Thursday, August 9, 2012

Bahagat

Flood in Lagusnilad tunnel, Manila
Image from Worldngayon.com
Pareho kong naranasan ang mga super bagyong Milenyo at Ondoy pero dito lang ako kay habagat natakot ng husto. Wala siyang pangalan dahil hindi naman bagyo 'yung naranasan natin kaya tawagin na lang natin siyang Bahagat bilang binaha niya ang Kamaynilaan at ibang probinsiya ng Luzon. 

Ilang puno at poste ang natumba malapit sa amin nang humagupit si Milenyo noong 2006. Wit nakaligtas kahit 'yung thunderrific na puno na maraming ugat, ganun siya kahangin. Isang bagsakan ng ulan naman si Ondoy na tumama mismo sa NCR noong 2009 na todong pinaapaw ang Marikina River. Teka, 2012 ngayon so ganito ba ang trend kada tatlong taon? YAY! 'Wag naman.

Inulan tayo noong isang linggo dahil kay bagyong Gener. Nang umalis siya sa Philippine Area of Responsibility, sumunod naman si typhoon Haikui na hindi naman tumama sa bansa. Eh gusto pa rin niyang magpakitang gilas sa mga Pinoy kaya bonggang pinalakas niya ang southwest monsoon o hanging habagat na nagdala ng everyday thunderstorms. 

'Di kinaya ng lupa na sipsipin lahat ng tubig. Dagdagan pang konti na lang 'yan dahil panay semento na dito sa Maynila. Ang mga creek at ilog naman eh masisikip na sa dami ng basura at nangungupahan sa gilid nito kaya 'di rin kineri ang overflowing water. Nagpakawala pa ng tubig ang ilang dam. Resulta: Baha everywhere!

5 comments:

  1. kaya wag ntin isisi lahat sa gobyerno dhil tyo mismo abusado sa kalikasan,kung gwain ntin ang magtapon ng basura kahit saan eh wla tyo krapatang magreklamo sa pagbaha na tyo din ang may gawa.

    ReplyDelete
  2. Dapat talaga may program sa waste disposal. dati ako nag hihiwalay (papel vs plastic) kaso pag kinuha naman ng basurero ala din pinagsasama sama din. so ano pang sense to segregate. Kaya pag bumimili ako ng mga damit or anything sa sm, or saan man, hindi ko na pinapasupot sa sales lady, sabi ko i-bag ko na lang siya pang ikakalat ko yang supot niyo.

    i observe kaya super baha na: 1. wala ng space ang lupa puro subdivision na, pati yung dagat sa manila bay tinabunan ng lupa naging moa. 2. mdami na talaga population sa bansa natin kelangan hinay hinay sa paggawa 3. wala ng puno

    ReplyDelete
  3. gayahin sana ng ibang mall at stores ang plastik bag na gnagamit ngyn, biodegradable nasya, at hanggat maaari recycle ntin mga plastik bags or gumamit tyo eco bag kung mamalengke or magsa shopping tyo pra nman maktulong tyo sa kalikasan,mga beki please gawin sana ntin ito simulan ntin sating mga sarili.

    ReplyDelete
  4. -Teh Anonymous August 9, 2012 5:23 PM, TREW! Malaking tulong para maiwasan ang baha kung itatapon ng maayos ang basura.

    -Teh Anonymous August 11, 2012 2:32 AM, tama lahat ng kuda mo. PAKAK!

    -Teh Anonymous August 11, 2012 11:57 AM, kung isa o dalawang items lang ang shinopping at kasya naman sa bag eh 'wag nang ipaplastic. Don't forget the resibo lang.

    ReplyDelete
  5. kung inyo po lilinisin ang inyong kanal ano ang mapapasin ninyo... di ba mas makapal ang burak o buhagin nasa ilalim ng tubig sa kanal.. kapag pinala mu.. ang ibig kong sabihin ay mababa na ang kanal at mga daluyan ng tubig natin tulad ng ilog marikina river o ano p. ang marikina river ay puno na rin ng lupa ang ilalim (burak o buhagin) at kailagan hukayin na rin.. ang gobyerno ang may kasalan kung bakit bumaha hindi nila maintain ang paglilinis at hindi nila nakikita ang ilalim ng tubig ay burak na pala... isa p ang mga itinatayo building o mall wala rin sila tapunan ng water waste nila ang kanal sa harap nila ay hindi luwagan ng malaki para sa daluyan ng tubig na tinatapon nila... ay naku marami p dapat malaman kakaunti ang ispaso nito post msg kung bakit bumaha sa m.m. ang dami kasi binuhos kaya hindi nakaya ng mga daluyan ng tubig papunta dagat

    ReplyDelete