Viernes, Sabado at Domingo akong bakante mula sa stress at pagod dala ng trabaho kaya naman sinigurado kong relaxation at beautification lang ang magaganap sa tatlong araw na ito. Kwento ko sa inyo ang detalye...
May 13, 2011, Viernes:
Lumabas kami ni Ateh Paul para manood ng indie film. Balak sana naming manood ng Ombre sa Robinson's Galleria (to support her kras Zac Ferrero) kaya lang ay wala na ito sa movie listing nila. Nagbakasakali kami sa Isetann Recto pero wala din. Pinili na lang namin panoorin ang Rigodon sa cinema 5. Medyo maaga pa kami ng konti kaya nag UK muna kami. After that, bumili na kami ng passes. Morayta avenue lang ang tiket sa halagang P130 at may libreng popcorn pa. Promo nila 'yun kapag manonood ka ng sine 6PM onwards. Sulit!
Kakasimula lang ng pelikula ng pumasok kami. Ampogi ni Kenjie Salvino na kumidnap sa bidang mujer. More more lakad sila sa bundok. Konting linya ang kanilang binitawan at naganap na ang pinaka-inaabangan ng indie lovers. Kung nakapanood na kayo ng previous movies ni Lucas Mercado eh alam niyo na siguro ang takbo ng istorya nito kaya shatap na me. Basta, wala pang isang oras eh tapos na ang pelikula. Mahaba pa ang Mara Clara sa TV. Halatang chinap-chop na ng MTRCB. Panay kasi zoom-in at pinagpatong-patong ang ilang eksena kaya ang gulo-gulo ng pinanood namin. Hay...
Since wala pang ala-siete ng gabi, we decided to watch another film. Bet ni Ateh Paul ang Lamog starring Maui Taylor kaya gora kami sa Robinson's Manila to check kung palabas ito doon. Medyo na-trapik kami bilang pinuno pa ni manong driver ang jeep sa harap ng Quiapo Church. First time ko sa mall na 'to kaya excited aketch. Pagkarating namin, we found out na hindi pa pala palabas ang movie ni Ateh Maui. Naglibot na lang kami. Todo ang laki nito kumpara sa Galleria. Good thing na parehas kaming mahilig sa libro at babasahin ni Ateh Paul kaya go kami agad sa Booksale. Hilig niya ang coffee table books samantalang magazines ang interes ko. Wala akong nabili dahil ang arti-arti ko sa pagpili. Dalawang hard bound books ang nabili ni Ateh Paul.
Dahil hindi namin alam kung kelan kami babalik sa mall na 'to, sinuyod namin ang lahat ng tindahang nagbebenta ng libro. Powerbooks ang next destination namin. Buti naman at may nagustuhan ako sa mga sale items nila. Dalawang aklat ang nabili ko about advertising. Perfek ito to refresh my mind about the course I took in college. Medyo nakalimutan ko na kasi eh.
Naramdaman naming nagririgodon na ang mga bulate at paa namin kaya lumaps na kami sa KFC. Hindi lang tiyan namin ang nabusog kundi pati mga mata namin. Ang daming masasarap na ohms (burp!). Hindi rin patatalo sa lasa ang mga security personnels in their blue uniform. May naaalala ako sa suot nila. Kayo din ba?
Naramdaman naming nagririgodon na ang mga bulate at paa namin kaya lumaps na kami sa KFC. Hindi lang tiyan namin ang nabusog kundi pati mga mata namin. Ang daming masasarap na ohms (burp!). Hindi rin patatalo sa lasa ang mga security personnels in their blue uniform. May naaalala ako sa suot nila. Kayo din ba?
Ang tagal ng linggo…
ReplyDeleteAteh Froglitz, bukas na. Masyadong mahaba yung Sunday experience ko eh.
ReplyDeleteOMBRE is showing exclusively at Remar-Cubao on wednesday May 18. :)
ReplyDelete