Sa Sabado na malalaman kung kaninong ulo ang susunod na puputungan ng korona para maging Miss Earth 2011. Walumpu't limang dilag na nagmula pa sa kung saan saang lupalop ang magtatagisan sa UP Theater.
Isa ang Miss Earth sa apat na grandslam beauty pageants (Miss Universe, Miss World at Miss International) sa mundo kaya madami ang nag aabang dito. Ito lang ang bukod tanging patimpalak na si Mother Earth ang bonggang concern kaya makakaasa ang manonood na hindi lang pisikal na anyo ang basehan sa mananalo. Kasama diyan ang kanyang adbokasiya para sa ikagaganda ng mundo. TARUSH!
Tulad ng dati, meron na akong mga paborito para manalo. Eto sila...
Kelly Kamwelu ng Tanzania. Sumali na siya sa Miss U at Miss International this year pero olats ang lola niyo. Pero kahit ganun, never say die ang byuti niya. Go lang nang go, fight lang nang fight! Pwede siyang endorser ng Globe. CHOS!
Caroline Medina ng Venezuela. Basta galing sa bansang 'yan, siguradong dyosa.
Renate Cerljen ng Sweden. Nakakahumaling ang kanyang ganda na sinabayan pa ng sweet smile. Pero 'wa epek sa akin dahil babae din akesh.
Nina Astrakhantseva ng Crimea. First time kong marinig ang pangalan ng bansang 'yan. Parang ang bango bango niya sa kanyang national costume.
Sarka Cojocarova ng Czech Republic. Todong favorite siya para manalo sa taong ito. Siya din ang itinanghal na Best in Swimsuit.
Ilang araw na lang at may bago nang kokoronahan. Ating abangan kung sino ang susunod na mangunguna sa pangangalaga kay inang kalikasan.
*photos courtesy of OPMB.
Wednesday, November 30, 2011
Tuesday, November 29, 2011
Inakala
Matapos ang ilang araw na pagmumuni-muni, inakala kong magtatagal ang aking naramdamang kadiliman. Salamat sa payo niyo mga 'teh at lumiwanag ang kalangitan. Nakatulong din ang paglabas ko kasama ang aking mga kaibigan. Hinarap ko na rin ang isang bagay na kinatatakutan ko. Kung ano man ang resulta, pabor man sa akin o hindi, tuloy pa rin ang buhay.
Pero sinubok muli ang katatagan ko noong linggo. Prenteng nakaupo lamang ako at pinapanood siya mula sa malayo. Inakala kong matibay na ulit ako ngunit hindi pa pala. Naging marupok ako sa ilang mga eksena na nakaganito lang siya...
Lintek na Bella 'yan! Wala na siyang ibang ginawa kundi ang lumandi. Woman on top pa siya. AMP!

Naramdaman ko ang mainit na likidong sasambulat sana sa fake fake pero pinigilan ko at baka magtaka ang mga tao kung bakit baha sa loob ng sinehan. CHAR!
Lintek na Bella 'yan! Wala na siyang ibang ginawa kundi ang lumandi. Woman on top pa siya. AMP!
Sunday, November 27, 2011
Manhid
Minsan nararamdaman ko na mas matanda pa ako sa tunay kong edad. Pagod na ako agad. Gusto kong sabihin na kaya ko 'to, na malalagpasan ko rin ang lahat pero dumarating sa puntong ayaw ko na.
Gusto kong makatulong sa abot ng aking makakaya. Kung minsan nga, kahit hindi eh kinakaya ko pa rin. Matatag ako. Alam ko 'yun. Hindi ko lang maramdaman iyon ngayon. Biglang naglaho ang matibay na Melanie. Mahina at marupok na bakla ang nababasa niyo ngayon.
Tao lang ako na nagfi-feeling dyosa. Nasasaktan. Natatakot. Nagsasawa. May maliit na boses na nagsasabing subukan ko pa rin kahit ilang beses na akong nadapa at pinagsaraduhan ng pintuan.
