Image by Pinoy Photographer |
ISP Bonanza pa ang connection ko sa virtual world. Kapag walang pasok, chat magdamag ang gawa ko at sinusulit ang free surf from 12 AM to 8AM. Friendster, MySpace, YM, mIRC at pixelated web cams pa ang uso noon. Sa isang college room ko naka-chat si Claudine, isang ladlad na beki like me. Nag-aaral sa isang rich and famous university in Taft, Manilaaah! Nagpalitan kami ng Friendster account at in-add ang isa't isa. Nagkwento na siya tungkol sa crush niya sa school. Seatmate niya sa isang subject. Malinis daw, gwapo, at may sense kausap. Siyempre na-curious watashi kung ano ang itsu so may I ask ko kung may Friendster din. Pinadala niya sa akin ang email ni lalaki at pagkakita sa kanya, tumibok-tibok ang batambatang puso ko. Dahil type ko siya, nag-send ako ng friend request. Tuwang tuwa ang byuti ko nang i-accept niya. Nagkaroon ako ng full access sa account niya, binasa ang profile at testi ng friends niya. Inaraw-araw ko ang pagbisita pero wiz akiz nagsesend ng message o naglalagay ng testi at baka maparatangan akong FC (feeling close). Chine-check ko din ang Bulletin Board in case na mag-post siya. Hindi doon natapos ang todong kahibangan ko kaya lahat ng piktyuraka niya, sinave ko sa computer. Ginawang screen saver while playing sa background ang Fall For You ni Nina. Inedit ang pictures sa Photoshop at pinagpi-print hanggang sa maubos ang ink ng printer. Pagbukas ng wallet ko, picture niya ang una mong masasight. Nang magkaroon ang buong college namin ng bonggang seminar sa Island Cove, wit ko forget to bring his picture na dinikit ko sa gilid ng kama. Knows siya ng college friends ko. Mga adik kasi kami noon sa internet kaya okay lang sa kanila.
Isang araw, pagbukas ko ng Friendster, hindi ko na siya mahagilap sa friend's list ko. Nag-panic ang kalooban ko. Sinearch ko siya by name at nakitang di na kami connected. Araaay! Na-depress ang byuti ko. Why oh why niya akiz unfriend? Siyempre 'di ko pa naiisip na hindi naman talaga kami magkakilala at may karapatan siyang magbura kung sino ang gusto niya. Basta for me, krimen ang ginawa niya. He killed my heart. Send ako sa kanya ng message. 'Di ko na maalala 'yung exact words pero parang nagsasaad na 'katulad din pala siya ng iba'. Ang drama! Nagreply naman siya pero 'di ko na rin maalala. Basta hindi lalagpas sa limang English words 'yun. Nagtapos ako sa kolehiyo na siya ang laman ng aking puso. NAKS! Lakas maka-Kim Chiu.
Nagsimula akong magtrabaho at kasabay ng paglipas ng araw eh ang paglipas ng kahibangan ko sa kanya. Nag-mature sa buhay at naging priority ang pagkayod para sa pamilya.
Fast forward. Kahapon ay nagkita kami ni superfriend Chari sa Trinoma para magliwaliw. Sobrang dami ng utaw dahil sa meet and greet session nina Siwon at Donghae. Nagkalat ang K-Pop fans everywhere kaya we decided na sa SM North na lang gumala. Habang naglalakad sa overpass na nagkokonekta sa dalawang mall, napalingon ako sa aking kaliwa at may nakitang pamilyar na mukha. Shit! Si Antonio. Si Antonio nga! Ay! Binanggit ko ang name. Dapat secret pero sige 'di ko na pipindutin ang backspace. Siya 'yung kinukwento ko sa taas and after so many years, nakita ko rin siya in person. Ang gwapo pala talaga niya! Nakasuot siya ng grey shirt na may malaking numero sa harap in yellow print. Meron din siyang silver necklace. Nagmamadali siyang maglakad. Wala pa yatang 10 seconds 'yun pero tuwang tuwa ako. Not because hibang pa akez pero dahil sa wakas ay nakita ko ng malapitan ang lalaking naging parte ng dalaginding days ko.
At dito nagtatapos ang alamat ni Maryang Makafeeling.
Natutuwa naman ako sa kwento mo...
ReplyDeleteParang high school days ko lang....hahaha
eyelahvet!!!
Ate Melanie, Sinong Antonio yan? Sa Letter D ba ang nagsisimula ang lastname nya?? At tiga Benilde? Kung sya yan.. Kilala ko sya..
ReplyDeletenakita kita Bb. Melanie sa Trinoma kahapon. sikat!
ReplyDeletesad naman, sana may happy ending kayo....////./.
ReplyDelete-Teh Dyosa, ang sweet lang de vaaahhh?!
ReplyDelete-Teh Anonymous August 16, 2012 10:20 PM, kinakabahan ako sa clues mo. KALOKA!
-Teh Anonymous August 17, 2012 12:03 AM, pakalat kalat ang byuti ko :D
-Teh Anonymous August 17, 2012 12:16 AM, magdilang anghel ka sana 'teh hihihi *kilig*
From: August 16, 2012 10:20 PM
ReplyDeleteAteh melanie, Tiga Ayala Alabang ba sya?! Kung sya yan.. May alam ako about him. Me mga kelanagn ka pang malaman... Pwede ko I share sayo... Hehe.
Teh Anonymous August 16, 2012 10:20 PM, 'di ko alam kung pareho tayo ng tinutukoy pero kakaintriga ka :D Send me an email para malaman natin.
ReplyDeleteNasa office pa ako.. Wala akong access sa outside world. Pero may condo rin cla sa Makati. Anak din yata sya ng dating Bb. Pilipinas Runner up. Kung iisang tao nga lang ang tinutukoy natin.. Hehehe.
ReplyDeleteso funny ng alamat ni maryang makafeeling!Love it.
ReplyDelete-tagamasid pampurok-
nu ba yan Ate M, nikikilig din jukis sa love story mo..lol
ReplyDeletebut i so love it, and so is your blog..
teh melanie kelan b nmin mbbasa ang mga latest bukings mo? charot
ReplyDeleteNakakatuwa ka Melanie. I so love reading your blogs. Konti na lang ikaw na ang papalit sa trono ni Wanda Ilusyunada (asan na kaya yun at bat na tegi na blogsite nya?). More power Ateng Melanie!
ReplyDeletehahaha..kakatuwa naman tong story mo.. parang nangyari din to sakin eh... sobrang nahibang kaso di nya ako kilala... hehehe
ReplyDelete