Sunday, December 31, 2017

Pampatamis

Last day of the year na, mga ateng. Kumustasa ang holiday niyo? Wala ba kayong pasok o tulad niyo akiz na nag-take advantage sa special at double pay? Ganyan talaga kapag alipin ng kaperahan. Ang holiday season lumilipas pero ang bayarin, palaging andiyan. KALOKA!

2017 is a challenging year for the Filipino people. Palagi naman eh! But it was more beefy dahil sa trending news and issues. I guess the biggest was the killing of Kian Loyd Delos Santos and the Marawi siege. Andiyan din ang kontrobersyal na Dengvaxia vaccine, cases filed against PNoy, the budget of CHR, ang panduduro ni Sass, ang pagkapanalo ng SOGIE Equality bill sa kongreso, ang patuloy natin pagwagi sa iba't ibang international pageants, EJKs, ang pagsilang kina Jake Zyrus at Xander Ford at marami pang iba. Hindi na ako masyadong updated sa balita dahil pinag-a-unfollow ko lahat ng news media agency sa FB sa dami ng trolls. Ayun, todong gumaan ang buhay. Hindi na nababagabag sa nakaririmarim na comments. Sa TV na lang manood ng balita, at least hindi fake news.

Personally, keri lang naman ang 2017. Career is stable, wala pa ring lovelife but at least healthy at hindi nagkaroon ng matinding sakit. 'Yun ang mas importante. Hopefully magtuloy-tuloy ito next year 'wag lang 'yung tungkol sa lovelife. Sene nemen megkereen ne. Tigeng na tigeng ne pe eh. CHAR! Walang ipon pero nagkaroon ng Sunlife insurance. So far, so good naman. Ito rin pala ang taon na bawas ang pork at white sugar intake. More fish, chicken at beef then muscovado na ang pampatamis. Nakapag-travel din sa Bicol at Hong Kong. Matagal ko na palang gustong i-kwento 'yan.

Ang bagong taon ay simbolo ng panibagong pag-asa. I always believe that kaya kahit may kumokontra sa konsepto ng New Year's resolution/wish, walang basagan ng trip kaya eto ang bonggang listahan ko:
  • Read more books. Pataba sa nalalantang utak.
  • Social media detox . 'Di ko pa nasubukan pero sabi nila, masarap daw sa feeling. Ma-try nga! 
  • More veggies. Masasanay din, tiwala lang.
  • Water instead of sweet drinks. Kaya kaya? KAKAYANIN!
  • Travel and experience life outside my smartphone.
  • Meet and connect with new/old people.
  • Be more optimistic.
  • Think before spluking my thoughts. Baka bigla na lang akong makakita ng kamao.
  • Ipagpatuloy lang ang pagdedma sa bashers at negatron friends. Delete or unfollow na lang sila after ilang araw para 'di mahalata ahahahaha!
  • I will not promise but I will try to upgrade our blog to vlog. YES! Ilang buwan ko nang pinag-iisipan 'yan. I just have to learn how to edit videos and overcome my shyness talking in front of the camera. Shy daw oh! Sa boys lang naman kasi ako walanghiya ahahahaha!
  • To try a new thing/experience na hindi ko pa alam. It could be biking, hiking, take masters degree or something na hindi ko pa talaga nagagawa o nasusubukan.
  • Live and feel each day. Walang sayang na araw kung may gawa. Be more masipag.
Mga ateng, I wish you all the best this 2018. Pero siyempre hindi gagana 'yan kung hindi rin tayo kikilos. Magplano, gumalaw at isabuhay ang mga pangarap. I am ready, sabi nga ni Mang Tani. 

MASAGANANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!!!

Saturday, December 30, 2017

Nagagawi


On the loop ang Sakayan ng Jeep ni Nikki Gil sa Spotify at Youtube player ko. Kinda relate ang lola niyo sa lyrics kasi ilang beses ko nang nakasabay hindi man sa jeep pero sa tren si crushie law student. He goes to school after work at halos pareho kami ng shift. Kapag nagagawi ako sa Manila para magsimba sa St. Jude or Malate Church, may times na nakakasabay ko siya since nasa u-belt ang school niya. Panay ang sulyap ko habang umaandar ang tren pero you know the rule, mga ateng... dapat hindi halata pero nangingiti. Can't hide the kilig I'm feeling eh. CHOS! Ang girly ko diyan. Parang sa Miriam nag-aral ahahaha!