Pag-iisipan ko muna ng mabuti bago ako sumubok at gumawa ng desisyon. Namamanhid na yata ako sa rejection.
Pasensya na.
May pinagdadaanan lang.
At hindi ito tungkol sa lablayp.
Wish ko lang.

Saturday, November 26, 2011
Friday, November 25, 2011
Mestizo & 4some
Sagana ang buwan ng Kapaskuhan para sa 'sangkabaklaan dahil bukod sa 13th month pay at Christmas bonuses ay dalawang gay indie films ang ipalalabas next month.
Una diyan ang director's cut premiere ng Mestizo, A Beautiful Boy ng Goldmine Entertainment Productions sa December 9 in UP Diliman. Limang ohms na 'sing kinis at puti ng labanos ang bida dito. Dalawa sa mga ito sina Mygz Molino (Id'nal) at Richard Bradley. Bet na bet ko ang mga tisoy kaya para sa akin ang pelikulang 'to.
Watch niyo ang trailer dito at baka magwater din kayo tulad ko. Andiyan na rin ang detalye kung paano makakakuha ng tickets.
Miss niyo na ba si Jeff Luna ng famous indie films na Libido at Darang? Pwes, mapapanood na ulit siya via 4some directed by Han Salazar. The movie also stars Pauline Subido, Jhoy Ortiz, Marklen Trinidad at Isakhani Duckert. Showing in selected theaters on December 14.
May naaninag ako sa teaser ng pelikulang ito kaya kung gusto niyong malaman kung ano 'yon, panoorin niyo dito. DALI!
Wednesday, November 23, 2011
Galore
Blue |
Jeff Timmons |
Sa Sabado, November 26 pa ia-announce ang price ng concert tickets. Wish ko lang na abot kaya ang halaga nang sa gayon ay makapunta naman ang maralitang tulad ko. Pag-iipunan ko talaga yan limang piso kada araw para masaksihan ang kanilang konsyerto. Actually, sa Blue lang ako excited. Kebs sa A1 at kay Jeff Timmons though masarap din sila.
Sa Ticketnet makakabili ng ticket so kung excited kayong tulad ko, watch tayo nito next year.
Tuesday, November 22, 2011
Libot
Gora ang byuti ko last Sunday sa Intramuros, Manila. Feelingerang dayuhan ako sa sariling bayan dahil ilang beses ko pa lang napupuntahan ang historical place na itey. College pa yata ang huling punta ko dito para mangalap ng ad rates ng mga newspaper at tabloid. Todo lakad ang ginawa ko mula underpass sa Manila City Hall hanggang sa makarating ng San Agustin Church.
Hindi ko naman naisip na meron palang museum sa loob nito. May iba't ibang exhibit na may kinalaman sa kasaysayan ng ating bansa. Una kong napasok ang exhibit ng mga santo na gawa sa ivory ang ulo at kamay. Nakakamangha dahil ilang daang taon na pala ang edad ng mga nakita ko. Bonggacious din ang mga suot na damit na gawa sa mga mamahaling materyales.
Hapon na ng matapos ang aking paglilibot pero dahil maliwanag pa ang kalangitan, sinulit ko na ang araw at pinuntahan ang Fort Santiago. Mas maraming dayuhan ang narito. Panay ang kuha nila ng mga litrato para siguro souvenir nila.
Pumasok ako sa Rizal Shrine kung saan makikita ang memorabilias ni Dr. Jose Rizal tulad ng unang publikasyon ng kanyang nobela, mga kagamitan at damit. Hindi ko nga lang nakunan ng litrato kasi akala ko bawal, hindi pala. NAKANAMANOH!

