Friday, April 25, 2025
Thursday, April 24, 2025
Tuesday, April 22, 2025
Thursday, April 17, 2025
Palagi
I cried so much last night...
![]() |
Nora Aunor as Bona |
Tandang-tanda ko pa nang rentahan ko ang VCD ng Bona sa Video City Tandang Sora branch noong 2010. Pinanood ko ito sa kauna-unang TV na binili ko, 14 inches na Sanyo, 'yung de kuba pa. Matapos ang pelikula, agad kong sinulat ang damdamin ko sapagkat nabihag ni Ate Guy ang puso ko. Ramdam na ramdam ko kung paano umasa si Bona sa pagtingin ni Gardo pero nabalewala lang. Dito nagsimula ang paghanga ko sa nag-iisang Superstar. Sunod-sunod kong pinanood ang mga pelikula niya sa pekeng DVD na binebenta ni Ligaya Master sa Quiapo. Sa tuwing may bagong blog entry tungkol sa kanya, palaging may magagandang komento ang mga solid Noranians. Ang iba ay nakilala ko pa nang maimbitahan ako sa screening ng Hustisya kung saan tinanghal siyang Cinemalaya Best Actress.
Bilang miyembro ng isang marginalized group, palagi akong nakakarelate sa mga pelikula ni La Aunor. If not sa character, I see myself on the set, on the situation, o sa landas na tinatahak ng istorya. Pamilyar at sumasalamin sa buhay ko ang mga gawa niya.
Himala na siguro ang pinakasikat niyang pelikula pero kung ako ang tatanungin, Bakit Bughaw ang Langit?, Ina Ka ng Anak Mo, at Bona ang top 3 ko.
Hindi perpekto si Ate Guy, marami siyang personal issues na pinagpyestahan sa showbiz. But one thing's for sure, she was always appreciative of her fans. She genuinely loves us. We find comfort in her. I'm glad she was hailed as National Artist while still living. She got to experience the respect she truly deserves. Her contribution to Philippine Showbiz is unmatchable.
Palagi, ikaw ang aking paborito, Ms. Nora Aunor. Ang nag-iisang Superstar ng Pilipinas.
Monday, February 17, 2025
Mang Greg
Nitong Enero lang nang mag-post si Rectoduction, isang buyer at seller din ng CD, na ikaw daw ay lumisan na. Hindi ako makapaniwala. Sinubukan kong alalahanin kung kailan ako huling pumunta sa'yo pero hindi ko na maalala. Sa tuwing pumupunta ako sa'yo, lagi mong sinasabi sa akin na sumali ng beauty pageant dahil sa tangkad ko. Na bagay sa akin ang pagtaba ko. Naabutan mo kasi ang pagpag era ko. CHOS! Ganoon na tayo katagal na magkakilala.
Pumunta ako sa shop mo kanina. Of course, wala ka na sa usual spot mo. 'Yung mga karton ng CDs sa labas ay nabawasan na. Mukhang basta na lang itinambak sa loob. Hindi na ako makapagkalkal tulad dati. Hindi kasing alaga mo ang bagong namamahala. Bibili sana ako ng Ace of Base album pero doble ang presyo na bigay sa akin.
The magic of Mang Greg is now gone. Hindi na siguro ako babalik para bumili doon. Ngayon ko lang na-realize na isa sa mga rason bakit ako nagpabalik-balik ay dahil sa bonding natin. Pinagtagpo tayo ng iisang hilig - CDs. Hindi bale, sa tuwing titingin ako sa aking koleksyon, hindi maaaring hindi kita maalala.
Thank you for your passion in keeping the physical CDs alive, Mang Greg. Enjoy the music now sung by the angels.