Thursday, September 27, 2012

Pakana

La Aunor classic movie marathon continues with...

Balikbayan si Adora (Aunor) at long-time jowa niya si Dindo (De Leon) na naungusan ni Ver (Fernando) sa promotion. Stress ang lolo mo at hindi alam ang gagawin para siya naman ang mapromote. Enter sa eksena si Renata (Koronel) o Renee para mas shala sa tenga, ang unica hija ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrababuhan ng dalawa. Ded na ded sa kanya si Ver pero si Dindo ang type niya. Sinilaw niya sa pera't bonggang promotion, nagdrowing pa na tesbun siya kaya napasakamay niya ito.

"Binaboy mo pati ang katawan mo. Makarating ka lang 'dun sa itaas,
ipinagpalit mo pati ang katawan mo. Pati kaluluwa mo ibinigay mo 'dun sa babaeng 'yon.
Sa ahas na 'yon! 'Dun sa makating babaeng 'yon!"
Kahit kasal na sa iba, love pa rin ni Dindo si Adora. 'Di naman ito lingid sa kaalaman ni Renee. Dahil todong insekyora ang ahas, nilason niya ang sarili at pinalabas na si Adora ang may pakana. Eh nahuli siya ni Ver kaya grab the opportunity ito na matikman siya sa pamamagitan ng pamba-blackmail. Katulad ng karamihan sa kontrabida, ded siya sa ending ng pelikula.

Hhhmmm... 'di ko masyadong bet ang Beloved at wala 'yang kinalaman sa mga artistang nagsipagganap. Marami kasing "huh?!" moments at may kahinaan ang istorya kumpara sa ibang klasikong napanood ko.

Lahat yata ng magandang pwedeng sabihin sa akting ni Ate Guy ay nasabi ko na. Wa na me maidadagdag pa. Peyborit part ko ang confrontation scene nila ni Christopher De Leon sa komedor sabay breakdown. Panalo! Ewan ko pero parang dubbed ang boses ni Hilda Koronel. Ang awkward niya mag-Ingles eh. Pangalawang beses ko pa lang makapanood ng pelikula na kasama si Dindo Fernando (una 'yung Nagalit Ang Buwan) at napaka-effective niya sa kanyang karakter. Nakaka-inlove ang diction niya. Sabi nga nung isang direktor na napagtanungan ko, para daw siyang si John Lloyd Cruz nung kapanahunan niya.

Rating: 3/5 stars.

Tuesday, September 25, 2012

Termino

Panahon na pala ng proklamasyon ng mga pambato ng iba't ibang partido para sa nalalapit na eleksyon. Kahit ilang buwan pa bago 'yan eh todong exposure na agad ang ginagawa ng ilan. Bukod sa epal campaigns, panay ang labas nila sa balita. Kung anu-anong isyu ang sinasawsawan, may masabi lang. 'Yung iba gume-guest pa sa mga variety shows at nagpapaka-masa. Kebs kung pagtawanan sila basta maramdaman ng madla ang kanilang presensya.

In na in sa Pinas ang Political Dynasty. Kapag tapos na ang termino ni pudra, si mudra naman ang bonggang tatakbo. Ang mga junakis, magsisimula sa mababang posisyon. Kapag retired na ang mga magulang, sila naman ang papalit. Siyempre join din si tito at tita pati na sina pinsan. Ginawang family tree ang lingkod bayan. Uso 'yan sa senado... AMININ!

Isa pang trend ang pag-shift ng career sa gobyerno. Tatakbong mayor matapos ang termino sa kongreso at pagkatapos ng tatlong taon, tatakbo uling congressman. Tatlong termino ulit tapos babalik sa pagkamayor at uulit pa. Hindi ko knowsline ang tawag diyan kaya mag-imbento watashi... Political Recyling. Keri ba?

Matatapos pa kaya ang ganyang kalakaran sa gobyerno o baka thunderrific na ako eh iisang apelyido pa rin ang nasa posisyon? Wala namang masama kung gumagawa ng tama pero hindi mo maiiwasang 'di magtaka kung bakit kapit-tuko ang ilan at parang ayaw pakawalan ang kinauupuan.

Monday, September 24, 2012

Bata 2.0

Tatakbong bise-gobernador ng Cavite ang junakis ni Senator Bong Revilla na si Barangay Captain Jolo Revilla sa 2013 elections...


'Di ba masyado pa siyang bata para sa posisyong iyon?

