Sunday, December 24, 2017

Mapalawak

Nasa Baclaran akiz kagabi at NAKAKALOKA ang dami ng utaw sa daan. Wala na halos malakaran. Tapos may nagtitinda pa sa gitna ng kalsada na mas todong nagpasikip. Dalawa 150 na t-shirt, tag-100 na tsinelas, 3 for 100 na shorts, iRing na bente pesos isa at marami pang murang bilihin. Ang sarap mag-shopping!

Nitong Biyernes, December 22, ay naimbitahan ang byuti kez na umattend ng adultED, isang talakayan na mala-TEDx. Limang guest speakers ang walang kiyemeng kumuda - John Danvic RosadiƱo (LoveYourself Project Manager), Dr. Miel Nora (Chief of Party, Save the Children), Jabar Esmael (young professional and advocate), JB Deang (student leader and advocate tsaka parang mahal ko na siya chos!) and Noel Palaypayon (EpiBureau, DOH). Ang dami kong natutunan about sexual health and wellness, at ang current situation ng HIV/AIDS sa ating bansa.

Nakababahala ang patuloy na pagtaas ng numero at pabata nang pabata ang age range. Meron nang reported cases at namatay sa edad na kinse pababa. Sakit sa puso! Dahil diyan, nagsanib-pwersa ang LoveYourself at Save the Children para sa isang magandang proyekto, ang Safe Spaces PH

SafeSpacesPH is an innovative distribution model for increasing access to FREE condoms in Metro Manila. Safe spaces can be anywhere: bars, coffeshops, restaurants. By partnering with private establishments and using technology through the SafeSpacesPH mobile and web applications, it aims to solve the problem where 7 out of 10 of our youth are ashamed to buy condoms, making them vulnerable to HIV and other Sexually Transmitted Infections (STIs).
ANG BONGGA! Ginawa ito para mas lalo pang mapalawak ang access to free condoms via non-discriminatory and sex-positive establishments. Aminin man natin o hindi, nahihiya ang ilan sa atin na bumayla ng condom sa 7/11 o Mercury Drug. Sana walang pila sa kahera para walang makakita. Nako-conscious sa iisipin ng ibang tao at baka ma-judge agad kaya bareback na lang. CHAROT! Minsan, naubusan tayo at walang mabilhan. Eh kating-kati na ang tilapya at andiyan na ang nota, isusubo na lang kaya dedma na. Oh 'di kaya ang available na lang ay yung expensive brands. Nagkaubusan ng Trust! Saan ako dadalhin ng bente pesos ko? 

So, how does it work?

1. Install the app via Play Store (Oppo, Vivo and the likes) or App Store (iPhone)

2. Allow the app to access your location or GPS

3. Create an account or login using your social media or alter account. CHOS!

4. Just wait for a few seconds para sa top 10 establishments near your area

5. Go there and look for the Safe Spaces receptacle. Very discreet ang design. 
6. Oh getlak na at libre 'yan! 'Wag mahihiya sabi nga ni Tita Susan.
7. Get ready to rumble!

Kung naka-piso net kayo, walang problema dahil may web version nito.

The box contains 2 packs of condom at 2 sachets of lubricant. PANALO! Hindi na magtataka si inay kung bakit mabilis maubos ang mantika sa kusina ahahaha!

Kung may Tinder, Grindr, Hornet, FB, IG at other social media apps kayo sa phone, you should also add SafeSpacesPH. Tiyak na magagamit sa oras ng pangangailangan. Help us spread safety and this good news, mga ateng. A perfect Christmas gift for everyone!

Please visit safespaces.ph and loveyourself.ph for more information.

No comments:

Post a Comment