Nako, kumanta na lang tayo bago pa ako tuluyang maaning...

♫ Laging, laging naghihintay
Laging, laging nagbabantay
May kung anong kilig na nadarama
Sa tuwing nakikitang nagaabang

Paggising ko, bintanang tinutungo
Tinitignan kung nandoon na ang mahal ko
Umaasang maaabot ng tanaw
Habang naghihintay ng sakay niya

Do’n sa sakayan ng jeep
Madalas sinisilip
Do’n sa sakayan ng jeep
Minsan ay naiinip
Do’n sa sakayan ng jeep
Para bang panaginip
Tuwing nakikita ko siya
Sa sakayan ng jeep

Minsan nakitang naghihintay
Kunwari ako ang inaantay
Ngunit nakitang may kasabay
Ang puso ko’y nagkagutay-gutay... ♪

Sunday, December 24, 2017

Mapalawak

Nasa Baclaran akiz kagabi at NAKAKALOKA ang dami ng utaw sa daan. Wala na halos malakaran. Tapos may nagtitinda pa sa gitna ng kalsada na mas todong nagpasikip. Dalawa 150 na t-shirt, tag-100 na tsinelas, 3 for 100 na shorts, iRing na bente pesos isa at marami pang murang bilihin. Ang sarap mag-shopping!

Nitong Biyernes, December 22, ay naimbitahan ang byuti kez na umattend ng adultED, isang talakayan na mala-TEDx. Limang guest speakers ang walang kiyemeng kumuda - John Danvic RosadiƱo (LoveYourself Project Manager), Dr. Miel Nora (Chief of Party, Save the Children), Jabar Esmael (young professional and advocate), JB Deang (student leader and advocate tsaka parang mahal ko na siya chos!) and Noel Palaypayon (EpiBureau, DOH). Ang dami kong natutunan about sexual health and wellness, at ang current situation ng HIV/AIDS sa ating bansa.

Nakababahala ang patuloy na pagtaas ng numero at pabata nang pabata ang age range. Meron nang reported cases at namatay sa edad na kinse pababa. Sakit sa puso! Dahil diyan, nagsanib-pwersa ang LoveYourself at Save the Children para sa isang magandang proyekto, ang Safe Spaces PH

SafeSpacesPH is an innovative distribution model for increasing access to FREE condoms in Metro Manila. Safe spaces can be anywhere: bars, coffeshops, restaurants. By partnering with private establishments and using technology through the SafeSpacesPH mobile and web applications, it aims to solve the problem where 7 out of 10 of our youth are ashamed to buy condoms, making them vulnerable to HIV and other Sexually Transmitted Infections (STIs).
ANG BONGGA! Ginawa ito para mas lalo pang mapalawak ang access to free condoms via non-discriminatory and sex-positive establishments. Aminin man natin o hindi, nahihiya ang ilan sa atin na bumayla ng condom sa 7/11 o Mercury Drug. Sana walang pila sa kahera para walang makakita. Nako-conscious sa iisipin ng ibang tao at baka ma-judge agad kaya bareback na lang. CHAROT! Minsan, naubusan tayo at walang mabilhan. Eh kating-kati na ang tilapya at andiyan na ang nota, isusubo na lang kaya dedma na. Oh 'di kaya ang available na lang ay yung expensive brands. Nagkaubusan ng Trust! Saan ako dadalhin ng bente pesos ko? 

So, how does it work?

1. Install the app via Play Store (Oppo, Vivo and the likes) or App Store (iPhone)

2. Allow the app to access your location or GPS

3. Create an account or login using your social media or alter account. CHOS!

4. Just wait for a few seconds para sa top 10 establishments near your area

5. Go there and look for the Safe Spaces receptacle. Very discreet ang design. 
6. Oh getlak na at libre 'yan! 'Wag mahihiya sabi nga ni Tita Susan.
7. Get ready to rumble!

Kung naka-piso net kayo, walang problema dahil may web version nito.

