Saturday, December 31, 2022

Kinamit

How was your 2022, mga ateng? Was it a memorable one or do you want to erase it from your life and start anew this 2023? For me, ang daming personal challenges na nilabanan at goals na pilit kinamit. Some were successful, some were not. Daming realizations din about life in general. May mga pananaw na nabago, may mga tradisyon na tinalikuran, may mga taong dapat iniiwan sa nakaraan, may mga posibleng pangyayari na dapat paghandaan, at may mga desisyon na dapat pag-isipan nang maigi.

Restoration Project
Rico Rival artwork for Talyang Basahan
Espesyal Komiks
Circa 1997

One of the biggest was when Leni-Kiko lost the elections. Was optimistic about life kung nanalo sila but it all flipped just a few hours after the precinct closure. The once therapeutic grocery eh naging depressing sa sobrang spike ng prices. Hindi man lang 1 or 2 pesos eh, halos lima hanggang sampung piso. May iba pa nga na halos singkwenta ang itinaas. The transportation system is still ineffective. Putol-putol na byahe dahil sa restrictions, ang nakakapagod na EDSA Carousel, ang mala-sardinas na tren, at mga nakakahilong at maiinit na aircon jeep.

On a good side, marami akong na-restore na komiks this year. Karamihan ay guhit ng paborito kong dibuhista na si Rico Rival. I hope the momentum stays para naman madagdagan. May utang pa akong Chika-Chika restoration sa inyo. Naging permanent work-from-home na rin ang setup ko kaya more time for myself and less gastos sa pamasahe at kain sa labas. 

2023 will be a good start for me to change my perspective in life. One of my goals is to bring back my confidence, the Cosmo girl I was during the late 2000s to early 2010s. Some say na as you age, you are more confident about yourself. Somehow I lost that version of me and it's time for a comeback. 

Will exercise more and eat healthier dahil talagang nag-stress eating tayo this year. Although normal pa ang lab results kapag nag-annual physical exam, makikita halos na pa-borderline na tayo sa hypertension at nasa lahi pa naman namin ang diabetes. I hope to prevent that next year. First time ko din makaranas ng UTI at sobrang sakit nakakaloka! More water, less colored drinks na tayo. 

I also hope to read the rest of the unread books I bought for the past few years. Hindi tayo nakapagbakasyon for the past 3 years so it's time for me to enjoy the sea. Siquijor, mapupuntahan na ba kita?

It's always good to write an essay about what happened to your year, may it be good or bad, and the hopes you have for the next year. New year's resolution man 'yan o mga pangarap na gustong matupad, isulat na 'yan sa papel at idikit sa pader. 'Yung palagi mong nakikita sa araw-araw so that it could serve as a reminder of what you can do in 2023. 

HAPPY NEW YEAR, MGA ATENG!

Saturday, December 24, 2022

Kumukutikutitap

Kulang anim na oras na lang at Pasko na, mga ateng. Part of my not-so-daily routine ang ma-achib ang 6k steps at pansin na pansin talaga na malamlam ang kinang this year. Mabibilang sa kamay ang mga kabahayan na kumukutikutitap. Pati mga palengke ay iilan lang ang nagbenta ng parol. Anyare diz year? Miss ko na tuloy nung elementary ako't lahat kami ng mga kaklase ko eh pinagdala ni ma'am ng parol. Sinabit sa bintana, pintuan at 'yung pinakabongga ay sa kisame ng classroom ilalagay.

It may not be the grandest and most memorable year for us but let me greet all of you a VERY MERRY CHRISTMAS! Let's hope that next year will be better and brighter. Sa ngayon, pagsaluhan natin kung ano man ang nakahanda. Batiin ang mga kamag-anak at kaibigan, at kung religious, 'wag kalimutang magsimba at magpasalamat. Kung hindi man, let's enjoy the time off from work and celebrate this occasion. Basahin din natin ang buhay ni Shiela at kung paano niya ipinagdiwang ang Kapaskuhan 26 years ago...

Universal Komiks
Disyembre 26, 1996
Blg. 2216
Pablo S. Gomez Publications
Last Christmas Gift
Written by Alan E. Rosales
Art by Joven Gapuz

Friday, December 23, 2022

Restoration Project #14: Hindi Magiging Malungkot Ang Pasko

Hindi Magiging Malungkot Ang Pasko
Story by Joe R. Dalde
Art by Cal SobrepeƱa

Espesyal Komiks
Disyembre 29, 1997
Taon 45 Blg. 2302
Atlas Publishing Co., Inc.

