Matapos akong pahangain ni Maricel Soriano bilang Clarissa sa Kaya Kong Abutin Ang Langit, isa na naman niyang pelikula ang aking pinanood. Ito ay ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Tungkol ito sa isang mag-ama na umampon ng dalawang babae sa magkaibang panahon.
"Pare-pareho lang naman tayo naghahanap ng sulok sa mundo. At sa paghahanap na 'yun, pare-pareho tayong nagkakamali" |
Lumuwas sa Maynila mula sa probinsya si Santina (Lorna Tolentino) upang hanapin ang dating amo ng kanyang namatay na ina. Sa mismong debut party ni Angeli nagkakilala sila ni Diony. Agad siya nitong tinanggap at tinulungan. Nagkagustuhan sila ni Efraim at nagkaroon ng relasyon. Dito nagsimula ang nakakalokang twist ng kwento.
May lihim palang pagtingin si Angeli kay Efraim kahit halos sabay na silang lumaki nito. May pagka-incest ang loka! Ginawa niya ang lahat para maagaw ito kay Santina. Nagtagumpay naman siya at sila ay nakasal.
Nangulila si Diony sa kanyang mga anak dahil bumukod ito ng tirahan matapos magpakasal. Natagpuan na lamang niya ang sarili na umiibig kay Santina. Inibig din naman siya nito. Sila'y nagpakasal at nagkaroon ng isang anak.
Ito yata ang kauna-unahang Ishmael Bernal masterpiece na napanood ko. Orihinal ang istorya at balanse ang bawat eksena. Premyadong artista pa ang mga nagsipagganap. Napaka-convincing ni Eddie Garcia bilang isang mabait na tatay. Malditang-maldita naman ang Diamond Star na kabaligtaran ng karakter ni Ms. LT. At si Gabby Concepcion, todo sa pagka-yummy! Kaya nama pala na-inlove si Ate Shawie.
Paborito kong eksena ang pagkakasampal ni Gabby kay Maricel dahil hinatid ito ng isang lalaki. Bongga ng shifting ng emotions ni Maria. Sobrang galing!
Muli na naman akong pinahanga ng mga lumang pelikula ng ating bansa. Susunod na ang Atsay ni Ate Guy.
peram ako. im a fan of maricel
ReplyDeletehello po.san na po b ngayon si maricel soriano.bat di na sya lumalabas sa tv..tnx po
ReplyDeleteNaku mare mukhang magkakasundo tayo ke Maria. No.1 fan ako nyan. Naku favorite ko ang line nya sa Pinulot...: "Sandali.... Magkaintindihan nga tayo....Wag ka ngang maka-arte arte ng akala mo kung sino ka dahil sampid ka lang dito...(sabay tulak ke LT sa pool) ay winner ang lola mo dyan
ReplyDeletems. melanie, looking forward ako sa review sa "ATSAY" according sa aking source isa itong alas ni Ate Guy, noong 1978 dahil sinabihan siyang wala nang kinang sa industriya. Ngunit muli niyang pinatunayan ang kanyang kinang sa takilya at ang namumukod tanging ginawad na best performer sa kasaysayan ng industriya.
ReplyDeleteAt ang famous line ni Ate Guy, noong tangapin niya ang kanyang best performance trophy. " Mamay mali po ang hula nila".
atcheng minsan watch mo din un love of siam, bangkok love story at y mama tum biem super ganda cla...
ReplyDelete