Tuesday, December 31, 2013

Highlights

Wit na papipigil pa ang pagdating ng 2014. Mamaya lang eh magpuputukan na pagkatapos ay walang humpay na lalafang ng fruit salad, spaghetti, cake, barbecue, kare-kare, lechon at kung anu-ano pang mamantika at matatamis. Bago 'yan, let's take a look back sa mga bonggang ganap this year...

ISYU
Walang 'di nahabag at nabahala sa tindi ng pinsala ni bagyong Yolanda at todong pagyanig ng lupa sa Kabisayaan. Biglang sikat ang low profile na kayamanan ni Janet Napoles na may big time bestfriends. Patuloy na dumadami ang mga bagong kaso ng HIV/AIDS. Sa tagumpay ni Nanay de Pamilya sa nakaraang eleksyon, ano kayang menu ang mailuluto niya sa sambayanang Pilipino?

MUSIKA
Bonggang pananabik ang naramdaman ko sa reunion ng 911. Sayang at hindi masyadong bumenta ang Lotus album ni Xtina. All Good sa pag-lipat bahay ni Nina sa Viva Records. Walang sawa kong pinakinggan ang Sa Piling Mo ni Jonalyn Viray, ang theme song ng Lola na pinutol at 'di tinapos ng Kapuso.

SARILING ATIN
Two years na at 'di pa ako umay sa sarap ni Vince Ferraren. Isa pa 'tong si Clint Bondad with his carpeted fes. Kung moreno ang type niyo, andiyan si Billy Villeta na 'di nagdamot sa kanyang malinamnam na karug. Ubos ang nektar ko nang mag-shower sa stage si Martin Flores noong Cosmo Bachelor Bash 2013.

BABASAHIN AT PANOORIN
Mahigit isang dekada na akong pinakikilig at pinatatawa ng SeƱorita series. Literaturang Pinoy ang hatid ng nobela ni Edgardo M. Reyes. Kuhang kuha ni Pokwang ang kiliti ng mga call center agents. Balik sa pagka-high school ang feeling ko sa panonood ng The Perks of Being A Wallflower.

KARANGALAN
Pilipinas ang itinanghal na Country of the Year pagdating sa pageantry. Pinay ang first Asian Miss Supranational. Walong taon lang pagkatapos manalo ni Precious Lara Quigaman ay nakamit ulit natin ang Miss International title. Third runner-up sa male version ng pageant na 'yan si Gil Wagas. Dinaig ni Megan Young ang mahigit 'sandaang babae sa buong mundo para maiuwi ang kauna-unahang Miss World crown ng bansa.

TSIKA
Naunsyami ang pagbabalik telebsiyon ni Marya pero ang kapalit naman ay dalawang box-office na pelikula. Parehong napresinto sa magkaibang kaso ang Fil-Aussie's na sina Chris Cayzer at Marco Morales. Pink na pink ang pakpak ni ateng Mimi Juareza sa pagkakapanalo niya as Best Actor sa Cinemalaya.

IMPORTED ITO
Parang handaan sa fiesta ang sarap ng mga contestant sa Mister Slovenia. Na-etsapwera sa pang-apat na pageant na sinalihan niya si Ginanni Sennesael. Tik tok tik tok sabi ng 10 o'clock ni Diego Novicki. I'll be Mrs. Molinari, claim ng future ko.

TELEBISYON
Kontrobersiyal ang pagkaka-ere ng My Husband's Lover, kauna-unahang baklaserye sa primetime. Hit na hit ang Korean version ng Hana Kimi. Kahit antok na antok na eh 'di ko tinantanan ang marathon ng Wish Upon A Star. Bitin ang pagbabalik teleserye ng Reyna ng Soap Opera.

KAARTIHAN
Panghuli ang bonggang highlights ng buhay ko. Dalawa nating shupatemba ang nagpamana sa akin ng kanilang "kayamanan". Kulitan at tawanan sa autograph signing ng Tambalan. First time kong magbakasyon grande sa Cebu at Bohol. At ang pinaka-makinang sa lahat, walang kiyeme kong hinarap ang takot nang sa unang pagkakataon ako'y nagpa-HIV test.

And that wraps up our 2013 mga ateng! Hangga't patuloy na may naliligaw at nagtiya-tiyagang bumasa ng kaartihan ko, patuloy akong magsusulat para sa inyo. Sana ay dumami pa kayo!

