Isang transgender sa Olongapo, natagpuang patay sa motel. Hinihinalang suspek, Amerikanong marino na nakilala sa bar.
Halos dalawang linggo na ang nakakaraan nang maluto ang balitang 'yan ngunit magpasahanggang ngayon eh kumukulo pa rin at pinipilahan. Nag-aagawan nga sila sa airtime ng bonggang hacienda ni Binay eh.
Inihalintulad sa rape isyu ni Daniel Smith kay Nicole. Sinisi ang Visiting Forces Agreement. At pinagpiyestahan ang dalawang anggulo ng kaso - pagnanakaw o nahuli si ate na 'di tunay na babae. Naalala ko 'yung mukha ng pulis na ininterview sa TV. Medyo nakangisi pa nang sabihin na 'yan. Nakakaloko lang de vaaahhh?!
Ang nagpalasa pang lalo dito ay nang malaman natin na may kalaguyong Aleman si atey. Oh my! Cheater. Makati. Malandi. 'Di makuntento sa isa. Sex worker at kung anu-ano pa ang hinusga natin.
Noong una ay nagpadala muna ng mensahe si Marc Suselbeck from Germany (read here). Na-interview via Skype. Madami ang humanga pero may mga nagtaas ng kilay. Personal na pumunta sa burol hanggang libing ni Jennifer. Hindi iniwan ang pamilya Laude. Nasa tabi nila all the time. Umakyat pa sa bakod ng Camp Aguinaldo. Kakasuhan daw. Wow! Pati ba naman 'yan.
Kung babasahin mo ang mga comments sa internet tungkol sa isyung ito, hindi mo kakayanin ang talim ng pananalita ng iba sa atin. Actually hindi sila iilan. Ang dami-dami. Ginagawa pang katatawanan. Pero ni minsan ba, naringgan natin si Marc about the cheating issue? Dapat nga siya pa 'tong mas affected sa ginawa sa kanya. Ikaw na ang iputan sa ulo with matching CCTV proof, 'di ba't kahiya-hiya? Pero nada. Wala siyang sinabi kundi magagandang salita at todong pagtatanggol kay Jennifer. Nakakainggit ang unconditional love niya. I hope lahat tayo maramdaman 'yan para 'di masyadong bitter ang ating puso.
Going back to what happened to her, sa unang anggulo - sabihin natin alam ni Pemberton na bakla siya pero nahuling nagnakaw, sapat na bang rason iyong para patayin siya at lunurin sa inidoro? I don't think so.
Sa pangalawang anggulo - galing sa bar ang dalawa. Sabi ni Barbie na kaibigan ni Jennifer, 'di daw alam ni marino na trans sila. Sabi ng mga pulis, may gamit na condom na natagpuan sa crime scene at may etchas daw. They're saying anal sex ang nangyari. So bago pa man sila nagchorvahan eh alam na, ganon ba? Paano niya nalaman? Sinabi ba sa kanya? Kusa ba niyang nadiskubre? Halimbawa lang, tayo ang nasa kalagayan ni Pemberton at nalaman natin na napeke tayo, is it a valid reason to kill someone. The answer is still no.
Pare-pareho siguro tayo ng opinyon na 'di tama ang ginawa ni Jennifer na pagtaksilan ang kanyang boyfriend. If you follow this blog, you know I always promote loyalty. Dahil ang Evolution of Man ni Charles Darwin ay unggoy at hindi sa higad kaya 'wag makati. But killing someone is another issue here. Sino ba namang mag-iisip ng kamatayan during the time of kakirian?
While this case is under investigation, iwasan muna nating maging judgmental sa nangyari. Sometimes, we have this instant opinion na kating-kati tayong i-share sa social media even without fully knowing and understanding the issue. Excited kasi sa kung ilan ang magla-like, retweet at ko-comment. This is where social media responsibility kicks in.
And to those who were asking why Gabriela is supporting the case, this is because transwomen are considered female. Hindi basehan kung ano ang nasa pagitan ng hita para sa iyong gender preference.
hello Bb melanie
ReplyDeleteMatagal na akong fan mo at nagbabasa ng blog mo, mga article, issue sa nag yayari sa ating palipaligid. Naka pag comments na rin ako dito but not often, But this Jennifer Laude story I like your opinion na dapat hwag agad mag judge na hindi natin alam ang puno't dulo ng story laluna ang case at very sensitive. Actually when it was big news, I visited your blog thinking you might have a story about Jennifer and what's your opinion about the case, now I know why you did not write an article about her early...I like your reason I salute you ...keep in up Bb melanie
from....DownUnder
truelaloo bb. melanie. write up such as this makes me salute you more.. faney nga ako di ba? hehehe. not only in this issue but in many other issues, i've noticed that there is a growing culture now among netizens that i find disturbing... i think there is really a strong need for media education to improve the way people handle issues on social media. ---macmac
ReplyDeleteI really hate the afam about what he had done regardless the gender of the victim and its mistake, still it is not right to kill anyone. Jennifer had done a big mistake pero di yun sapat na dahilan para kitilan siya ng buhay, no one deserves to be treated that way. Kahit na nanglandi si Jennifer ng todo-todo ay hindi ko siya masasabihan ng “buti nga yan sayo” dahil grabe namang parusa ang kamatayan. Sana hindi lang LGBT ang sumuporta sa laban na 'to dahil ang bottomline issue dito ay ang brutal na pagpaslang ng isang dayuhan sa kapwa nating Pilipino na dito pa mismo ginawa sa sarili nating bansa.
ReplyDeletetruellagen AnonymousBeki!
ReplyDeleteagree ako sayo, lalo na dun sa last statement, plakado ka dun teh..
kung mapapansin nyo, most of the Filipinos masyado maka-criticize ng ibang tao pero pag sila ginawan ng ganun, over maka-react!
hay nako! ambot na lamang ah..katalaka gid ya!
-Teh DownUnder, maraming salamat sa appreciation. Nakakataba ng puso ♥
ReplyDelete-Teh Anonymous 1, dapat yata isama na sa curriculum ang wastong paggamit ng social media and how you should behave on it.
-Teh AnonymousBeki, PAK na PAK 'yang kuda mo. AYLABET!
well said and a well written comment on the issue.
ReplyDelete