Wednesday, December 6, 2017

Limitahan

Tumataas ang temperatura sa mga mall dahil sa dami ng utaw na nagsha-shopping. Kasabay niyan ang todo pila sa mga terminal ng jeep at FX. Ang bagal kasi dumating ng mga sasakyan gawa ng trapik sa daan. Well, oh well, what's new ba?

Pawala na yata talaga ang lokal na produksyon ng CDs at DVDs. According kay ateng tindera ng Astroplus, nagpapaubos na lang daw ng stock ang Sony kaya mega sale sila last month sa SM North. Some record companies are transitioning to Spotify, iTunes, and other digital format. Sad for collectors like me but we gotta accept it. Nagbabago ang panahon at kahit ayaw, kailangan sumabay or else, mapag-iiwanan. I can still buy pa naman online, medyo pricey nga lang so limitahan na lang sa talagang gustung-gustong kolektahin.

Maaga pa para ma-sad dahil pagpasok ko sa Fishermall, kiosk ng CDs at DVDs on sale ang bumungad sa byuti ko. Waley na akong inaksayang oras at siniyasat agad ang mga paninda. Mukhang lucky day ko, mga ateng, dahil ang mga indie movies na pinanood ko dati sa sinehan ay bonggang binebenta sa moraytang halaga. Gaano kamorayta? 25php sa VCD at cincuenta ang DVD. AYLABET!

Aside from Fishermall, pwede din gumora sa sale ng Universal Records na ang office na nasa Quezon Ave. din. It's happening every Friday, Saturday and Sunday at last 2 weeks na lang kaya pwede pa humabol ang mga kolektor diyan. 

No comments:

Post a Comment