I'm wishing you all a 
PROSPEROUS NEW YEAR!

Sunday, December 29, 2013

More than this

Hindi kumpleto ang Paskong Pinoy kung wala ang taunang Metro Manila Film Festival. Pagsikat pa lang ng araw sa a-viente cinco ng Disyembre eh nag-u-unahan na sa pila ang buong pamilya, friendships, jowaers at kung minsan eh solo flight 'yung iba. Just like last year, may movie entries ulit ngayon sina Vic Sotto, Vice Ganda, KathNiel at Kris Aquino. Watch sana namin ni Ateh Paul ang 3rd installment ng Kimmy Dora but since Tracy wanted Girl Boy Bakla Tomboy eh sumige na kami sa SM Centerpoint kahapon.

Girl Boy Bakla Tomboy (2013)
Star Cinema & Viva Films
Directed By Wenn V. Deramas
Starring Vice Ganda, Maricel Soriano, Joey Marquez, Ejay Falcon and JC De Vera

Free seating sa sinehan kaya akala namin eh tayuan portion ang ganap. Hindi pala kasi andami pang bakanteng upuan. Nagsimula ang istorya sa back story kung bakit nagkahiwa-hiwalay ang quadruplets na sina Girlie - the mujer, Peter - the ohm, Mark - the vekla at Panying - the shibamba. Wit kasi feel ng biyenan niya si Marya kaya itinakas nito sina Girlie at Peter pa-Amerika at naiwan sa kanya sina Mark at Panying. Fast forward sa current age ng apat, nagka-Hepa si Peter at nangangailangan ng liver transplant. Tanging si Mark lang ang pwedeng makatulong kaya back to the Philippines ang dalawa at nag-reunion ang magkakapatid.

Maricel Soriano
'Di kataka-taka kung bakit ang Diamond Star ang itinanghal na Best Actress two days ago. Kahit comedy ang pelikula, bongga ang atake niya sa drama scenes. Feeling ko nga hindi bagay kasi she deserves more than this. I hope next year magkaroon siya ng magandang proyekto kung saan swak ang akting niya. Todong maswerti ang bida dahil sa mga eksena niya with JC De Vera at Ejay Falcon. ANSASARAP NILA! Nagmukha namang ekstra sina Cristine Reyes at Ruffa Gutierrez na hindi maitago ang saggy arms. AY! Baka awayin ako ni Titah Annabil.

Vice Ganda as Girlie
Improving ang akting ni Vice Ganda sa 5th starring niya huh! Ang hirap yatang maging apat sa isang pelikula at kering-keri niya. Pinaka-aliw si Girlie na super arte at kikay. Pinaghalong Paris Hilton and Ruffa G. ang peg. Kaya kung laughter with a touch of drama ang bet niyo this holiday season, swak sa inyo ang GBBT.

Rating: 3/5 stars

Friday, December 27, 2013

MOA, Kalendaryo at si Edward Mendez

Image from Wikipedia
Labanos kumustasa ang Christmas niyo mga ateng? Ako, sa trabaho nag-spend ng unang tatlong oras tapos jumuwelay agad para magsimba kasama ang familia. Kinahapunan eh nagkita-kits kami ng super friends sa MOA at NAKAKALOKA sa dami ng utaw. Andun yata ang buong Pilipinas. Trapikelya na, wala pang masakyan. Pagdating sa mall eh halos lahat ng kainan puno kaya nagtiyaga na lang kami sa Bo's kapihan at lumafang ng pizza. Nakalimutan naming magkuhanan ng pica dahil busy kakachika.

Ilang araw na lang at 2014 na at kapag nagpapalit ang taon, tradisyon nang maituturing ang kalendaryong give-away ng mga establisyimento. Todong inaabangan ng mudraks ko 'yung sa tindahan ng hardware kasi malalaki ang numero. 'Di niya na kailangang magsalamin para makita ang petsa. Sa mga retail stores naman like Human at F&H eh uso ang pocket calender. Most memorable ko niyan eh 'yung kay Geoff Eigenmann dahil P na P ako sa kanya noon. Mahilig ako sa tsabi-tsabi!

F&H (2009) and Human (2006)
This year eh hindi nagpahuli ang fevorit nating si Dra. Vicki Belo. May table calendar ang klinika niya featuring all her models in their sexy picas. Andiyan si Alden Richards, Derek Ramsay, Matteo Guidicelli at ang pinakamasarap sa lahat, si Edward Mendez...