Sunday, September 23, 2012

Ala-Magic Mike

Si Ian Batherson ang isa sa pinakamapangahas sa Cosmo Bachelor Bash 2012 noong Martes. Hindi ko nga nakunan ng litrato dahil todong nagconcentrate ako sa portrayal niya bilang seksing pulis. May hawak pa siyang batuta na nagpalaro ng rated SPG na eksena sa utak ko. Swerti nung latbey na umakyat sa stage at bonggang sinayawan siya ala-Magic Mike. Salamat kay ateng Nico at pinadalhan niya akiz ng kanyang mga kuha. Ayaw ko naman magmadamot ng masarap na ulam kaya happy fiesta mga 'teh!

Manhunt Philippines Metro Manila 2012

Courtesy of events2images.wordpress.com
Amfofogi pala ng winerva monsod palma sa Metro Manila edition ng Manhunt Philippines 2012. Talsik panti ko sa grand winner na si Allen Molina. Nakakatulala ang ganda ng ngiti niya. Second placer si Ford Santillan at second runner-up si Ronnie Toribio. Bongga talaga 'tong si Ronnie at lahat yata ng male pageants eh ka-join siya.

Kung alam ko lang na ganito kasharap ang kanilang swimwear...

...wit ko sanang pinalagpas ang chance mapanood ito ng live! Pancit canton galore! 
YUM! YUM!

Friday, September 21, 2012

Panakot

Ninanamnam ko ng husto ang kaluluto lang na Republic Act No. 10175 o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012. Madami kasi ang nagsasabing ito ang sisikil sa ating freedom of expression pagdating sa paggamit ng social media. Ayon sa interview ng isang atorni sa ANC, kapag ikaw ay may nasabi o nasulat na wit like ng isang tao (pulitiko man o pribadong tao) at feeling niya ay nadungisan mo ang malinis niyang reputasyon, pwedeng kang sampahan ng kasong libelo. Hanggang 17 years daw ang kulong diyan. Tuwang-tuwa siguro ang mga pulpulitiko at maaari nila itong gawing panakot sa mga naninira sa kanila. AMP! Pero 'wag natin masyadong negahin ang CPA dahil may bonggang portion ang batas na 'yan tulad ng pagpaparusa sa mga utaw behind computer-related fraud and identity theft at ang nakakasulasok na child pornography. So keri pa rin.

Alamin ang RA No. 10175 dito>>

Ang 'di ko kineri eh ang pagtutok ng baril ni pudra sa kamag-aral ng junakis na nangyari pa mismo sa campus ng Colegio San Agustin in DasmariƱas Village, MAKATI CITEEEH!. Ay! Pangarap ko magkaroon ng balur sa village na 'yan. Ang siste, ito daw si junakis eh todong binubully si kamag-aral. Napuno ang salop kaya nasapak siya. Nakarating kay pudra ang isyu kaya kasama ng mga bodyguards eh sumugod sila eskwelahan. Bago tinutukan ng baril eh sinaktan muna si kamag-aral. JUICE KOH! Anong laban nung bagets sa kanya? May dala pa siyang julalay as if gera ang pupuntahan. Kawawa naman 'yung bata. Siguradong na-trauma sa nangyari.

Basahin ang kabuuan ng balita dito>>

Wednesday, September 19, 2012

Cosmo Bachelor Bash 2012

Last night ay nakarating na naman ang byuti ko sa bonggang Cosmo Bachelor Bash ng Cosmopolitan magazine. Salamat at muli akong naisama ni super friend Chari. Bale pang-anim na beses ko na 'to kaya may Ph.D na 'ko pagdating sa event na 'to. CHOS! Sabay-sabay kaming dumating ng iba ko pang fwends sa World Trade Center, Paseeey Citeeeh pasado ala-siete ng gabi at naloka kami sa haba ng pila. Hindi na nga pinapasok ang iba dahil todo sa dami talaga. Swerti namin at nakapasok kami ng walang abala. PAKAK!

Pagpasok pa lang eh papica na agad sa mga San Mig Light ohms. Nagkalat din ang masasarap na lalaki ng Century Tuna at Lick Condoms. Buti na lang at napigil ko ang pagkahayok ko. Hindi naman nagtagal eh nagsimula na ang main event. As usual as always, kakagutom ang kasarapan ng mga rumampage. Bukelya kung bukelya ang ilan. Pero todong naglangis talaga ang fake-fake ko nang si Vince Ferraren na ang rumampa. JUICE KO MGA 'TEH! Akala ko eh the end of my byuti na nang masilayan ko ang sharap niya.

Matapos ang event ay pakalat-kalat ako sa loob para maghagilap ng iba pang ohms na mafefecturan. May ilan din na lumapit para sabihin nagbabasa sila ng aking putahe. Maraming salamat po sa suporta.

Para naman malaman niyo kung gaano kasharap ang nangyari kagabi, heto ang ilan sa mga kuha ko...