacuees sa
Visayas at
Mindanao dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan, ang pananamlay ng turismo sa
Albay, ang kakarag-karag na
MRT, mga krimen na nakukunan ng
CCTV may araw man o wala, sobrang pagbaha sa konting ulan na nagpapabagal ng trapiko. 'Di pa rin nawawala ang patuloy na pagbaba ng kalidad ng edukasyon, kakulangan sa classrooms, kakarampot na sahod nina ma'am at sir. Ayun, napipilitan tuloy magbenta ng
Stick-O at
Pampanga's Best.
May pag-asa pa naman ang Pilipinas. 'Di ba't lagi tayong nakangiti ano mang bagyo ang dumaan sa atin. I guess what we need is competent people who has the passion to serve the country. Pero malayo pa ang eleksyon kaya umpisahan na lang natin sa ating mga sarili. Tama na nga 'tong rant ko at magwawalis pa ako.
No comments:
Post a Comment