Sunday, May 1, 2011

Kumot

Labor day.

Kasabay ng araw na ito ang kabi-kabilang rally upang hilingin sa gobyerno na itaas ang sweldo. Panay kasi ang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at hindi na alam ni Juan Dela Cruz kung paano pagkakasyahin ang P204 - P404* minimum wage kada araw. Wala namang malinaw na sey si PNoy kanina sa kanyang speech for this special day. Wala kasing garantiya kung magkakaroon o wala.

Ayon sa mga negosyante, imposible ang umento sa sahod. Sila man ay apektado din ng implasyon. Kung ipagpipilitan daw ito, maaari silang magbawas ng empleyado o ang mas malala... ang pagsasara ng negosyo. Kaya naman ang ilan sa atin, sinasabing 'wag na lang itaas ang sahod kung ang kapalit naman ay mahaba-habang bakasyon sa isla ng umemployment. 

Tanong lang: Magbabago pa kaya ang motto ni Juan na "kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot"? 

*Based on the Summary of Current Regional Daily Minimum Wage Rates on DOLE's website. 

3 comments:

  1. Istariray ka na

    http://lexuality.blogspot.com/2011/04/barako-trailer.html

    ReplyDelete
  2. pwede teh, kapag masikip ang tapur matutong mamaluktot ahihihi, alam mo yan bi ka diba?ahahahaha

    ReplyDelete
  3. mas maganda ng me sasahurin kesa wala.... kailngan rin natign isipin ang mga negosyante.... ang mga kababayan kasi natin ang gusto benepisyung mala europe.. eh 3rd world country nga tayo.. asa pa.. di ba.. kugn anu lang kayang ibigay ng gobyerno yun n ayun.. kasi wala talga eh,, mahirap na bansa tayo...

    ReplyDelete