Tuesday, December 20, 2022

Magara

Sa Linggo na ang Kapaskuhan at talaga naman NAKAKALOKA ang Christmas rush! Traffic kahit saan at ang hirap sumakay. Ang haba ng pila sa EDSA Carousel dahil 'di sapat ang bus sa dami ng pasahero. Pati traditional jeep ay kulang na rin dahil naiipit sa kalsada gawa na ang daming private vehicles na bumabyahe. Ewan ko kung ako lang ba pero nang lumuwag ang COVID-19 restrictions, bakit parang dumalang ang e-jeep na pinagmamalaki ng nakaraang administrasyon? Kung ayaw niyo masayang ang oras niyo sa daan at hindi rin lang naman importante ang lakad, manatili na lang sa bahay dahil talagang hindi nakaka-fresh ang sitwasyon ng transportasyon ngayon.

Nitong nakaraang Miyerkules ay pumunta ako sa SM para mamili ng damit na susuotin sa year-end party ng departamentong kinabibilangan ko sa opisina. Bet ko sana sa H&M o Uniqlo pero juice ko po, pati dito ay ang haba ng pila. Kahit ang daming kahera, abot sa gitna ng tindahan ang linya. Ending, sa department store na lang ako bumili. Pagkabayad ay rektang uwi. Mahirap abutan ng rush hour sa daan.

Last Saturday naman ay dumaan ako sa PolyEast Records kiosk sa Fishermall para bumili ng CD. Kating-kati ang tainga ko na pakinggan ang kantang Kumukutikutitap ni Joey Albert. Ang festive sa feeling kapag naririnig ko 'yan kahit saan kaya naman bumili na ako ng kopya para idagdag sa aking koleksyon.

Excited na ba kayo sa noche buena at sa mga regalong matatanggap? Simple man o magara, may aguinaldo o wala, ang mahalaga ay ipagdiwang natin ang araw na ito para sa Kanya. Huwag kalimutang magpasalamat at magpakabundat!

Sunday, December 18, 2022

Selebrasyon

Noong December 10 ay rumampa ako sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay para puntahan ang exhibit ng Komiks: Sining Biswal, Isang Siglo ng Sining ng Komiks. Ito ay binuo ni Randy Valiente para sa ika-isangdaang taon selebrasyon ng komiks sa bansa. 

Ako lang ang tao noon dahil pasado alas-cuatro ng hapon na ako pumunta. Nakapaskil sa pader ang kasaysayan ng komiks mula sa kapanganakan nito noong 1922, impluwensiya ng mga Amerikano, golden age era, ang pamamayagpag noong dekada '80, hanggang sa unti-unti itong mapalitan ng makabagong henerasyon. 

Early '90s ko namulatan ang pagbabasa ng komiks at sa exhibit ko nalaman na sa dekadang ito unti-unting pumusyaw ang minsang makulay na industriya. Umusbong na rin kasi ang mga makabagong uri ng entertainment tulad ng VHS, internet, at cable channels. 

Tulad nang naikwento ko dito, isa ang komiks kung bakit mabilis akong nakabasa noong ako'y dalaginding pa. Laging may bitbit si La Mudra ng Horoscope Komiks kapag galing sa palengke dahil bukod sa horoscope, sinubaybayan niya ang nobelang Sa Isang Sulok ng mga Pangarap.

Mabalik tayo sa exhibit. Bukod sa mga komiks na naka-display, meron din isang TV screen nagpapalabas ng mga videos at isa dito ang The Story of the Filipino ng CNN kung saan kasama sa mga ininterview si Rico Rival.

Ang sarap pakinggan ng kasaysayan ng komiks mula sa pinakapaborito kong dibuhista. Nakatutuwa na magpasahanggang ngayon ay aktibo siya sa paglikha ng komiks. Siya ang nag-drawing ng makabagong DI-13 na sinulat ni Damy Velasquez III


***
Dahil nasa usaping komiks tayo, isa pang dapat nating ipagbunyi ang pagbabalik sa sirkulasyon ng Liwayway Magazine. Mahigit dalawang taon din itong nawala at naging exclusive online pero nitong Hunyo ay lumabas ang kanilang kembak printed edition. Isa ako sa mga natuwa dahil miss na miss ko nang bumili ng magasin na gawang Pinoy. Siyempre pa, dito ka na lang makakabasa ng old-school style komiks.

Maraming nagbago tulad ng sukat dahil mas maliit na ito. Handy at madaling ilagay sa bag. Mas kumapal na rin dahil 100 pages na. Kada-buwan na rin ang labas nito mula sa dating twice a month release. At imbes na mga artista, art o painting na ang nasa pabalat.

Bilang Christmas gift for myself, dinayo ko ang opisina ng Manila Bulletin sa Intramuros noong Viernes para bilhin at current at back issues. May bonus pang 2023 planner. Love it!

