Monday, July 14, 2014

Peste

Courtesy of Inquirer.net
Kumpara sa mga ordinaryong preso, bonggang treatment talaga ang nakukuha ng mga tinaguriang high-profile detainees sa pork barrel scam issue. Tulad na lang nitong si aling Gigi Reyes na diumano'y nagsikip ang dibdib at nahirapan huminga matapos mailipat sa Camp Bagong Diwa. Sa takot na mauwi sa heart attack o stroke ay todong isinugod sa Philippine Heart Center kahit walang court order. WOW HA! Kung makaarte sila sa labas ang lulusog pero napiit lang ng ilang araw, ang dami nang nararamdaman.

Kahit sino naman yatang nasanay sa karangyaan kapag biglang naiba ang paligid lalo na kung masikip, mainit at puro peste ang kapiling eh mag-iinarte.

     "Oh my gosh! Ang dirty ng inidoro here." 

     "Is my bed surot-free?" 

     "I cannot breathe. I need some fresh air." 

Eto pa ang mas nakakainit ng ulo. Hiling ng kampo niya na mailipat siya ng mas malaking ospital. Parang St. Lukes request lang ni Janet Napoles ah! Saan naman kaya niya gusto? Sa Asian Hospital kaya? Guards, dalhin nga 'yan sa health center sa barangay. Ikuha mo ng number saka pumila. Bawal ang sumingit okay?

4 comments:

AnonymousBeki said...

Nakaka-imbyerna na talaga ang mga acting ng mga yan! Nagsasakit-sakitan para idala sa hospital dahil knowabelles niya na mas better ang atmosphere dun. Imbyerna talaga.

Anonymous said...

hay tumpak k ate. nakakalurkay na talagang yang mga high profile criminals na yan. talo pa mga artista sa sobrang kaartehan. nagnakaw na nga sa kaban ng bayan tapos ngayon gagastusan pa sa mga kaartehan nila na kukunin n naman sa kaban ng bayan. kawawa talaga tayong nagbabayad ng buwis. tagatustos s kaartehan nila

Edgar Portalan said...

ha ha ha para-paraan langa yan mga ateng : )

Anonymous said...

ate melanie, paki support naman si Lycaa ng "the voice kids" purita salvacion lang kasi siya at cryaola talaga aketch sa gurl

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...