Tuesday, August 7, 2012

Chance

Image from Phys.org
Balak ng DENR na ilipat ng tirahan si Lolong, ang pinaka-gigantic na nahuling buwaya according sa Guinness Book of World Records. Kung matutuloy 'yan, sa lawa ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife na siya titira at hindi na sa Agusan del Sur, his hometown. Dadagsa daw kasi ang turista at mas bobongga ang kita kung malapit lang siya. In other words, malaking pera ang hatid ng buwaya. WAPAK!

Hindi ako eksperto sa kalikasan pero ang nakapaligid sa paglilipatan niya ay mga mall, hospital, squala lumpur at soon-to-rise condo buildings. Isama pa natin ang todong polusyon at congested utaw sa metro. Parang 'di healthy sa isang tulad niya na laking probinsya. Tsaka chance na nung hometown niya para maging tourist destination. Nabibigyan pa niya ng kabuhayan ang mga kababayan niya. 

Tama na siguro ang mga 'buwaya' sa Batasan. 'Wag na nilang dagdagan pa! 

3 comments:

  1. correctos ka jan mars....dapat ang ilagay sa zoo eh ang mga buhaya sa batasan....... mga impaktoh

    ReplyDelete
  2. oo nga ano. ang dami nang mga buwaya sa malapit dito.

    ReplyDelete
  3. Tama! Huwag nang dagdagan pa ang mga buwaya sa Maynila. Tama na yung mga buwaya sa gobyerno. Huwag nang pakialaman pa si Lolong sa lugar niya, para patuloy na pikinabangan ng mga tao sa Agusan dahil sila naman ang naghirap para makuha siya kaya sila lang ang may karapatan sa kanya. Sa gobyerno naman sana pagtuunan ng pansin ang mas importanteng problema ng bayan.

    ReplyDelete