Sunday, August 31, 2014

Kinis

'Sing tigas ng bato ang katatagan ng all-male group na Masculados dahil dose años na silang nagpapaligaya sa pamamagitan ng kanilang mga awitin tulad ng Sana Mama, Lagot Ka at ang paborito nating lahat... Jumbo Hotdog. Sa tuwing naririnig ko 'yan, 'di ko mapigilang maalala ang kalandian ni Mahal :D

Saturday, August 30, 2014

Gawi

Can I Just Say:


Kuya, STYLE MO BULOK! Bakla man kami sa iyong paningin, choosy pa rin kami sa otokong lalandiin. Tingin-tingin din sa salamin 'pag may time. Worth 20K ba 'yang chura mo!?! Kung dati ay umeepek ang pananakot mo sa amin, pwes dumating na ang oras mo... diyan sa kulungan.

At sa'yo "Earl" na naglakas loob maisuplong ang tarantadong 'yan, MABUHAY KA!!! Ang tapang mong magsumbong knowing na pinagbantaan kang papatayin o papahiyain. Pagagawan ka namin ng bonggang korona na puro diamonds, rubies, Swarovski crystals and pearls. Isa kang bayani sa ating lahi. Naipaghiganti mo ang mga baklang nabiktima niya at todong napigilan na siya'y makapambiktima pa.

Pakatandaan natin ang fez ng taong 'yan. Baka makapagpiyansa at makalabas. Bumalik sa dating gawi. Mabuti na ang nag-iingat.

Wednesday, August 27, 2014

Tugtog 1.0

Upon staring at my stereo, I suddenly remember the cassette tape collection of my pudrakels na dinala niya from Middle East. 'Yung iba't ibang kulay ang case. Sa kanya ako nagmana ng pagkahilig sa musika. Nope, we're not musicians. Sadya lang mahilig kaming makinig at mangolekta.

Sa dami nun, isa lang ang todong pinatutugtog ko... Lambada. Play. Stop. Rewind. Play ulit. Natanggal nga 'yung takip ng player kakagamit ko. Hanggang ngayon nga 'di ko pa rin alam kung paano bibigkasin nang tama ang lyrics niyan.

Tuwing umaga o bago pumasok sa work ang pinaka-perfect time for me to play music. Feel good dapat para pumasok ang positive vibes at level-up ang energy. Usually sinasabayan ko ang pagkanta with bonggang taas ng kamay at konting kembot kemerloot. Sabi nga ni ateng Taylor Swift...

“People haven't always been there for me but music always has.”

WOW HA! Nasabi pa talaga niya 'yan sa dami ng naging jowa niya.

So here'sthe first part of my top 10 feel good songs that you may also add to your personal playlist.

Monday, August 25, 2014

Slogan

Maliban sa Linggo ay pula din ang kulay ng pista opisyal sa kalendaryo. Dalawa lang ang ibig sabihin niyan - it's either bonggang pahinga ka o may ekstrang kita sa trabaho. 'Di masyadong busy ang kalsada kaya waley trapiko. Fast and the furious kang makakarating sa paroroonan sakay ng bus, FX o jeepney man. Speaking of our pambansang sasakyan, share ko sa inyo ang nakakatakot na karanasan ni mujay nitong Viernes lang.


Saturday, August 23, 2014

Nilabasan

Marami sa inyo ang nagtatanong kung bakit 'di ko agad naluto ang putaheng may taktaktak ni PO2 Mariano Flormata Jr. AKA Neil Perez. