Kiss Komiks Mayo 9, 1996 Taon 1 Blg. 37 Sonic Triangle Publishing, Inc. |
Monday, April 25, 2022
Wednesday, April 20, 2022
Pahapyaw
Hindi ko naman masisisi kung bakit matitigas ang bungo ng millennials pagdating sa mga Marcos. Malandi man ako noong nag-aaral pa ako, natatandaan ko na pahapyaw lang ang diskusyon sa mga ginawang kabalbalan nila. Although mas maraming silang pages sa libro ng HeKaSi (Sibika at Kultura noong elementary tapos naging HeKaSi na naging Social Studies noong high school) kumpara sa ibang presidente, wala masyadong depth at hindi nakapag-focus sa mga biktima ng martial law, mga utang, at pagnanakaw na hanggang ngayon ay binabayaran natin. Walang intensity ganooon! I'm not claiming na ganito sa lahat ng paaralan huh!
Kung tatanungin mo ako 10 years ago kung ano opinyon ko tungkol sa kanila, malayong-malayo sa sasabihin ko ngayon. Salamat na lang at maraming tumitindig ngayon at may mga credible sources na available online para imulat ang nakapikit kong mga mata dati. Actually hindi nakapikit, nakatingin sa corridor hinihintay dumaan si crush. CHAR!
Sisisihin ko ba ang titser ko, ang libro, DECS (yes, hindi pa DepEd ang tawag noon) o ang gobyerno? Hindi na siguro mahalaga 'yan. Ang dapat pagtuunan ng pansin ay kung paano maitatama ang mga butas ng nakaraan. Paano 'yan? Iboto ang nararapat, 'yung may malinis na record, hindi magnanakaw at hindi ginagawang negosyo ang pulitika. Sino yan? Let me introduce...
Thursday, April 14, 2022
Pinarusahan
Wala palang MRT kahapon kaya kawawa ang mga komyuter dahil walang masakyan. Huling araw bago gunitain ang Semana Santa pero tila ba pinarusahan pa tayo ng gobyerno. As far as I can remember, walang biyahe ang mga tren mula Maundy Thursday hanggang Easter Sunday. So bakit maaga ng one day this year? Mabuti sana kung katulad ng dati ang bus system sa EDSA. Eh limitado lang ang number of buses na pwedeng bumiyahe sa EDSA Carousel bilang isang lane lang 'yan. Ang hirap pa sumakay dahil kailangan mong umakyat ng MRT station o overpass para makarating sa bus stop. Not friendly sa mga senior citizens at PWDs. Hay, sana manalo si Leni para maayos 'yan. Sure ako diyan!
Sana ay nakauwi na ang karamihan sa inyo at nagpapahinga na ngayon. Deserve niyo ang holiday break na 'to. Basahin na rin natin ang mahiwagang love story nina Ruel at Martika na sinulat ni Mars Alvir at ginuhit ni Rodman...
Sunday, April 10, 2022
Saturday, April 9, 2022
Balak
Finally, weekend na! KONGRACHULEYSHONS mga ateng at na-survive muli natin ang isang linggo ng pagkayod. We deserve a good weekend! May balak ba kayo? Dagsa daw ang tao sa Cebu at Boracay dahil Holy Week na rin. Mga na-deprive sa travel gawa ng lockdown kaya all-out sa pag-book kung saan-saan. Bet ko din sana mag-beach pero 'yung murriah carey lang at hindi matatagtag sa biyahe ang byuti natin. Batangas kaya, La Union o Batanes?
SKL, two weeks ago ay nagkaroon ako ng UTI o urinary track infection. Unang beses kong makaranas ng sobrang sakit na pag-ihi. Tapos ang labo ng weewee ko. Agad akong nagpabili ng buko juice at rumampa sa ospital para matingnan ng doktora. Isang oras matapos maghintay ng resulta ng urinalysis, certified UTI ang sakit ko. Tinanong nga ako kung active daw ba ang aking sexual life. Hindi naman ako nahiyang sabihin na 'sing tagal na ng lockdown ang dry season ko. STD levels na yata sa sobrang taas ng impeksyon. Agad akong niresetahan ng antibiotic na salamat na lang at may generic version. Hindi masyadong nabutas ang butas ko ng bulsa. CHOS! So far, maayos na ang lagay ko pero bawas muna sa maanghang at maalat na foods. More water at less concentrated drinks.