From Sexy Solutions FB page
SABOG ang keps ko sa sarap ng singit niya! Magbababad siguro ako diyan ng mga 5 hours then sleep ako ng 8 hours. Bet ko sanang bumili niyan pero sorry na lang akez bekowzzz this is not for sale. Ang strategy eh exclusivity para sa mga pasyenteng magpapaganda sa klinika worth 5 kwit pataas. Buti na lang at pinost 'to sa FB or else, baka wala kaming pang media noche. Ahahaha!

Wednesday, December 25, 2013

Celebration

FELIZ NAVIDAD MGA SHUPATEMBA!

Mainit man o malamig ang inyong Pasko, enjoy niyo lang ang araw na ito. Magpakasasa tayo sa masasarap na putahe na nakahain sa mesa. Bukas na ang diet. Pwede rin next year na kung gusto niyong i-extend ang paglaps hanggang New Year celebration. Basta make sure na masaya kayo ngayon. At 'wag kakaligtaang magpasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng pagdarasal. Sandali lang 'yan kaya kung 'di mo pa nagagawa eh 'wag nang mag-hesitate. Give love and thanks this day

Tuesday, December 24, 2013

Tinakasan

Halos isang taon na akong kumakayod sa gabi upang magpaligaya ng mga 'Kano at pansin ko lang, anlaki ng ipinagbago ng kutis ko. Kung dati eh ka-level ko si Lucy Torres (pagbigyan niyo na), ngayon parang si Madame Auring na. Buti nga siya may asim pa pero ako yata eh tinakasan na. Lakas makatanda ng walang tulog sa gabi. Nakakalaki ng pores at nagkakaroon ng linya sa fes. Malaking tulong na hiyang ang byuti ko sa RDL Baby Face at Olay Mositurising Lotion pero siyempre 'di lang fes ang kailangang alagaan kundi pati na ang masarap na katawan.

Naghagilap ako ng sabong anti-ageing since 'yan ang uso ngayon. Kahit ka-edad mo lang si Bea Alonzo at Camille Co eh bonggang ineenganyo nang gumamit ng ganyang produkto. Kaya gumora ako sa Cherry Foodarama,  humanap ng underrated beauty soaps at isa 'to sa mga nakita ko...

Forever young ang peg sa buhay ni Cory Quirino at obvious naman noh! Hanggang ngayon sexy at makinis pa rin. Napabili tuloy ako. So far eh masaya ako sa tuwing ginagamit ko. Antagal pang matunaw. PERFEK! Alam kong matagal pa bago ko makita ang epekto at dahil atat ako, naghanap pa ako ng iba.

Beauche Beauty Bar
Beauche na parang Beyonce daw kung babaybayin ang pangalan ng produkto. Kung 'di niyo alam 'yan eh lumabas lang kayo at maghanap ng tindahang fink na ang binebenta eh puro pampaganda. Tapos ang model sa label eh mashonders na. Natawa nga ako nung una kong nakita 'yan at never kong na-imagine na gagamit ako. Ayan, nilunok ko ang tawa ko dahil kahapon lang eh bumili ako. Todong nakakakinis daw 'to ayon sa usap-usapan sa kanto. 'Di ko pa nagagamit 'yan dahil 'di pa ubos ang sabon ni Madame Cory pero kavogue kaya ang epek nito? Mala-Julia Barretto kaya ang final result? Tuluyan na bang mawawala sa eksena ang Belo Essentials? How about ang kapitbahay nating si Ellen's Aesthetics at ang malaking buhok ni tiyang Elvie Pineda?

Vicki Belo, Ellen Lising and Elvie Pineda

Saturday, December 21, 2013

Lee & Lee

EPIC na makita sa iisang pica ang dalawang Lee na pinantasya ko noong kadalagahan ko...

Lee Ryan of Blue and Lee Brennan of 911

Thursday, December 19, 2013

Ikalima

I can't contain this feeling! I'm so happy for Bea Rose Santiago dahil siya ang ikalima nating Miss International. Isa siya sa todong betchikels ko sa Binibining Pilipinas Gold dahil ramdam mo ang determinasyon niyang manalo. Samahan mo pa ng kagandahan ng mukha, seksing katawan, eloquence sa tuwing ini-interview at umaapaw na personality. May nakapagsabing very humble at down to earth ang karakter ng reynang ito kaya naman biniyayaan ng korona, kapa, banga at plake noong December 17 sa Japan. Truths na may kasamang banga sa premyo. Check niyo 'to oh...

