Sunday, August 12, 2012

Galak

Patapos na ang London 2012 Summer Olympics at malungkot man sabihin, nga-nga tayo sa medalya. 'Di bale't may next time pa naman sa 2016. Salamat sa labingisang atletang Pinoy na sumubok at bonggang ibinandera ang ating bandila, special mention kay Mark Barriga.

Mukhang star-studded ang closing ceremony niyan dahil mga todo-sikat na British artists ang magpe-perform at isa diyan ang Spice Girls. Muling magsasama-sama ang girl power nina Scary Spice, Baby Spice, Ginger Spice, Sporty Spice at Posh Spice para sa isang makasaysayang performance. Paniguradong tuwang tuwa sa galak ang mga 90's beki tulad ko. Ano kayang kakantahin nila? Abangan na lang natin mamayang alas-cuatro ng umaga sa TV5.

4 comments:

Anonymous said...

super excited na nga ako sa Spice Girls sana hindi recorded ang vocals nila, sana naka union jack outfit si Geri.

Anonymous said...

Alas cuatro sa umaga? Ay hindi pwede sirain ang beauty sleep ko.

Anonymous said...

May replay ba yan ate melanie?? Bet ko ma watch.

Anonymous said...

Pahabol. Ay wala pala kame Cable. Nakaka bwisit na ang Sky, dahil tuwing umuulan nalang nawawala signal nila at hindi pa sila kukusa na ayusin... Kelangan tumawag ka muna sa kanila kahit may available ng engineer sa tapat ng bahay mo hindi nila gagawin!..

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...