Tuesday, May 17, 2011

Ang Ulan, si Donna Cruz at ang Langis

Ang pagpapatuloy ng teleseryeng puro kaartihan ko. CHARAT!

Click mo dito para sa part one.

May 14, 2011, Sabado:

Umulan. Naunsyami ang lakad. Nagpa-member na lang ako sa linis-bahay gang.

May 15, 2011, Domingo:

Inimbitahan ako ng designer na si June Pugat to attend the Grand Allure fashion show sa Philippine Fashion Week. Isa siya sa magsho-showcase ng kanyang collection for this season. First time kong umattend ng ganitong event kaya namroblema ako kung ano susuotin ko. Dress ko impress daw. NAKA! Eh hindi pa naman ako feshownista. Kesa problemahin ang isang bagay na hindi naman kaproble-problema, nag-casual na lang ako. Hindi naman ako member ng alta de society eh. Kebs ba nila sa akin. Si James naman ang karay ko sa lakwatsang ire.

11 AM sa MRT North EDSA ang meeting place namin. DYASKE! Maximum level ang init ng panahon kaya bago pa ako nakapasok ng tren eh pawisan na watashi. Balak sana naming mag-taxi papuntang MOA ng makarating kami sa Taft station pero wala kaming makitang bakante kaya sumakay na lang kami ng jeep. Pakitang gilas si haring araw. Ayaw paawat sa INET!!!

Mula sa binabaan namin eh walkathon kami papuntang SMX Convention Center. Wala pa sa amin ang invites at hahanapin pa namin yung taong pagkukuhanan namin nito. Sa kakagala namin around the venue, may nakakilala sa byuti ko. Ayun! Napasakamay namin ang imbitasyon.

Pasok na kami agad sa Function Room 4 ng SMX at umupo sa may gilid. Medyo wala pang tao nung una pero napuno din pagkatapos ng ilang minuto. Pang-walo sa lalabas ang creations ni June Pugat kaya inenjoy muna namin ang collections ng mga naunang designers. Impress na impress kami ni James sa sobrang bongga ng mga damit. Puro mga babaita muna ang rumampage sa stage. Tapos biglang pumailanlang sa utak ko ang awitin ni Donna Cruz. Kumabog-kabog ang kepyas este puso ko at tumibok-tibok sabay awit ng...

♫♪ Sharamdaram Shandaram Sharamdaram Shandaram Ooohhh Wooohhh ♪♫

EEEEEHHHHH!!!! Si Kevin my lab so swit lumabas at rumampa. Gusto ko sanang tumili at pumunta sa gitna upang yakapin, hagkan at damhin ang kanyang kabuuan ngunit sinikil ko ang aking naramdaman. Baka sabihin nila may sira-ulo sa audience. Nagpaka-prim and proper na lang aketch (na hindi naman bagay sa 'kin). Ilang beses kong inattempt na pektyuran siya pero nanginginig ang kalamnan ko. Ganun yata talaga kapag mahal mo. NAKS! Ang arti arti ko na naman. Nagtagumpay din ako kinalaunan.

Parang ang haba na nito ah. Sige, iiklian ko na lang. Past 3PM nang matapos ang show at tommy lee jones na kami so nag-late lunch kami ni James sa Congo Grille. Penshoppe ang next na iwa-watch namin pero 7PM pa 'yun so tambay muna sa loob ng kainan at rampa sa loob ng mall. Bago mag-7 eh bumalik na kami sa SMX.

Nakakaloka ang pila para sa registration. Iba pa ang pila para makapasok sa loob. Kahit box-office sa dami ng tao, nagkita at nagkakilala kami ng superstah blogger na si VinVin Jacla. Matapos ang makapatid-varicose veins na pila eh naka-enter din kami. SRO na ang venue. Buti na lang at biniyayaan kami ni Inang Dyosa ng long-legged kaya kahit nakatayo kami eh sight pa rin naman ang stage. 48 years bago mag-start ang show at nung nagsimula na, lahat focused sa mga inirampang damit. Imfernezzz, maganda ang collection ng Penshoppe this season. Makalagpas ang mahigit dalawampung minuto eh lumabas lahat ng modelo at may nagsalita sa gitna. Nagpasalamat siya sa mga nanood. Akala ko, meron pang irarampang damit pero nanatiling akala lang 'yun dahil tapos na pala ang palabas. KALERKA! Matagal pa yung ipinila namin sa labas kesa sa mismong event. 

