Mga 'teh, alam niyo naman siguro na open ako sa inyong mga komento kahit ano pa 'yan. Lahat kayo ay maaaring maglagay ng opinyon sa bawat blog na aking handa. Ito'y sa dahilang importante sa akin ang iyong kuda. Hindi pwedeng ako lang ang maririnig niyo. Dapat ay kayo rin.
Gusto kong ibahagi sa inyo ang isang komento mula sa aking blog entry kahapon na pinamagatang Bitiw.
Anonymous said...
huwag magagalit isa akong fans ng blog mo at nakakatuwa ang mga post mo., may puna lang ako, huwag ka naman sana post ng mga kumento na "kasakiman ni ate glo" oo nga malay natin hindi ang dating pangulo ang binabangit mo pero pag sinabi na ate glo iisa lang tao ang nasa isip natin kundi ang dating pangulo. tapus na kasi ang termino nya., dapat isipin natin ang ngayon..na baka sa pagtapus ng termino nito ay sisishin din natin...
August 5, 2011 7:58 AM
Don't worry at hindi kami magagalit sa'yo. I believe most of my readers are mature enough to respect each other's opinion. Natutuwa ako't napaka-diverse ng ating opinyon sa mga isyu ng ating bansa.
Bubot pa lang akekels eh aware na ako sa pulitika sa ating bansa. I used to like GMA when she was a senator. Siya ang aking bet sa pagiging VP noong 1998. Natuwa ako noong siya ang humalili kay Erap bilang pangulo. I believe she did a good job during the early years of her presidency (tama ba ingles ko?). Saludo ako sa kanya noong sinabi niya sa Baguio na 'di na siya tatakbo bilang pangulo para sa 2004 presidential election pero ano ang nangyari? Di ba't siya mismo ang bumali ng kanyang sinabi? Simula noon, hindi ko na siya nagustuhan.
Nahalal siyang pangulo noong 2004 pero ang daming kontrobersya tulad ng pandaraya. Wala akong narinig sa kanya ukol dito. Nanahimik siya.
Sa loob halos ng sampung taon niyang paninilbihan sa bansa, ano ang nagawa niya para sa ikauunlad natin? Naramdaman mo ba? Ako kasi wala. Para sa akin, madami nang magagawa sa sampung taon lalo na kung isa kang masipag na tao. Naungusan na nga tayo ng Singapore to think mas malaki ang ating bansa, sagana tayo sa likas na yaman at mas matatalino ang mamamayan.
Kung hindi siya sakim sa pwesto at kapangyarihan, tapos na ang termino niya bilang pangulo eh ba't tumakbo siya ulit bilang kongresista? Hanap-buhay ba ang tingin niya sa paglilingkod sa bayan?
Ngayon, nagsisipaglabasan na ang mga anomalyang naganap sa kanyang termino mula sa 2010 National Budget na hindi pa tapos ang taon eh ubos na hanggang sa mga segunda manong helicopters. I commend the new administration because they're doing a great job. Tulad ng iba, naiirita din ako sa mga patutsada ni PNoy sa nakaraang administrasyon pero let's put ourselves to his position at gawin natin sa isang simpleng sitwasyon. Iniwan ni Gloria ang apartment para lumipat sa bagong bahay. Ang bagong mangungupahan dito ay si PNoy. Napansin niya na makalat at madumi ang lugar. Kahit sinong tao eh maglilinis muna. Alangan namang tumira siya kasama ng basura de vaahhh?! 'Yan ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon para sa 'ting bansa. Hindi sila maaaring makapagsimula ng malinis kung ang naabutan nila ay madumi.
Let me clear my stand on this issue. Hindi ako pro-PNoy kundi pro-Pinoy ako.
Bukas ang comment box para sa iba pang opinyon.