Silahis Komiks Enero 26, 1997 Taon 1 Blg. 10 Graphic Arts Services, Inc. |
Halikayo't basahin natin ang masalimuot na love life ni Larry. Magsilbi sanang aral at 'wag sanang mangyari sa atin...
Wednesday, April 6, 2022
Palibhasa
Ang inakala kong saglit na pag-ulan kagabi ay nagtagal ng ilang oras na nagpasaya ng aking puso. Ewan ko ba mga ateng pero iba talaga ang happiness ko kapag naririnig ang mga patak ng ulan. Unexpected din ito dahil buwan ng Abril, kalagitnaan ng tag-araw. Medyo lumamig ang panahon kaya napasarap ang ating mga borlogs.
May nakita akong video sa Twitter kung saan tambak ang tao sa daan habang naghihintay ng masasakyan. Balik-opisina na kasi ang karamihan sa atin lalo na ang mga dating naka-work from home na BPO employees. Dahil hindi pa ibinabalik ang dating ruta ng mga bus sa EDSA at ang ibang jeepney ay hindi pa rin nakakabyahe tulad ng dati, putul-putol tuloy ang byahe ng mga komyuter. Imbes na isang sakay lang, nadodoble pa. Bababa, maglalakad papuntang terminal, at pipila ulit na kakain ng panibagong oras. Ano na lang ang matitira sa atin niyan? Kahit umalis tayo ng maaga, kung hindi epektibo ang sistema ng transportasyon, wala rin. Palibhasa itong mga nakaupo sa pamahalaan eh hindi nararanasan ang sumakay araw-araw. Mga nakatsikot, kumportable sa malamig at hindi siksikang sasakyan.
Kung nasa byahe man kayo ngayon, tara't pakialaman natin ang buhay ng isang virgin wife. Bakit kaya siya birhen kung may asawa na? Dalawang issue lang ang meron ako pero nakakaintriga ang kwento huh! At nasa cover pa sina Shintaro Valdes at Matthew Mendoza. SYET! Nag-wet ang tilapya ko! Hanggang ngayon talaga crush ko si Sir Matt. Sir Matt daw, oooohhhh???
Bedtime Stories April 25, 1996 Taon 1 Blg. 14 Sonic Triangle Publishing, Inc. |
Sunday, April 3, 2022
Sumuko
Napadaan naman ako sa mall kahapon at parang back to pre-pandemic days na sa dami ng utaw. Buti na lang at naka-facemask lahat. Hopefully hindi mangyari sa atin ang kasalukuyang nangyayari sa China, Hong Kong at Korea na biglang taas ng mga kaso ng COVID-19. Observe health protocols pa rin, mga ateng.
Kiss Komiks Mayo 9, 1996 Taon 1 Blg. 37 Sonic Triangle Publishing, Inc. |
Saturday, April 2, 2022
Tumatak
Painit nang painit na rin ang campaign season. Pabonggahan ng drone shots ang dalawang malapit na magkatunggali pero 'di ko maalis sa isip ko bakit ang baba ng resolution ng mga uploads ng isang partido. Ni hindi mo mai-zoom kasi magiging pixelated na. Halata din ang pagkakapareho ng ibang anggulo pero hindi ang hirap patunayan dahil sa resolution ng litrato. Sa panahon ng FHD, parang kuha sa Nokia 7650 ang picture nila. CHAR!
Bukod sa sorties, mag-house to house na rin ang mga volunteers ni VP Leni Robredo para todong makapag-convert ng mga botante. Effective ito lalo na hindi lahat ay may access sa social media. Nagbabalik din ang komiks which makes me very happy. Naalala ko pa noong 1992, ang daming ganito na pinamimigay at tumatak sa isipan ko ang komiks ni Ramon Mitra Jr.
Nitong nakaraang weekend, nakapag-scan ako ng komiks at nakapag-restore ng ilang cover at nobela. Let me share this special restoration I made dahil heavily damaged na ang kopya ko. I never thought na maayos ko pa ang cover but I'm so proud na nadiscover ko ang Curves sa Photoshop na nagpadali ng aking editing life. Heto ang unang labas Narito Ako, Hatulan Mo, nobela ni Gilda Olvidado at guhit ni Joey D. Celerio...
Narito Ako, Hatulan Mo Tagalog Klasiks Setyembre 4, 1997 Taon 48 Blg. 2315 Atlas Publishing Co., Inc. |