Biglang nag-ring ang aking ketay. Pinapupunta ako ng frend ko (na itatago nating sa codename: "F") sa Jollibee. May ipapakilala daw siya. Kahit sobrang pagod at kaya ko nang talunin ang Petron sa kapal ng langis sa fes ko eh gumora pa rin kami. JUICE KOH! JUICE KOH! Malayo pa lang eh na-sight ko na ang masarap na ipapakilala ni "F". SYET! Si Richard Pangilinan. SYET ULET! Naglangis ang fake fake ko. Pinakilala kami sa isa't isa at nagkamayan. Ang laki... ang laki-laki... ng braso at kamay niya. Parang gusto kong magpa-rape sa gitna ng Jollibee. Ang gwapo niya at fresh na fresh ang itsu. Kabaligtaran ng hulas at dugyut kong byuti. Nung una eh dyahe pa akong magpa-pektyur pero alang-alang sa inyo eh nilunok ko ang hiya. Mabait siya at hindi ilag sa bading. EEEEEHHHHH!!! Parang mahal ko na siya ulit. CHOS! Gusto ko sanang i-post yung picture naming dalawa pero nahiya ako sa mga gas station sa Pilipinas. Baka malugi sila dahil may mina pala ng gasolina sa mukha ko. Eto na lang ang ipo-post ko, this is all for you mga 'teh...


Da Delicious End. BOW!

13 comments:

  1. Anonymous (Charing)May 17, 2011 at 8:07 PM

    ¡¡¡wanderful!!!

    ReplyDelete
  2. hahaha, kakainis k naman Miss M, post u n din un Picture ninyo ni R.P. celebrity k din naman, db may Movie k n, para makita din namin un langis... este byuti u with Mr. R.P.

    tidyong

    ReplyDelete
  3. hi,

    just happened to pass by ..and i enjoyed reading and surfing your blog..really like it.ill surely recommend this....keep it up bb. Melanie..


    Love,
    www.bioutloud.net

    cheers!

    ReplyDelete
  4. Paaaak! Ikaw na nga teh! Ikaw na talaga!

    ReplyDelete
  5. First of all aliw na aliw sa nga post mo you have a way to make smple things
    Sound better and funny. More power haaay ikaw na teh ang sweeter ang sarap ni rp.

    ReplyDelete
  6. hi Melanie, you come a long way dami mo na followers, congrats, patulong naman promote my blog, check it out, sana you'll like it also.

    http://xtheredbookx.blogspot.com/

    ReplyDelete
  7. So gwapo ni papa Richard... so swertie mo nman Bb Melanie..

    Btw, sobrang enjoy ang mga beki dito sa Ho Chi Minch City Vietnam reaing your blogs. KEEP it UP!!!

    ReplyDelete
  8. Tarush ka talaga teh in a major-major way!!!!!!!

    ReplyDelete
  9. -Wanderpul talaga Ateh Charing! PAK!

    -Ateh Tidyong, bilasang bilasa na ang sarap ko sa pektyur na 'yun.

    -Thank you so much Ateh Bioutloud for liking my blog. Toast tayo diyan!

    -Kakatuwa naman at naaliw at natawa ka sa aking mga handog Ateh blogowner :)

    -I'm glad you're back sa pagba-blog Ateh Red Book. Ang tagal mo ding nagpahinga ah.

    -Ateh Anonymous May 18, 2011 10:10 AM, haller there sa Ho Chi Minh City, Vietnam. Pang-international na pala ang sarap ko. CHOS!

    -Ateh Anonymous May 18, 2011 11:03 AM, mas major-major pa rin sa akin si Venus Raj :D

    ReplyDelete
  10. Hi ate Melanie, kaaliw talaga basahin ang blog mo. If my time ka naman please visit my blog: www.arki-torture.blogspot.com

    Thanks :)

    ReplyDelete
  11. gusto ko din sya makilala teh. si r.p. :) aliw nmn n di sya ilag sa bading.. :)

    ReplyDelete
  12. haha it's you 'teh. it's you. it's you. :)

    ReplyDelete
  13. Suwerte mo talaga, Ate M. Sa susunod, isama mo ako. Sagot ko transpo at food natin. Hindi ka na kikintab dahil sa langis. Promise yan.

    ReplyDelete