Mabibili ang Liwayway Magazine sa National Bookstore at sa ilang piling newsstand. They badly need our support para patuloy silang makapag-imprenta ng mga makabuluhang kwento mula sa mga dati at bagong manunulat. Nawa'y mabuhay muli ang interes ng mga Pilipino sa ganitong babasahin dahil nakakahinayang naman kung magiging parte na lamang ng nakaraan.

Monday, November 28, 2022

Pag-angat

Hello, mga ateng! How's your Christmas season so far? Mine is quite good. Feel na feel ang holiday through Christmas songs although nakukulangan sa pailaw sa daan. We used to have many lights and decorations pero ngayon ay bilang na bilang. Nagtitipid yata ang mga Pilipino dahil sa mahal ng basic needs. Parang kada grocery ko every payday, nag-iiba ang presyo ng mga bilihin. KALOKA! May balita pang tataas ang mga noche buena items. Paano na ang lamesa natin sa December 24 at 31? 

Photo from ABS-CBN News
Naging busy rin ako these past few days dahil bukod sa trabaho, I opened an online store to sell some of my stuff like CDs and DVDs. May ilang naligaw na magazine at personal items. Sa panahon ngayon, parang hindi sapat na isa lang ang pinagkukuhanan ng kita. Kung gaano kabilis tumaas ang presyo ng mga bilihin, siyang bagal ng pag-angat ng sahod. The minimum wage is 570/day but the amount that you need to earn to live a decent life should be at least 30,000/month. Napakalayo!

Ilang buwan pa lang naman ako aktibo pero ang dami ko nang natutunan bilang isang online businesswoman. Oh 'di ba, ang lakas maka-Sy, Ayala at Gokongwei ng term ko. CHAR! At tulad ng karamihan ng Pilipino, bumibili din ako online through Lazada, Shopee, at FB Marketplace. May iba't ibang learnings and experiences ako between the two and let me share some of them:

As a seller:

  • Be patient. Kahit nasa description/caption ang amount ng item, mode of payment and delivery, itatanong pa rin 'yan ng potential buyer. Para hindi magkakalyo kaka-type paulit-ulit, ilagay sa notepad, i-screenshot at 'yon ang i-reply kay buyer.
  • May mga tatawad kahit sinabihan mo na last price na. Just be upfront kung keri o hindi.
  • Magkaroon ng iba't ibang option on how to deliver items. Kapag rush, gusto makuha agad at within NCR, the buyer can book Lalamove or Grab. Kapag hindi rush, through LBC COP para mura. May mga nagtatanong kung pwede J&T and GoGo Xpress. This depends on the volume at kung ano ang bibilhin. Sinasabihan ko na lang ang buyer na at their risk since hindi kasing level ng LBC ang dalawang 'yan.
  • Be mindful in packing your items. Dahil fragile ang CDs at DVDs, bukod sa bubble wrap, nilalagyan ko pa ng karton tapos bubble wrap ulit. Hindi eco-friendly but as a Miss Earth warrior, what I do is I keep the bubble wrap ng mga items na binili ko online at nire-recycle sa mga binebenta ko.
  • Para iwas bogus buyer, I don't have COD as a mode of payment. Pay the item/s via GCash or bank transfer then shipping fee na lang ang babayaran ni buyer sa courier.
As a buyer:
  • Humingi ng actual photo ng bibilhing item. Nabiktima ako ng isang seller kasi sabi niya okay daw mga discs pero pagdating, hindi gumagana at kinain na ng disc rot. I asked for a refund pero hindi nagbigay within the period they promised. Ni-let go ko na lang but I...
  • Rate the seller honestly. Kung may issue sa item, try to send a message to them at baka maayos pa. Kapag hindi maganda ang experience niyo sa rider pero okay naman si seller at ang item, 'wag naman idamay ito sa rating. Kung may hiwalay na rating for buyer and courier, go lang pero usually ang rating na hinihingi sa inyo ng mga platform ay about the seller lang. Out of scope ni seller kung ano man ang quality of service na nakuha niyo sa courier.
  • May mga FB sellers na kupal. May binili akong VCD tapos hindi gumana. I sent them a video as a proof. Aba, panay seenzone lang sa messages ko. Nung nag-reply na, hindi daw siya tumatanggap ng refund. Siya pa talaga nagsabi niyan. Pwede ko daw soli at papalitan niya pero sagot ko daw ang delivery expenses or refund daw niya ako pero 'di na daw siya makipag-transact sa akin. Insert Bea Alonzo "parang kasalanan ko" meme. Tapos gastos ko pa in case gusto ko palitan eh mas mahal pa 'yung delivery kaysa sa mismong item. KALOKA!
  • Ang daming scammer! May mga too good to be true na presyo kaya always check their rating and customer feedback. Don't risk your hard-earned money.
  • Check the actual photos of the item from customer's feedback/rating para iwas budol. Minsan kasi ang layo ng itsura ng item sa posted picture ni seller.
  • Kung bibili ng damit, check the size chart, maghanda ng medida, at sukatin ang katawan. Maglagay ng allowance kasi minsan 'yung akala mong kasya ay masikip pala.
Sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan, dumarami ang mga manloloko. I hope na makatulong ang ilan kong kuda para hindi kayo mabiktima. Enjoy shopping!