The box contains 2 packs of condom at 2 sachets of lubricant. PANALO! Hindi na magtataka si inay kung bakit mabilis maubos ang mantika sa kusina ahahaha!

Kung may Tinder, Grindr, Hornet, FB, IG at other social media apps kayo sa phone, you should also add SafeSpacesPH. Tiyak na magagamit sa oras ng pangangailangan. Help us spread safety and this good news, mga ateng. A perfect Christmas gift for everyone!

Please visit safespaces.ph and loveyourself.ph for more information.

Saturday, December 23, 2017

Winners of Mister and Miss Supranational 2017

Mister and Miss Supranational 2017
Jenny Kim from Korea
Gabriel Correa from Venezuela
Magkasunod na ginanap ang Mister and Miss Supranational 2017 nitong December 1 & 2 sa Poland kaya naaligaga ang pageant fans sa kasusubaybay. Kahit batang-bata pa, itinuturing na ang dalawa sa pinaka bonggang pageants all over the world... the universe rather. CHOS! De kalidad ang mga contestants at walang tapon. Naging pambato natin sina Chanel Olive Thomas at Yves Campos.

Chanel Olive Thomas
Miss Supranational Philippines 2017
Maagang naging paborito si Chanel simula nang makoronahan sa Binibining Pilipinas 2017. Marami ang nag-asam na siya na ang makapag-uuwi ng ikalawang Miss Supranational crown. Matangkad, sexy, maganda at todo kudaera ang lola niyo. Hindi man nanalo dahil si Miss Korea ang nagwagi, ipinagpatuloy naman niya ang semifinalists streak ng ating bansa nang makapasok sa top 10.

Yves Campos
Mister Supranational Philippines 2017
Okay tapos na tayo sa merlat, focus na tayo sa mga otoks ahahaha! Yves Campos lives and works in Hawaii as a nurse. Siya ang nagwagi sa Misters of Filipinas 2017 at ipinadala sa Mister Supranational. Alam niyo mga ateng, cutie pie ang lolo niyo kaya lang, medyo kinulang sa muscles during the finals. Pero 'wag kayo ano diyan, swak pa rin siya sa top 20. Malaking achievement pa rin 'yon noh knowing na maikli lang ang gap from the time nang manalo siya sa national pageant. Hopefully, the national director saw this opportunity and will work on our next candidate. The title eventually went to Gabriel Correa of Venezuela.

As usual, dilat na dilat ang mata ko habang pinanonood ang pageant lalo na sa swimwear competition. Imbey lang at naka-board shorts sila at hindi skimpy bikini. Nahirapan tuloy akong sumipat kung sino ba sa kanila ang may MALAKING tsansa na manalo ahahaha!

Hala sige, pagsaluhan natin ang kanilang mga inihanda...

 Malta and Germany 
(mahal ko na silang dalawa ♥)

 Netherlands and Poland 
(ano bang meron sa mga European boys at madali akong ma-fall sa kanila?)

 Romania and USA
(dibdiban po ang labanan)

 Slovakia and Brazil
(rough boy o good boy?)

Spain and Venezuela
(patas lang po sila sabi ng puso[n] ko)

Monday, December 18, 2017

Lumibot

Sa wakas mga ateng, nakatikim na ulit ako ng puto bumbong noong Sabado nang magsimba ako sa Sto. Domingo. Napakasarap talaga! Wala pa yatang tatlong minuto eh naubos ko na. Iba talaga ang pagkaing Pilipino, walang katulad.

Tulad nang karamihan, natanggap ko na rin ang inaasam na 13th month pay at tulad pa rin ng karamihan, dumaan lang ito sa palad ko. Nagmadali pa nga. KALOKA! Binayaran ko na ang dapat bayaran. Hindi naman sa naniniwala ako na dapat walang utang sa pagpasok ng bagong taon pero eto lang 'yung chance na makapagbayad. Siyempre nagtira naman ako ng pang boylet, 'noh! Mga 3 hums ahahaha! Keri na 'yan kesa waley.