'Wag naman sanang si Undin ang nasa loob. CHOS!
Idineklarang first runner-up ang pageant veteran na si Nathalie den Dekker of The Netherlands (Miss Universe 2012, Miss World 2012, Miss Supranational 2010, Miss Tourism International 2010) at second runner-up ang candidate from New Zealand na si Casey Radley. Ang sipag ni ateng Nathalie huh! Parang mga male bikini contestant lang sa 'Pinas.

Miss International 2013 - Philippines (middle)
1st runner-up - Netherlands (left)
2nd runner-up - New Zealand (right)
Pangatlong korona na natin ito mula sa lima sa pinakamalalaking pagandahan sa mundo. Aba wala pang ibang bansa na nakakagawa niya kaya dapat i-celebrate ang kanilang pagkakapanalo. Wish ko lang na makita ko sa isang pictorial siya Mutya, Megan at Bea. Sana pumayag ang kani-kanilang international directors. Bonggang tatak 'to sa kasaysayan ng Pilipinas kaya sana maganap. 

Monday, December 16, 2013

Paspasan

Dalawang nakakagimbal na pangyayari ang naganap na feeling ko eh close sa buhay ko (o gusto ko lang i-relate ang sarili ko).

Courtesy of ABS-CBN News
Kagabi ay sinalakay ng Martilyo Gang ang SM North EDSA. Napasugod pa si PNoy at ang kanang kamay niyang si Mar Roxas para umeksena. Sa mga hindi pa noseline ang modus ng grupong 'yan, bitbit ang dalang martilyo ay babasagin nila ang eskaparate ng jewelry stores at sa isang saglit ay lilimasin ang mga alahas. Todong magkakagulo ang mga inosenteng mall goers at dito hahalo ang mga kawatan at aarteng parang walang alam hanggang sa makatalilis. Base sa pica eh sa first floor ng department store nangyari ang krimen. Hindi pa alam kung dala ng mga suspek papasok ng mall ang martilyo o binili sa loob. Nakakaloka dahil nung tanghali ay nandiyan kami ni mudra at namili ng kawali at tinidor.

Courtesy of GMA News
Kanina naman ay nag-dive mula sa Skyway ang Don Mariano bus at may nadaganang isang van. Habang sinusulat ko ito eh dalawampu't isa na ang kumpirmadong teggie. Kilalang paspasan kung magmaneho ang mga driver ng bus na 'yan. Hindi ko naman nilalahat pero base on my experience, ang byahe ko sa gabi from QC to Makati ay nakakaya nila ng trenta minutos. Basta walang trapik ah! Peborit kong sakyan 'yan kasi alam kong 'di ako male-late. Ngayon, kelangan gumising ng maaga para sa byaheng mahaba dahil suspendido sa kalsada ang bus company na 'yan.

Ewan ko ba pero pansin niyo ba kapag holiday season eh dumadami ang 'di kagandahang ganap sa kapaligiran. Kaya doble ingat tayo mga ateng at samahan ng panalangin ang bawat byahe. Sayang ang byuti kung hindi itotodo ang life

Thursday, December 12, 2013

Appreciated

After so many months of waiting in vain for your love ay natuloy na din sa wakas ang bonggang Philippine premiere ng Ang Misis ni Meyor, ang second movie ni Archie Del Mundo (Taksikab was his first). Last night ito ginanap, December 11 sa Cinema 9 ng SM Megamall at invited ang byuti namin ni Ateh Paul.

9PM ang simula pero maaga kaming pumunta para makapag-canvass ng gifts this Christmas. Sinuyod namin ang anim na palapag ng mall (including lower ground) at 'di naman stressful kasi wala pa masyadong utaw. Rumampa din kami sa Shangri-La mall at nakasalubong si Meryll Soriano with his Italian jowa. JUICE KOH! Watering hole akez sa pagkafogi! Kaya pala blooming ang Meryll.

Balik kami sa Megamall at lumaps ng hapunan. Bago may alas-nueve ay umakyat na kami. Infernezzz madaming gustong manood. Walang paylet so kahit wala kang invite eh pwedeng manood basta pumila ng maayos. WOW! Sana laging ganito.

Present ang timeless beauties nina Maria Isabel Lopez na baklang bakla kapag nagsasalita at Miss Angie Ferro. Much appreciated ang pagdalo niya dahil kahit nakatungkod ay nakapunta. 'Di pwedeng mawala ang bida na si Marife Necesito. Sad kasi 'di nakapunta si Joem Bascon. Siya pa naman ang todong inantay ni Ate Paul. Understandable ang absence ni Marco Morales who played the mayor role kasi nasa Australia na siya. Huhuhu :'( gusto ko siyang sundan at alagaan.

Kakaiba ang indie movie na itez dahil socio-political ang tema. Napapanahon with so many corruptions here, there and everywhere. Makakarelate ang 'sangkabaklaan sa sweet moments nina mayor at driver pati na sa sexy scene ni misis kay Joem na kahit may baby fats eh ang tsalap.

Regular screening will be on December 18 at selected SM Cinemas.

Wednesday, December 11, 2013

Hinaluan

This year marks my 7th year in the call center industry. Ilang libong Amer'kano na-elyahan sa masarap kong boses. CHAREEENG! Kahit busy-busyhan at pagud-paguran ang kumayod sa gabi, witey ko pinalagpas panoorin ang pelikula ni Pokwang as Call Center Girl.

Call Center Girl (2013)
Star Cinema and Skylight Films
Directed by Don M. Cuaresma
Written by Kriz Garmen, Hyro Aguinaldo and Enrico Santos
Starring Jessy Mendiola, Enchong Dee, K Brosas, John Lapus and Pokwang

Si Teresa o Terry (Pokwang) ay pangkaraniwang Pilipino na nangibang bansa at iniwan ang pamilya para sa mas magandang kinabukasan. Lumaki ang tatlong junakis na 'di siya nakapiling pero isa lang naman ang matindi ang tampo, si Reg (Mendiola) na isang call center agent na may jowang titser. Bet nilang mag-UK pero wala pang pang-placement fee worth 150k. Todo sikap si babae not knowing pamilyado na pala si lalaki.

Nalaman ni Terry ang plano niya at para makatulong ay namasukan siya sa call center not knowing na doon din pala nagtatrabaho ang anak. Sa floor na sila nagkaalaman at nasa iisang team pa. Saksakan ng sungit ang TL nilang si Vince (Dee) dahil lublob sa problema sa pamilya at lovelife. Nakahanap ng mother figure kay Terry na hinaluan naman ng malisya ng mga kaopisina. Hanggang diyan na lang 'yan kasi parang maikukwento ko na ang buoung pelikula.

Tomjuts na kami
Kasama kong nanood sina Lenny, Vanessa, Kaye at Jamie, mga kaibigan ko sa dating call center na pinagtrabahuhan ko. Puno ng tawanan sa sinehan sa kung anu-anong pinaggagagawa ni Pokwang makabenta lang sa telepono. PAK na PAK ang mga eksena dahil makatotohanan at talagang nangyayari sa loob ng call center; masungit na TL, walang benta, maya't mayang team meeting, theme day etc. Pati ang lunch na instant noodles eh nakuha nila.

Hinaluan ng konting drama ang istorya at ifernezzz kay Pokie, may ibubuga. Nakaka-insecure ang kakinisan ni Jessy Mendiola. Ma-achib ko kaya 'yun kung lalamon ako ng Spicy Chiken Berger? CHAR! Dito ko lang din napagtanto ang kasarapan ni fafah Enchong Dee. Todong nakakatawa ang eksena kapag kasama si K Brosas na dinagdagan pa ng punchlines ni John Lapus. Talaga nag-e-exist ang mga karakter nila sa totoong buhay call center.

Rating: 5/5 stars

Monday, December 9, 2013

'Di maawat

Alyz Henrich
Miss Earth 2013
Hindi ko na talaga kinaya ang powers ng Venezuela pagdating sa pagandahan. Dalawang beses na silang nanalo last month (Miss Universe at Mister International), ngayon naman ay sa Miss Earth na ginanap noong Sabado, December 7 sa Versailles Palace, Muntinlupa. Umpisa pa lang ng labanan eh 'di maawat ang lolah niyo sa todong paghahakot ng special awards: Best in Evening Gown, Miss Hana, Miss Psalmstre Advanced Placenta, Miss Pontefino tapos pangatlo siya sa Best in Swimsuit, Most Child Friendly at top 15 sa Resorts Wear. WHEW! Grabe mag-train 'tong si Osmel Sousa huh!