Hallway of San Agustin Church |
Naikot-ikot pa ako sa loob nito habang busy ang loob ng simbahan dahil sa sunud-sunod na kasal. Hindi ko tuloy maiwasang pagpantasyahan na sana'y maikasal din kay prince charming. 'Yun nga lang at wala pang akong nakikilang prinsipe. AMP!
Madaming paintings na malaki pa sa tao ang nakasabit sa hallway ng museum. Inisa-isa ko ang bawat madaan ko dahil minsan lang naman ako makakita ng mga 'to. Ang galing lang talaga ng mga taong biniyayaan ng talento sa pagguhit at pagpinta.
Panaka-naka ay may nasasalubong akong mga Koreano, Intsik at blondies na lumilibot din sa loob ng museo at simbahan.
Hapon na ng matapos ang aking paglilibot pero dahil maliwanag pa ang kalangitan, sinulit ko na ang araw at pinuntahan ang Fort Santiago. Mas maraming dayuhan ang narito. Panay ang kuha nila ng mga litrato para siguro souvenir nila.
Pumasok ako sa Rizal Shrine kung saan makikita ang memorabilias ni Dr. Jose Rizal tulad ng unang publikasyon ng kanyang nobela, mga kagamitan at damit. Hindi ko nga lang nakunan ng litrato kasi akala ko bawal, hindi pala. NAKANAMANOH!
Well, bago sa akin ang karanasang ito. Hindi naman kasi ako madalas na pumupunta sa mga ganitong lugar. Mas madalas pa akong nasa SM North at TriNoMa. It's a different feeling na ma-explore at balikan ang kasaysayan ng ating bansa. I'll do it more often nang sa gayon ay marefresh ang utak ko sa mga bagay na napag-aralan ko noon sa Hekasi at Social Studies.
Saturday, November 19, 2011
90's Sexy Stars
Dahil weekend na naman, todong magbalik tanaw tayo ulit sa nakaraan. Mga mid to late 90's kung saan sumibol ng husto ang industriya sa paggawa ng titilating films. Panahon kung saan nagpapalabas pa ng skin flicks ang SM Cinemas.
During that time, Rosanna Roces was hailed as the TF Queen and Priscilla Almeda was the TF Princess, thanks to Seiko Films. Pero may iba pang movie producers noon na sumugal para yanigin ang kamalayan ng kalalakihan.
Ini-launch ng FLT Films si Izza Ignacio noong 1996 sa pelikulang Kara, Kaakit-akit. Kasama niya sa pelikula sina Raymond Bagatsing at Emilio Garcia. Tagumpay ang showing nito kaya nasundan pa ng ilan tulad ng Dalaga na si Sabel at Sa Iyo Ang Itaas, Akin Ang Ibaba.
Naging household name siya ng mas makilala bilang Elena sa comedy sitcom na Kaya ni Mister, Kaya ni Misis. Nakakatawa ang kanyang karakter bilang aanga-anga at kikay na taga-asikaso ng order ng mga customers sa karinderya ni Nova Villa.
Kung padamihan lang ng sexy movies ang pag-uusapan, hindi papatalo diyan si Rita Magdalena. Wala pa ako sa hustong gulang noon pero dahil likas na usyosera na ako't mahilig magbasa, lagi kong nakikita ang mga movie posters niya sa tabloid na idine-deliver sa aming balur tuwing umaga. Every week eh may bago siyang pelikula at isa sa mga iyon ang Thalia, kung saan gumanap siya bilang multo.
Nauso din noon ang female counterpart ng mga pangalan ng kilalang action stars. Ramon Revilla is to Ramona Rivilla, Ian Veneracion is to Ynez Veneracion and Keanu Reeves is to Keanna Reeves.
Recently lang ay laman ng balita si Ramona Rivilla dahil kapangalan niya ang isa sa mga itinuturong suspek sa krimen na nangyari sa pamilya Revilla. Kakakasal pa lamang niya sa kanyang afam na jowa. According to her interview, kung hindi namatay si Ramgen ay aattend sana ito ng kanyang bonggang wedding.