Monday, November 7, 2022

Tumuntong

Pagdilat ko kahapon ng umaga, sumakit ang puso ko sa IG post ni Hilary Duff tungkol kay Aaron Carter. Hindi ko pa nga na-gets agad kaya kahit may muta pa, nag-check ako ng profile niya. Ibang profile pa nga ang napindot ko bilang wala pa sa wisyo. According sa TMZ, natapuan siyang walang buhay sa kanyang bahay. Hindi pa kumpirmado pero may balita na nalunod siya sa bathtub.

Isa si Aaron Carter sa mga unang pop artist na nakamulatan ko. I have very special memories about his self-titled album. Binili ni La Mudra ang cassette tape niyan dahil sa request ko. Pa-ul-ul kong pinatugtog Crazy Little Party Girl ang ang version niya ng The Jets original na Crush on You. Pumunta pa siya sa Pilipinas to promote the album. Kahit wala akong kasama, gora ang byuti sa SM North para panoorin siya sa SM Entertainment Plaza, same venue ng Kwarta o Kahon noon. Tandang-tanda ko pa ang pagkukumahog ng tao palapit sa stage nang lumabas siya. Hindi maawat ng mga guardo versoza. Stampede levels! At dahil bubot pa akez, kinailangan kong tumuntong sa lamesa ng foodcourt para makita siya. Ang liit din kasi niya noon.

Umalagwa ang career niya sa US with his other hits like Aaron's Party, I Want Candy and I'm All About You. Naging jowa niya rin ang Disney Princesses na sina Hilary Duff at Lindsay Lohan. Pero tulad ng ibang child star, hindi naging madali ang tinakbo ng kanyang karera. Nagkaroon siya ng health issues and problem with his siblings including Nick Carter of Backstreet Boys. Todong nakakalungkot kapag halos kaedaran mo lang pero grabe ang mga pinagdaanan.

Aaron, thank you for the music you made especially for the '90s kids like us. My childhood is not complete without your songs. We're going to miss you forever.

Friday, October 21, 2022

Restoration Project #13: Unang Pag-ibig

Unang Pag-ibig
Kwento ni Lourdes A. Panaligan
Guhit ni Ger Miralles

Universal Komiks Magasin
Mayo 26, 1983
Taon 18 Blg. 798
Affiliated Publications, Inc.

Friday, September 16, 2022

Restoration Project #12: Takot ay Nasa Isip Lamang

Takot ay Nasa Isip Lamang
Sinulat ni Jerry D. Jarapa
Guhit ni Bert Lopez
Tagalog Klasiks
Setyembre 4, 1997
Taon 48 Blg. 2315
Atlas Publishing Co., Inc.

Monday, September 12, 2022

Pwesto 3.0

Narito ang third installment ng ating Pwesto series. Lakas maka-Lord of the Rings, de vaahhh? Gumora akiz kahapon sa Fisher Mall para mamili sa PolyEast Records kiosk.

Unang kong napansin ang papag ng CDs worth tweni to fifty peysos. OMG! It's back! Bigla kong na-miss ang yearly sale sa Universal Records building noong early to mid-2010s (Adik, Agawan).

Selected foreign and OPM albums are available for an affordable price. Merong Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Christian Bautista, Jessa Zaragoza, Parokya ni Edgar, Pops Fernandez, Karylle, Jonalyn Viray, Martin Nievera, Gary Valenciano at kumpleto yata ang discography dito ni Jose Mari Chan.

Aside from CDs, makakabili din dito ng vinyl records worth ₱1,900. Very nostalgic itong cover ng Retro album ni Regine at Maligayang Pasko ni Joey Albert. Sana magkaroon pa ng CD version.

At dahil BER months na, maraming Christmas albums na pagpipilian, mapa-Tagalog man o English 'yan. Personal fave ko ang Pamasko ng mga Bituin, Salubungin ang Pasko at My First Christmas Album ni Kuh Ledesma. Very nostalgic kapag pinatutugtog!

PolyEast Records kiosk is located at the ground floor of Fisher Mall, QC, in front of McDonald's. Kung nasa malayo kang lugar, don't worry dahil may Lazada store sila.

Patuloy nating suportahan ang mga nalalabing record stores sa Pinas para patuloy silang gumawa at magbenta ng makokolekta natin.