Sunday, December 31, 2017

Pampatamis

Last day of the year na, mga ateng. Kumustasa ang holiday niyo? Wala ba kayong pasok o tulad niyo akiz na nag-take advantage sa special at double pay? Ganyan talaga kapag alipin ng kaperahan. Ang holiday season lumilipas pero ang bayarin, palaging andiyan. KALOKA!

2017 is a challenging year for the Filipino people. Palagi naman eh! But it was more beefy dahil sa trending news and issues. I guess the biggest was the killing of Kian Loyd Delos Santos and the Marawi siege. Andiyan din ang kontrobersyal na Dengvaxia vaccine, cases filed against PNoy, the budget of CHR, ang panduduro ni Sass, ang pagkapanalo ng SOGIE Equality bill sa kongreso, ang patuloy natin pagwagi sa iba't ibang international pageants, EJKs, ang pagsilang kina Jake Zyrus at Xander Ford at marami pang iba. Hindi na ako masyadong updated sa balita dahil pinag-a-unfollow ko lahat ng news media agency sa FB sa dami ng trolls. Ayun, todong gumaan ang buhay. Hindi na nababagabag sa nakaririmarim na comments. Sa TV na lang manood ng balita, at least hindi fake news.

Personally, keri lang naman ang 2017. Career is stable, wala pa ring lovelife but at least healthy at hindi nagkaroon ng matinding sakit. 'Yun ang mas importante. Hopefully magtuloy-tuloy ito next year 'wag lang 'yung tungkol sa lovelife. Sene nemen megkereen ne. Tigeng na tigeng ne pe eh. CHAR! Walang ipon pero nagkaroon ng Sunlife insurance. So far, so good naman. Ito rin pala ang taon na bawas ang pork at white sugar intake. More fish, chicken at beef then muscovado na ang pampatamis. Nakapag-travel din sa Bicol at Hong Kong. Matagal ko na palang gustong i-kwento 'yan.

Ang bagong taon ay simbolo ng panibagong pag-asa. I always believe that kaya kahit may kumokontra sa konsepto ng New Year's resolution/wish, walang basagan ng trip kaya eto ang bonggang listahan ko:
  • Read more books. Pataba sa nalalantang utak.
  • Social media detox . 'Di ko pa nasubukan pero sabi nila, masarap daw sa feeling. Ma-try nga! 
  • More veggies. Masasanay din, tiwala lang.
  • Water instead of sweet drinks. Kaya kaya? KAKAYANIN!
  • Travel and experience life outside my smartphone.
  • Meet and connect with new/old people.
  • Be more optimistic.
  • Think before spluking my thoughts. Baka bigla na lang akong makakita ng kamao.
  • Ipagpatuloy lang ang pagdedma sa bashers at negatron friends. Delete or unfollow na lang sila after ilang araw para 'di mahalata ahahahaha!
  • I will not promise but I will try to upgrade our blog to vlog. YES! Ilang buwan ko nang pinag-iisipan 'yan. I just have to learn how to edit videos and overcome my shyness talking in front of the camera. Shy daw oh! Sa boys lang naman kasi ako walanghiya ahahahaha!
  • To try a new thing/experience na hindi ko pa alam. It could be biking, hiking, take masters degree or something na hindi ko pa talaga nagagawa o nasusubukan.
  • Live and feel each day. Walang sayang na araw kung may gawa. Be more masipag.
Mga ateng, I wish you all the best this 2018. Pero siyempre hindi gagana 'yan kung hindi rin tayo kikilos. Magplano, gumalaw at isabuhay ang mga pangarap. I am ready, sabi nga ni Mang Tani. 

MASAGANANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!!!

No comments:

Post a Comment