Nag-leave akiz sa trabaho kahapon ngunit naunsyami ang lakad ko. To the rescue naman ang college dabarkads na sina Ateh Paul at Madame Gladys. Kahit may kalayuan, sugod watashi sa SM Centerpoint ng alas-ocho ng gabi. Pagdating ko eh 'namamalengke' sa chat room ang dalawa. Matagal ko nang tinalikuran ang pakikipag-chat kaya hinayaan ko na lang sila. May nabingwit silang 'isda' pero mamaya pa daw avail kaya laps muna kami sa Greenwich. Inabutan na kami ng closing kaya pina-take out na namin ang tira. Walking distance lang ang balur ni madame kaya todong walkathon kami at nag-ocular inspection sa daan.
Hindi na bago sa akin ang balur ni madame dahil ditey kami madalas gumawa ng school project noong college. Habang aliw sila sa panonood kay Charice at Kebedon sa X-Factor, abala naman ako sa pagdungaw sa bintana. Peg ko si Osang sa Babae sa Bintana. Nag-aantay ng 'grasya' mula sa langit pero natapos na ang palabas eh wa-ing epek ang aking pagpapapansin. We decided to flaunt our byuti sa Mini-Stop. Try and try until we succeed ang motto that night. May mga nakasalubong pero may 'salot' na kasama. May mga nagpapansin pero 'di namin feel. Choosy pa de vaaahhh?! Tinungga at nilantakan na lang namin ang Tanduay Ice at Chiz Curls pagbalik. Stick to motto ako pero change location. Sa bintana pa rin pero 'yung nasa gitna na nung balur. Kanina kasi nasa kanang bintana ako eh.
Nag-reply na 'yung 'isda' pero nagpasarap lang. Taga-Makati daw siya at kung anu-anong ka-eklatan ang pinagsasabi like "Meron bang parking lot diyan?", "Ilan kayo?" atbp. Parang nagpapapilit pa! In the end eh wit siya tumuloy. IMBEY!
Ngunit 'di dapat mawalan ng pag-asa. Bata pa ang gabi kaya bandang ala-una ay bonggang rampage ulit kami papuntang Teresa para mag-internet. Baka may masalubong din kaming 'swerte' hehehe. Maghahagilap sana kami sa mIRC kaya lang walang ganun sa pinag-computeran namin. Pinag-tiyagaan namin ang YM pero after one hour eh wa pa din. Jumuwelay kaming walang bingwit. May red tide yata kagabi!
Pumwesto ulit ako sa kanang bintana at magdamag kaming nagkwentuhan. Kahit turn ko na para kumuda, basta may maramdaman lang akong kaluskos sa labas eh stop ako to check. Mag-uumaga na nang sumuko kami. Mabigat na rin ang talukap ng aming mga mata. Saka na lang aaura kapag may pagkakataon ulit.
Ang lakas talaga maka desperate housegays ang peg natin kagabi:)
ReplyDeleteNext time kelangan meron na at nanunuyot na ang batis ko :D
ReplyDeleteok teh melanie bstat nxt tym na meron kanang ombre eh kwento mo kaagad ha.
ReplyDelete