Thursday, October 25, 2012

Showbiz Lengua

Showbiz Lengua
 by Jose F. Lacaba
Sa wakas at may bago na akong librong babasahin. Medyo natagalan bago nasundan ang huling librong nabasa ko. Medyo nauumay na rin ako sa romance novels kaya time to change genre muna. Itabi muna natin sina Martha Cecilia at Rose Tan

Nasa mga unang pahina pa lang ako ng Showbiz Lengua at talagang interesante siyang basahin. Kaya ganyan ang titulo ng libro ay sapagkat tungkol ito sa iba't ibang salita na bonggang sumikat, ginamit at patuloy na ginagamit sa maliit na mundo ng showbizness. Pilit ding hinagilap kung saan ito nagmula. 

Oh siya mga 'teh! Basahin ko muna ito habang pumapatak ang ulan sa bubungan.

Wednesday, October 24, 2012

S.E.B.

Para sa mga shala kong shupitbalur sa Dasmarinas Village, San Lorenzo Village at Forbes Park. Pati na rin sa mga shupatemba ko sa Guatemala street at karatig pook, halikayo't may bonggang S.E.B. tayo...

"Reasons" to watch The Amazing Race PH

Sa Lunes na magsisimula ang The Amazing Race Philippines kapalit ng Artista Academy sa timeslot nito. Eto daw ang isa sa mga rason kung bakit bonggang lumipat ng TV 5 si Derek Ramsay. Alam niyo naman si fafah, may pagka-sporty kaya nang in-offer sa kanya 'to, grab niya kaagad ang opportunity. 

May labing isang duo na lilibot sa buong Pilipinas at todong mag-uunahan para makamit ang dalawang milyong pisong papremyo. Mukhang interesanteng panoorin dahil bukod sa laro, may mga certified papables na kasali. Ang Azkals member na si Anton Del Rosario at ang shupatemba niyang si Armand. Meron pang bortabels na si Marc at modelong si Dayal. May tsikang 'di daw sanay mag-brief si Dayal at naiinitan daw. So aalog-alog si junjun habang tumatakbo si fafah? Tsalap naman! Hhhmmm... totoo kaya o echos lang? 'Yan ang dapat nating abangan.

Bahala na kayong mag-research ng tungkol sa mga merlat na kasali (kung interesado kayo). Eto ang preview ng show...

Monday, October 22, 2012

Miss International 2012 winners

Image courtesy of Missosology.info
Si Ikumi Yoshimatsu ng Japan ang katatanghal lang na Miss International 2012. Unang beses nilang manalo sa pagandahang itech. 1st runner-up si Miss Finland Viivi Suominen at 2nd runner-up naman si Madusha Mayadunne ng Sri Lanka. Nasa fourth place si Melody Mir ng Dominican Republic followed by Nicole Huber of Paraguay

Pasok naman sa top 15 si Miss Philippines Nicole Schmitz. Todong dumagundong sa venue ang lakas ng suporta ng Pinoy fans na nanood ng live. Watch niyo ang speech portion ng ating dilag para marinig niyo...


'Di mo man nauwi ang korona Nicole, maraming salamat sa bongga mong pagwagayway sa ating bandila. Ipinagmamalaki ka naming mga pageant fanatics. 

MABUHAY KA!

Saturday, October 20, 2012

Patuloy

Kagabi ay live na ininterview sa Iba Balita si Dr. Eric Tayag, ang asec ng DOH. Tungkol ito sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong nabibiktima ng HIV/AIDS. Todong nakakabahala sapagkat siyam na Pilipino araw-araw ang nabibiktima. Ang pinakamataas na bilang ay nanggagaling sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki (MSM) between the age of 20-29.

Sa datos na kanilang nakalap, 51% ng positive cases ay nasa NCR sunod ang Cebu, Davao at iba pang parte ng bansa. Isa sa tinuturong dahilan ang madalas na pag-online at pangingisda ng makakasex sa mga social networking sites. Bukod sa sexual partner ay nariyan ang orgy o group sex. Imagine, kung lima kayo at isa sa inyo ang may HIV/AIDS, maaring apat agad ang mahahawaan. KALOKA!

Ayon pa kay Dr. Tayag, ang mga MSM ay mahirap hagilapin. Hindi na rin daw excuse ang pagiging mangmang sa sex education. Nasa behavior at practice na daw ng tao 'yan. It's either walang nakatabing condom, ayaw mag-condom o 'di naniniwala sa condom. Kaya hinihikayat niya na bonggang gumamit ng condom para protektado.

Oh! Alam niyo na ang dapat gawin mga 'teh. Kung kati perry at 'di sure kung malinis ang ohms (kahit super gwapo at mukhang malinis), mag-condom. Kung ayaw niya pwes 'wag nang ituloy. Kamutin na lang at magtiis kesa magkasakit.

Friday, October 19, 2012

Standing Still

Minsan ko lang nadaanan sa TV ang Artista Academy at infernezzz, bongga ang show. Magaganda at gwapo pa ang kasali. Malapit na yatang magtapos 'to kasi tatlong pares na lang ang natitira. Shunggal na nga 'yung pinakabet ko na si Jon Orlando. Bale sina Akihiro Blanco (left), Mark Neumann (center) at Vin Abrenica (right) na lang ang standing still. Sinetch kaya sa kanila ang todong magwawagi? Parang ang hirap pumili!

Thursday, October 18, 2012

Silip 2.0

Click here for Silip 1.0


Silip (2007)
Seiko Films
Directed by Joel Lamangan
Screenplay by Raquel Villavicencio
Starring Diana Zubiri, Francine Prieto and Polo Ravales

Si Tess (Zubiri) ay trabahador sa karinderia at jowa niya si Rico (Ravales) na tindero ng native products. Najontis siya kaya sila'y nagpakasal. Witchells naman niya pinilit si Rico, patunay lamang na mahal talaga siya nito. Lumipat sila ng probinsiya para siya'y makapagpahinga habang buntis. May kalayuan nga lang ang lugar. Wala pang kuryente at malapit na shupitbalur.