(L-R) Korea, Austria, Venezuela and Thailand
Miss Air ang merlat from Austria na madalang ko lang makita sa semifinals ng kahit anong beauty pageant. Thai beauty ang Miss Water at Koreana si Miss Fire. Maraming magagandang pasok sa top 16 tulad ni Miss Mexico at Miss Serbia na parang nag-aapoy ang pagkapula ng hairlaloo. Bongga naman ang pagkakatawag kay Miss Mauritius na aminin niyo palaging snub sa Miss U at Miss W.

'Yung nanalo last year na si Tereza FajksovĆ” (na hindi ko alam kung paano baybayin ang last name) ay one of the most celebrated reigns ng Miss Earth dahil kung saan-saan siya napunta upang ikalat ang pangangalaga kay inang kalikasan. Abangan natin kung saan naman ililipad si Alyz ng korona niya.

Thursday, December 5, 2013

Sarili

Ipinagdiwang noong a-uno ang World AIDS Day at kasabay nito ang nakakabahalang balita mula sa DOH. Sa buwan lang ng Oktubre ngayong taon eh nakapagtala sila ng apat na daan at siyamnapu't isang bagong kaso ng HIV/AIDS. Mahigit dalawang daan ang itinaas kumpara sa parehong buwan noong 2012. NAKAKALOKA! For this year alone ay meron nang 4,072 cases at 'di pa kasama diyan ang natitiwang dalawang buwan (Nov-Dec).

Ayon sa istatistika, pagunahing dahilan niyan ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki na sinundan naman ng needle sharing ng mga adiktus. Nahilo ako sa dami ng numbers kaya kayo na ang bahalang bumasa dito:

Nakakalungkot dahil kahit laganap na ang edukasyon kung paano ito maiiwasan eh patuloy pa rin ang pagtaas ng numero. Nawa'y dumating ang panahon na mapababa natin 'yan. Kung paiiralin ang importansya ng ating kaligtasan bago ang bugso ng tukso, por shure magagawa natin 'yan. Hindi masama kung minsan eh uunahin natin ang ating sarili.

At 'yung picture sa taas ay ang pang-Huwebes na teleserye ni fafah Martin Escudero sa TV5. I'm so proud of MVP's TV station dahil 'di sila natakot i-tackle ang isang sensitibong isyu. Suportahan natin bilang malaki ang maitutulong niyan sa pamumudmod ng impormasyon tungkol sa HIV/AIDS.

Wednesday, December 4, 2013

Ibulatlat

Can I Just Say:

Deserve ni Tom Daley ang isang mahigpit na group hug mula sa 'sangkabaklaan dahil sa kanyang katapangan na ibulatlat ang katotohanan. Hindi madali ang ginawa niya lalo na't sikat siya sa larangan ng sports at isa sa todong pinapantasya ng mga teen girls. Masaya siya sa kung sino siya, sa new found love niya at bet niya itong i-share sa buong mundo. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig oh! Swerti ni ateng na dine-date niya huh!

Kung 'di niyo pa napapanood, eto ang video ng kanyang paglaladlad...

Tuesday, December 3, 2013

Raketa

Last month na nang taong 2013 at dalawang beauty pageants pa ang magaganap, ang Miss Earth at Miss International. Saka ko na pagtutuunan ng pansin ang mga merlat na kasali diyan dahil uunahin ko muna itong otoko na pambato ng Brasil for Manhunt International 2014. Walang Manhunt na magaganap this year and that only means extended ang bonggang reign ni fafah June Macasaet. Sana magpapictorial pa siya ng marami tulad nito...

Ang laki ng mga tubo

Monday, December 2, 2013

Gilid

Matagal ko nang inaasam ang CD version ng Chapter II, second album ni Ashanti na inilabas 10 years ago pa. KALURQS! I can't believe na ganun na katagal 'yun! Meron akong cassette version pero chaka na ang quality ng tunog. Witey na ito available sa Odyssey, Astroplus at SM Record Bar. Mahalya fuentes sa Amazon kaya tiis na lang kung kelan magkakaroon. Wala namang taxi kaya okay lang mag-antay. At nung Huwebes nga ay napatunayan ko ang paniniwalang "patience is a virtue" at "good things come to those who wait" dahil...

