Sunday, May 8, 2011

Kaya Kong Abutin Ang Langit

Ang gusto ko sa isang lalaki ay masarap... masarap na masarap. 'Yung kayang tapatan ang lasa ko. Kailangan din na nuknukan siya ng yaman upang mabili niya ang mga bituin sa langit upang ihandog sa byuti ko. Ganyan ako ka-ambisyosa. Pero may tumalo sa akin... si Clarissa Rosales.

"Dahil hindi ako katulad ninyo na kuntento na lang sa miserableng buhay na 'to. Sawang-sawa na ako sa bahong nakapaligid sa lugar na 'to. Gusto ko nang makawala sa pagbubuhay daga natin at walang makakapigil sa akin ikaw man o si inay. Kaya kung mag-ambisyon man ako, karapatan ko lang 'yun at pabayaan niyo ko dahil kapag nagtagal pa ako sa lugar na 'to... gagalisin ako."

Hindi ko kinaya ang karakter na ginampanan ni Maricel Soriano sa pelikulang itech. Saksakan ng sama at ubod ng ganid. Talagang nakakagalit! Talikuran ba naman ang sariling pamilya para sa ikagaganda ng kanyang buhay. Idagdag mo pang isa-isa niyang tsinugi ang miyembro ng pamilyang kumupkop sa kanya para mapasakanya ang mga ari-arian nito. Isa siyang perpektong ehemplo para sa mga nagnanais maging sushal climbers. At kahit mamamatay na ang kanyang ina, dedma siya dito. GRABE! Ibang level ang kasamaan. Walang sinabi ang bida-kontrabidang si Rubi sa kanya

1 comment:

  1. pahingi ako ng copy ng movie na to. please. naghahanap ako ng dvd/vcd pero wala akong makita.

    ReplyDelete