Thursday, August 23, 2012

Tinda

Nagliwaliw akiz sa kahabaan ng Recto at Quiapo noong Martes ng tanghali para tumingin at sumipat-sipat ng mga bagay na pwedeng mabayla. Halos one month din akong 'di nakapunta dito dahil na rin sa masamang panahon. Buti na lang at sun was shining that day. Infernezzz na-miss ko ang init niya 'wag lang siyang totodo!

Bumisita muna akiz kay Nazareno para bonggang magpasalamat at ma-bless ang byuti then rampa along Sta. Cruz papuntang Recto. Dumaan sa aking paboritong CD seller pero wa-ing na-typan. Tumawid ang long legsko papunta kay suking bookstore, wit sa National kundi sa katabi nito. Mas mura ng ilang piso ang tinda nilang pocketbooks, may mga sale pa kaya 'di ko napigilan ang mag-panic buying. CHOS! Matapos ang transaksyon ay lumabas ako at tatawid na sana pabalik ng Quiapo nang makita ko 'tong tinda ni manong...

Universal Komiks
Blg. 2215 - 2217 December 1996
May I ask me kung how much ang benta niya. Mahalya fuentes dahil kinse pesos ang isa! Buti na lang at expert ako sa tawaran portion at nagmeet-halfway kami sa halagang ten pukekels. OA man pero halos maiyak ako sa tuwa dahil 'di ko akalain na makakabili pa ako nito. Alam niyo naman na faney much ako ng Filipino-made comics at hanggang ngayon ay naghahagilap pa rin watashi. Sayang talaga at namatay ang industriyang ito.

2 comments:

  1. Teh Melanie, nakaka-sight ka ba ng mga koronang pang-BeauCon along Quiapo-Raon-Sta. Cruz-Recto? Naalala ko nung ako'y bata pa, around 1995, may nakita akong replica ng Miss Universe crown sa Quiapo, at sabi ko pa talaga, babalikan ko yun pagtanda! Kamusta naman, 2012 na! :)

    ReplyDelete
  2. Teh Kendra, wa me nasight na korona ala Miss U ang dating pero may mga ilan pa rin nagbebenta ng crown 'di nga lang ganun kafabulosa.

    ReplyDelete