Very active pa rin sa industriya ng showbiz ang byuti ni Ynez Veneracion. Madalas siyang lumabas sa mga soap opera ng Kapuso Network. Currently, mapapanood siya sa primetime drama na Mga Munting Heredera bilang isang kontrabida.
Sa lahat ng nabanggit, si Keanna Reeves ang pinakabago sa kanila. Early 2000's ng pumasok siya sa showbiz. Naging kontrobersyal siya ng aminin niya kay Titoh Boy Abunda na nagtrabaho siya bilang escort. Deny to death din siya sa kanyang true age na kinalaunan ay naging sentro na lamang ng biruan. Siya ang kauna-unahang nagwagi sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition at salamat sa kanya, nakapagladlad ang ate nating si Rustom Padilla AKA Bebe Gandanghari. Sa ngayon, siya ay mapapakinggan sa radio program na Patol sa 92.3 News FM kasama sina Pilar Mateo at Arnell Ignacio tuwing 2:30 ng umaga mula Martes hanggang Sabado.
*Special thanks to Cinemarathon and Classic Tagalog Movies for the rare movie posters.

Thursday, November 17, 2011
Part 4 (POSTPONED)
Sa Linggo na, November 20, ang ika-apat na batch ng Love Yourself Photoshoot. WOW! Parang kailan lang nagsimula 'to at ngayon ay part 4 na. Galing!
This time around, may choices na ang magpapalitrato. Meron na kasing tank top version ang Love Yourself shirt. Bagay na bagay para sa mga gustong ipakita ang kanilang nagpuputukang biceps at triceps. Pero kung virginal byuti kayo tulad ko (weehhh) at medyo conservative, available pa rin ang classic v-neck shirt.
Click here for more details.

***
Announcement from The Love Yourself Project:
The LOVE YOURSELF CHARITY Open Shoot 4th Round, originally scheduled this Sunday Nov.20, has been postponed to December (exact date TBD). We were not able to receive the ordered t-shirts from our supplier, and our current inventory has dried out due to unforeseen demand. Apologies to all for any inconvenience caused. We shall announce a new schedule in December within next week. Thank you for your understanding.

Wednesday, November 16, 2011
Gulo
Cong. Gloria Arroyo in NAIA Photo courtesy of Rolex Dela Pena |
Kung bakit naman kasi sa mismong araw ng release ng TRO siya aalis. Hindi tuloy maiwasang magduda ang mga utaw kung bakit parang agad agad niyang bet umalis ng bansa. Ganun ba ka-emergency ang sakit niya? Bakit wala namang nababalita na it's a matter of life and death ang kanyang sitwasyon? Ayon nga sa latest X-Ray niya, umaayos na ang kanyang kondisyon.
Kuda ng PMA (Philippine Medical Association), maraming Pilipinong doktor ang maaaring gumamot sa kanya. Oh! 'Yun naman pala. Bakit gusto pa niyang magflylaloo sa Alemanya, Espanya at Austria? Ang mahal pa namang pumunta sa mga lugar na 'yan. Hindi kaya bonggang bakasyon ang gagawin niya? CHOS!
Nagkakagulo tuloy ngayon ang gobyerno kung sino ang dapat masusunod. DOJ ba na ayaw paalisin si ateng o Supreme Court na binigyan siya ng TRO? Sey naman ni Senator Miriam, sundin ang Philippine Constitution ano't ano man ang mangyari.
Tuesday, November 15, 2011
Anti-Epal Bill
PAK na PAK ang inihaing Anti-Epal Bill (Senate Bill No. 1967) ni Sen. Miriam Santiago para sa mga pulitikong walang hiya kung ibandera ang kanilang pagmumukha at pangalan sa mga proyektong pondo ng bayan ang ginamit. Ang dami na kasing public officials na ganyan. Sa kalsada nga lang malapit sa tinitirhan ko, kabi-kabila ang mga waiting sheds na nakalagay puros pangalan ng konsehala, kongresista o barangay captain in BOLD CAPITAL LETTERS. 'Yung tipong malayo ka pa lang eh nababasa mo na. Ganun kashupal ang kanilang fes!