TSANTSARARAAAN!!!
Alam niyo kung saan ko 'yan nabuyla? Sa Crossings Quezon Ave. Nabalitaan ko kasi kay opismate Kane na mura daw ang damit at sapatos doon. Tamang tama dahil naghahagilap ako ng bonggang masusuot sa tipar ng opisina namin. Nasa second floor ang department store at at daming pagpipilian. Matapos kong magbabad doon eh bumaba na ako para umuwi. Galing pa kasi akong Quiapo with my mudra. Nagrereklamo na ang mga tiil kez. Kukunin ko na sana ang dineposito kong bagahe nang masight ko sa gilid ang sale items ng National Bookstore. Mga tira-tirang CDs at VCDs ng Tower Records na dati ay may pwesto doon. Todo kalkal ang byuti ko hanggang sa mahukay ko 'yan. 120 peysos lang at factory sealed pa. Walang pagaatubili na binayaran ko. Pagkauwi eh isinalang agad sa player at gumiling-giling tulad nito...

Tuesday, November 26, 2013

Fairy Tale

Kakapanood ko lang ulit ng The Prince & Me at 'di ko na namang napigilang mag-imagine ng sarili kong fairy tale. Haaaayyyy, sino ba ang may ayaw sa isang makisig at matipunong prince charming na unang kita pa lang sa'yo eh inlavey na? Kung bakit naman kasi kinalakhan natin ang mga istorya nina Cinderella, Snow White at Little Mermaid.

Bida diyan sina Julia Stiles at Luke Mably. Sa kagustuhan makakita ng suso ng Amerikana, dumayo pa ang prinsipe ng Denmark sa Wisconsin. Akala yata eh lahat ng kana eh papayag sa gusto niya. Tsuri na lang kasi witey ganun si Paige, isang matinong estudyante na nangangarap maging doktor. Fight fight sa umpisa tapos mauuwi sa sweet-sweetan. 'Di alam ni babae ang tunay na katauhan ng prinsipe hanggang sa mahuli ng paparazzi ang lampungan nila sa library. KALOKA! Ma-try nga 'yan!

Bukod diyan eh paborito ko rin ang A Cinderella Story (Hilary Duff, Chad Michael Murray) at Beastly (Vanessa Hudgens, Alex Pettyfer). Naghahagilap pa ako ng fairy tale-like movie na masarap panoorin. Any suggestions mga ateng?

Sunday, November 24, 2013

Kibot

Ilang araw nang kumikibot-kibot ang talukap ng mga mata ko. Napansin ko rin na hindi na kasing clear and sharp dati ang vision ko. HOMAYGASH! Paano ako makakasipat ng mga lalaki niyan kung lalabo ang paningin kez? 'Wag naman sana dahil baka imbes na masarap eh panis pala ang maihanda ko sa inyo. AMP!

Speaking of paningin, ewan ko ba pero feeling ko, magkahawig ang favorite bikini boy natin na si Allen Molina at si Jake Ejercito, ang super gwapong junakis ni Erap na jowawit ni Galema. Tsek niyo nga...

L: Allen Molina (via Ask Aski Photography)
R: Jake Ejercito (from Facebook)
Totoo ba o kelangan ko nang magpatingin sa opta? Pero de vaahhh similar ang hugis ng tenga, mata at close-up smiles nila? Kung 'di man kayo agree eh tiyak na sasang-ayon kayo na pareho silang masarap. Ang swerti ng mga jowa nila ah! Everyday OK.

Friday, November 22, 2013

Mister International 2013 winners

Mister International 2013
JosƩ Anmer Paredes
Kagabi nga ay nalaman na kung sino ang bagong Mister International at ito ay si JosƩ Anmer Paredes ng Venezuela. Hindi lang pala mga merlat ng bansang 'yan ang todong sumeseryoso sa pagandahan. Pati na rin mga ohms! Sey niyo sa itsu niya mga ateng? 'Di na ako aarti sa kanya. Isa siya sa masasarap pero maraming mas sa kanya.