Last December 9 ay rumampa kami ng officemate ko na si Zeke sa QC LGBT Pride 2017. Ang tema ngayong taon ay Pride in QC, Safe and Free. Hindi ko perstaym umattend pero unang beses namin sumali sa martsa sa palibot ng Tomas Morato at Timog. Medyo pagoda sa rampahan pero worth it dahil pagkatapos lumibot ay may bonggang pa-show. May dancing, mowdeling, food park at speech with LGBT+ champion, Rep. Geraldine Roman

Simple lang manamit ang inang natin pero todo sa ganda at class. Parang babasaging kristal. Napaka-inspiring pa ng kanyang mensahe sa ating komunidad. Sana'y magkaisa at 'wag nang mag-okrayan. Trulili naman, 'di ba?! Humihingi tayo ng acceptance at equality pero minsan, tayo din ang kumukutya at nagdidiscriminate sa mga kafatid natin. 'Wag ganooon! 

Nagpaunlak din ng kanyang presensya ang King of Catwalk na si Sinon Loresca. Nakaka-GV ang kanyang smile. Wala rin siyang pagod kumaway sa kanyang fans at siyempre pa, siya'y rumampa on stage in his signature gown na hanggang bewang ang slit at super taas na tiil. Love him!

The celebration was super fun! Thanks to the Quezon City Government headed by Mayor Herbert Bautista for giving us this kind of event. Heto ang ilan sa mga kuhang larawan ni Zeke...


Tuloy ang laban, mga ateng...
MABUHAY ANG LGBT+ COMMUNITY!

Thursday, December 7, 2017

Debosyon

Bago sumapit ang Pasko at ang Metro Manila Film Festival, inaanyayahan ko kayong manood ng award-winning movie na Maestra. Ito ay sa panulat ni Archie Del Mundo at direksyon ni Lemuel Lorca. Nagkaroon ako ng pagkakataon na mapanood ito kahapon sa UP Cine Adarna.

Maestra (2017)
Spotlight Artist Center/Dr. Carl Balita Production
Directed by Lem Lorca
Written by Archie Del Mundo
Starring Angeli Bayani, Anna Luna and Ms. Gloria Sevilla

Umikot ang istorya sa tatlong guro ng iba't ibang henerasyon - si Iah (Luna) na bagong graduate at nagnanais makapasa sa Licensure Examination for Teachers LET, si Gennie (Bayani) na kahit ilang beses nang bumagsak, patuloy pa rin nagsusumikap para makamit ang lisensya, at si Espie (Sevilla) na hindi balakid ang edad para patuloy na makapagturo sa bagong henerasyon.

Kakaiba ang istorya ng Maestra sa lahat ng indie films na napanood ko. Walang hubaran, sampalan, sabunutan at suguran na karaniwang mga eksena sa pelikula. Wala ring masyadong scoring at distracting na theme song. Natural ang dating.

Angeli Bayani deserves an award for her role
Ang Maestra ay tungkol sa buhay ng mga guro at sa kanilang debosyon sa piniling propesyon. Ipinakita dito ang mga pagsubok na kanilang hinarap at patuloy na hinaharap sa araw-araw. I was particularly touched sa eksena kung saan ilang oras ang todong binubuno ni ma'am makarating lang sa paaralan. Kinakausap pa niya ang magulang ng mga estudyanteng hindi na nagsipasok. Hanggang diyan na lang as I don't want to spoil the rest of the story.

With Archie Del Mundo
Madalang magkaroon ng pelikula na guro ang sentro ng istorya. The last that I can remember is Mila by Maricel Soriano pero tungkol pa 'yan sa personal niyang buhay. Habang tumatakbo ang istorya, hindi niyo mapipigilang makaalala ng isang guro na dumaan sa buhay niyo. You will appreciate them more than ever.

Maestra will have a limited commercial run on the following SM Cinemas on December 8 and 9:
  • SM Megamall
  • SM Mall of Asia
  • SM North EDSA
  • SM Fairview
  • SM Manila
  • SM Sta. Mesa
  • SM Southmall
  • SM Bacoor
Humakot na ito ng international awards at recognition sa Amerika, Australia at Venezuela kaya worthy talaga panoorin. Don't miss this opportunity, mga ateng!



Rating: 4/5 stars

Wednesday, December 6, 2017

Limitahan

Tumataas ang temperatura sa mga mall dahil sa dami ng utaw na nagsha-shopping. Kasabay niyan ang todo pila sa mga terminal ng jeep at FX. Ang bagal kasi dumating ng mga sasakyan gawa ng trapik sa daan. Well, oh well, what's new ba?