Isa pang halimbawa ang mga banners na nagsisipag-sulputan sa mga poste ng kuryente kapag may special occasion o holiday tulad ng "Happy Fiesta", "Congratulations to the New Graduates", "Merry Christmas" atbp. Susundan ito ng mga katagang "Greetings coming from Cong. Kukurikapu Burnik & Family" sabay may picture ng buong pamilya. Kalerki de vaaahhh?! Pagdating ng election season, buong angkan pala ang tatakbo. Tama ba?
Napapanahon na ang ganitong batas para mabawasan ang mga pulpulitiko. Ipasa na agad kung kinakailangan para numipis naman ang pagmumukha nila. Magsisilbi itong malamig na tubig na ibubuhos sa kanilang fes para sila'y magising at mahimasmasan.
Basahin ang buong panukalang batas dito.
Basahin ang buong panukalang batas dito.
Saturday, November 12, 2011
SOLB!
Tatlong taon ko nang dinadayo ang UP Film Theater para manood ng special screening / premiere night ng mga gay indie films. Mas masaya kasi ang isang pelikulang pang beki lalo na't fresh at 'di pa dumadaan sa matatalas na galamay ng MTRCB.
Kagabi ay pinanood ko ang special advance screening ng Id'nal produced by Ecstatic Entertainment Productions. 7PM ang umpisa ng palabas pero knowing us, siyempre witchells matutupad 'yan. Maagang nagpapasok ng mga manonood sa sinehan at para hindi mainip sa kahihintay eh nagpalabas muna sa entablado ng sexy picture slideshow with matching bonggang music.
Bago magsimula ang pelikula ay nagkaroon muna ng palaro ang mga hosts na kasama din sa pelikula. Nagpamigay sila ng key chains at pabango. SOSYAL! Game namang sumali ang ibang manonood. Pagkatapos ay isa-isang pinakilala ang mga artistang nagsipagganap. Karamihan ay baguhan at halos mapuno ang stage sa dami ng casts. Konting speech mula sa direktor at inumpisahan na ang palabas.
Hindi ko na ikukwento kung tungkol saan ang istorya pero todong natulala ako sa ilang eksena. Para akong kumain ng unlimited rice meal sa Mang Inasal. SOLB!
Siya naman ang naging panghimagas ko...
Thursday, November 10, 2011
Much
Can I Just Say:
May lovelife na nga ang character niya sa Glee sa katauhan ng pagkasarap-sarap na si Darren Criss, ilang beses na rin silang nagkaroon ng smooching scenes at nitong last episode lang eh nagkaroon pa sila ng loving loving moment sa kama.
Inggiterrra much watashi! AS IN!
Ang swerti swerti ng baklitang ito!
May lovelife na nga ang character niya sa Glee sa katauhan ng pagkasarap-sarap na si Darren Criss, ilang beses na rin silang nagkaroon ng smooching scenes at nitong last episode lang eh nagkaroon pa sila ng loving loving moment sa kama.
Inggiterrra much watashi! AS IN!
Tuesday, November 8, 2011
Hagalpak
Three weeks na sa sinehan ang Praybeyt Benjamin, ang pangalawang pelikula ni Vice Ganda kung saan siya ang bida. Balak ko sana itong panoorin during the first week pero busy sa trabaho at walang makasama. Buti na lang at nag-aya ang nuknukan sa bait kong friend na si Ateh Paul kaya naman yesterday ay napanood ko na ito.
Pila balde ang mga utaw sa labas ng Cinema 11 ng SM North para mapanood ang pelikula. Rare 'yan na makita sa isang lokal na pelikula. Mas madalas kasi na sa foreign films mahaba ang pila.