Mister International Belgium 2013
Gianni Sennesael
Para naman akong nagpa-inject ng glutampalaya sa pait ng sinapit ng pinakamamahal kong si Mister Belgium. Semifinalist siya sa tatlong pageant na sinalihan niya (Manhunt 2011, Mister World 2012 at Men Universe Model 2013) tapos ditey eh dinedma siya. IMBERNA MUCH!!! Saluhan niyo akez sa tanghalian kong ginisang ampalaya.

Mister International 2013 winners
Second place ang Indonesia at pangatlo naman si Mister Brazil. Ang mala-Superman na si Hans Yael Valdez ng Mexico ang 3rd runner-up na sinundan naman ni Gil Wagas. Lakas ng tikas Pinoy! Nas pang-anim na pwesto si Antonin Beranek ng Czech Republic na hindi maitago ang kaimbernahan sa pica. Minorka Mercado ang peg!

Makapaglimas na nga ng baha dito sa kinauupuan ko at malansa na ang water-water ko. Hanggang sa susunod na male pageant na ating matitikman.

Wednesday, November 20, 2013

Mister International 2013

Muntikan na nating mamintis ang masasarap na otoko sa Mister International 2013. Bukas na malalaman ang magwawagi at Indonesia ang bonggang host country. May pagkonserbatibo ang bansang 'yan kaya 'wag umasa na merong skimpy trunks na magaganap. IMBERNA! 'Yan pa naman ang todong inaabangan ko. May alternative naman daw... beach wear nga lang. Oh siya, keri na ang matitigas na pandesal minus the bukelyas. Tatlumpu't walo silang maghaharap sa grand night at sila ang piƱakamasasarap...

Belgium - Gianni Sennesael
(dalawang taon ko na siyang mahal)

L: Spain - Adrian Gallardo
R: Lebanon - Firas Abbas (parang iwawasiwas ako sa headboard)

Tuesday, November 19, 2013

Sikat

'Wag sana natin silang kalimutan kahit biglang sikat si Yolanda...

Photo courtesy of @ViceGandaNation

Monday, November 18, 2013

Bigote 2.0

Naging pantasya niyo ba noon si Gino Antonio? Gusto ko sanang magsulat ng tungkol sa kanya at sa machong macho niyang bigote kaya lang wit ko naabutan ang pamumudmod niya ng sarap sa 'sangkabaklaan. I'm sure ilan sa inyo ay may malilinamnam na alaala kung paano siya umindayog at kumandirit sa pinilakang tabing. 

Kaya imbes na ako ang magsusulat, baliktarin natin at kayo ang magbahagi kung paano niya nilagyan ng kulay ang mapusyaw niyong buhay noong dekada otsenta. Kahit Lunes ngayon eh mag-#ThrowbackThursday tayiz. Kwento niyo lahat, no holds barred. Care to share mga ateng lalo na ang pinakabet niyong pelikula niya. 


Sa comment box niyo ilahad ang kuda niyo at kapag marami kayo, magpo-post pa ako ng sizzling photos niya

Sunday, November 17, 2013

Birada

Saturday, November 9, 2013
11:38 PM

Hi Miz Melanie!

I'm Ares and I've been an avid reader of your blog since 2010 & I have to say that you always made my day. Whenever I go online, isa ang blog mo sa lagi kong bini-visit to make sure di ko mamimiss ang sarap at katuwaan mong hatid. I admire your sense of humor and personality. You're actually one of the reasons kung bakit gusto ko din mag-blog.

Mahilig kasi ako sa fashion ever since bata pa ako. I love to watch fashion shows & I always make comments about them. I love how designers make exciting clothes & I really would love to share my passion for fashion sa pagba-blog.

Gusto ko lang humingi ng opinion mo. Last month, na-invite ako manood ng ilang shows sa Philippine Fashion Week. I really love the experience especially sitting there & watch the clothes in real life. Some of the designs are good, some of them... hmmm... I have to say are bad or needs improvement. 

Tuesday, November 12, 2013

Alay

Kung may madadaanan tayong simbahan ngayon araw na ito, maari bang pumasok muna tayo upang mag-alay ng panalangin at magsindi ng kandila para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda. Nawa'y makayanan nila ang matinding pagsubok na hatid ng kalikasan. Wala nang mas hihigit pa sa pagtulong ispiritwal sa mga panahong tulad nito. Hindi madali ang bumangon sa ganitong klaseng trahedya at heto pa ang bagyong Zoraida na muling susubok sa ating katatagan. Hindi tayo susuko. Kaya natin ito!