Pawala na yata talaga ang lokal na produksyon ng CDs at DVDs. According kay ateng tindera ng Astroplus, nagpapaubos na lang daw ng stock ang Sony kaya mega sale sila last month sa SM North. Some record companies are transitioning to Spotify, iTunes, and other digital format. Sad for collectors like me but we gotta accept it. Nagbabago ang panahon at kahit ayaw, kailangan sumabay or else, mapag-iiwanan. I can still buy pa naman online, medyo pricey nga lang so limitahan na lang sa talagang gustung-gustong kolektahin.

Maaga pa para ma-sad dahil pagpasok ko sa Fishermall, kiosk ng CDs at DVDs on sale ang bumungad sa byuti ko. Waley na akong inaksayang oras at siniyasat agad ang mga paninda. Mukhang lucky day ko, mga ateng, dahil ang mga indie movies na pinanood ko dati sa sinehan ay bonggang binebenta sa moraytang halaga. Gaano kamorayta? 25php sa VCD at cincuenta ang DVD. AYLABET!

Aside from Fishermall, pwede din gumora sa sale ng Universal Records na ang office na nasa Quezon Ave. din. It's happening every Friday, Saturday and Sunday at last 2 weeks na lang kaya pwede pa humabol ang mga kolektor diyan. 

Sunday, December 3, 2017

Winners of Manhunt International 2017

Napakinggan niyo na ba ang bagong album ni ateng Taylor Swift? Consistent siya sa paggawa ng magagagandang kanta huh! Aside from Gorgeous, pa-ul-ul kong pinakikinggan ang Delicate. Bagay na bagay sa fragility natin. Fragility daw oh!

Nagsimba din ako sa St. Jude last Thursday na saktong Bonifacio Day. May rally sa Mendiola at karamihan ng mga nagsipagpunta ay naka-red. Sa news ko na lang nalaman na pro-Duterte at RevGov pala 'yun. Akala ko feeding program at ang daming lafes sa daan. Nakakagutom lalo na nung nakakita ako ng nilagang saba. SARAP!

Speaking of saging, iba't ibang saging ang nagtipun-tipon sa Thailand noong November 27 para sa Manhunt International 2017. Level up ang quality of boys kumpara last year. Bet na bet ko rin ang pambato nating si Daniel Azurin mula sa kampo ni Jonas Gaffud, ang tunay na reyna ng Aces and Queens.

Daniel Azurin
Manhunt International Philippines 2017
Model and La Salle student ang koyah niyo. May accent din kumuda dahil lumaki sa states. Siyempre mega follow tayo sa IG account niya at very pleasing ang personality sa IG stories. Mukhang na-enjoy niya ang competition and he ended up being a top 16 finalist. Not only that, he bagged the Mr. Photogenic special award. Another achievement for our country in male pageantry.

Let's savour more on him with his delicious pics courtesy of Missosology and Thai Runway...

Bongga this national costume by Edwin Uy. Unique and very Filipino!
Parang mas sasarap ang pritong galunggong kung isasawsaw sa kili-kili niya
Winning the Mr. Photogenic award
Isa pang love ko sa Manhunt International ay ang swimwear competition nila. Very skimpy and sexy. Talagang maaaninag mo ang hugis ng bawat bansa. Ganyan dapat sa mga male pageants at hindi mga boring board shorts. Aan'hin namin 'yon? CHOS!

Manhunt International 2017: Vitenam - Truong Ngoc Tinh
1st runner-up: Thailand - Kongnat Choeisuwan
2nd runner-up: Lebanon - Gaetan Osman
3rd runner-up: Sri Lanka - Wazeem Cammar
4th runner-up: Indonesia - Andry Permadi
Dominated ng Asia ang top 5 particulary mga bansa sa SEA. Ang saya! Pinakapasado sa panglasa ko si Mr. Lebanon. Alam niyo naman kapag middle eastern, todong malinamnam at nanunuot sa kalamnan. Cutie pie din sina Mr. Thailand at Mr. Indonesia. Taon-taon, walang palya ang Manhunt sa pagdeliver ng malasang handa. PAK!