Nakakatuwa ang pelikula lalo na't sa umpisa ay tanggap ng ama (Jimmy Santos) na bekling ang kanyang anak na si Benjamin Santos (Vice Ganda). Nakakatawa ang mga eksenang feeling babae si Benjamin at ang pagpapantasya niya kay Brandon (Derek Ramsey). Punong-puno ng mga panalong linya na talagang magpapahagalpak sa'yo. Paborito ko yung push-up scene ni Vice. Ang dami kong tawa 'dun!
Hindi mo nga lang maiiwasan na maikumpara ito sa Petrang Kabayo. Marami kasing similarities tulad nung bunsong anak na gumanap (Abby Bautista) at ang pamimilosopo nito. Syempre, dahil Wenn Deramas movie ito, hindi pwedeng mawala si DJ Durano.
Overall, satisfied naman ako sa aking napanood. Parang ibinalik ang old-school Pinoy comedy movies na may bakbakan sa bandang dulo. Nagtagumpay naman ang pelikula na pasayahin ang mga moviegoers at 'yun ang mahalaga.
Mailap
KONGRACHULEYSHONS sa dalawang Pinay na nagpamalas ng kagandahan at katalinuhan nitong nakaraang linggo.
Unahin na natin si Dianne Necio na pasok sa Top 15 ng Miss International 2011 na ginanap sa China. Siya din ang tinanghal na Miss Internet Popularity. Patunay lamang na todong adik ang mga Pinoy sa kaka-Internet. Si Miss Ecuador ang nakasungkit ng korona.
At ang bonggacious sa lahat, second placer si Gwendoline Ruais sa Miss World 2011. Sayang at isang hakbang na lang sana at meron na tayong first ever Miss World crown. Ganun talaga at si Miss Venezuela ang nanalo. Maging masaya na lamang tayo sa ating nakamit. Pero dahil medyo bitter ako, magne-Nescafe Sweet & Mild na lang akiz. CHAROT!
The last time na umabot tayo ng ganitong pwesto eh noong 1973 pa. Ilang dekada muna ang lumipas so not bad di vaaahhhh?! Malay natin next year eh atin na ang mailap na korona.
Last one ang Miss Earth 2011 na gaganapin sa December dito sa Pinas. Abangan.

Saturday, November 5, 2011
Condom
Tanong lang:
Bakit kapag nakakakita ako ng taong bumibili ng condom eh napapa-second look ako?
Mag-iisip ng nakakakiliti.
Sabay ngingiti.
Tapos titingin uli.
Kayo rin ba?
Bakit kapag nakakakita ako ng taong bumibili ng condom eh napapa-second look ako?
Mag-iisip ng nakakakiliti.
Sabay ngingiti.
Tapos titingin uli.
Kayo rin ba?
Friday, November 4, 2011
Husay
Kanina, bago ako umalis ng balur para kumayod ay napanood ko ang pelikulang Ispirikitik, Walastik Kung Pumitik starring Redford White, Bonel Balingit, Carding Castro at Serena Dalrymple. Tawa ako ng tawa sa mga linya at comedy stunts ng pelikula. Nakakamiss ang mga ganitong feel-good movie ng late 90's.
Matagal na siyang hindi nakikita sa TV o pelikula kaya naman hinanap ko ang kanyang byuti sa malawak na mundo ng Internet at natuklasan kong nasa US of A na pala siya. Doon na namirmihan at todong aktibo sa iba't ibang aktibidades tulad ng pagiging stage actor, interpreter, board member at marami pang iba (read his profile here).
Ang tipo ng akting niya ang isa sa mga hinahangaan ko. Kahit na madalas eh bekla ang kanyang role, never nabastos ang lahi natin sa paraan ng kanyang pag-arte. Inangat niya tayo sa husay niya sa pagganap.
Isa sa mga supporting cast ng pelikula si Bernardo Bernardo na mas sumikat sa papel niya bilang Steve Carpio sa hit comedy sitcom na Home Along Da Riles. Siya ang numero unong kontrabida sa buhay ng ni Kevin Cosme. Siya ang bonggang assistant ni Cita Astals sa sitcom at kapag imberna siya dito, lagi niyang sinasabihan ito ng "ang babaeng walang balakang".
Matagal na siyang hindi nakikita sa TV o pelikula kaya naman hinanap ko ang kanyang byuti sa malawak na mundo ng Internet at natuklasan kong nasa US of A na pala siya. Doon na namirmihan at todong aktibo sa iba't ibang aktibidades tulad ng pagiging stage actor, interpreter, board member at marami pang iba (read his profile here).
Ang tipo ng akting niya ang isa sa mga hinahangaan ko. Kahit na madalas eh bekla ang kanyang role, never nabastos ang lahi natin sa paraan ng kanyang pag-arte. Inangat niya tayo sa husay niya sa pagganap.
Thursday, November 3, 2011
Limas
Araw-araw na lang may krimen na nagaganap sa ating kapaligiran. Hindi ko alam kung parte na ba talaga ito ng buhay at kailangan na lang natin masanay. Tipong ikaw na mismo ang iiwas kasi alam mong wala kang ligtas. Ang gulo ko 'di ba?
Tulad nitong notorious group na Acetylene Gang. Lumang luma na sila pero lagi silang bago sa balita. Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit hanggang ngayon eh hindi sila mahuli-huli ng awtoridad. Heto't may bago silang nabiktimang sanglaan sa Sta. Mesa, Maynila nitong nakalipas na undas. Mahigit 500,000 na halaga ng alahas ang kanilang nalimas.
Iisa lang naman ang paraan nila ng pagnanakaw. Maghuhukay sila ng lupa hanggang sa marating ang vault ng sanglaan. Sibat agad kapag nakuha ang pakay. At para hindi mahirapan ang pulisya kung sino ang gumawa ng krimen, iiwanan nila ang mga kasangkapan na kanilang ginamit tulad ng oxygen tank, acetylene, lagare atbp. Kawawang mga nagsangla at wala na ang kanilang mga precious stones at jewelries.
Malamang na tataas pa ang bilang ng iba't ibang krimen lalo na't paparating ang Kapaskuhan. Mas maging maingat na lamang tayo para sa ating kapakanan.
Tuesday, November 1, 2011
Pagandahan
Dalawang buwan na lang ang bubunuin natin at 2012 na. Nakakaloka ang bilis ng panahon. Masyadong nagmamadali ah! Oh baka masyado lang akong busy kaya 'di ko ramdam ang paglipas nito?
Gwen during top model competition |
Hindi mawawalan ng ganap ang simula ng bagong buwan. Dalawa sa pinakamalaking kontes ng pagandahan ang gaganapin this month. Hihinto ang mundo ng mga byuti pageant fanatics sa London para sa Miss World 2011. Makikipaglaban si Gwendoline Ruais sa mahigit 'sangdaang kandidata para sa asul na korona na never pa nating nakamit. Does she feel any pressure right now lalo na't mataas ang expectation sa kanya ng mga Pinoy? Siya na ba ang magiging kauna-unahang Pinay Miss World? Alamin natin 'yan sa November 7, alas-diyes ng umaga sa GMA 7.
Dianne during talent competition |
Pagkatapos ng ilang oras eh lilipad papuntang Chengdu, China ang ulirat ng mga bekla dahil doon makikipagkumpetensya si Diane Necio para sa Miss International 2011. Si Precious Lara Quigaman ang huling Pinay na nakapag-suot ng korona nito noong 2005. Mabalik kaya sa atin ito after 6 years? 'Yan ang dapat nating abangan.
Subscribe to:
Posts (Atom)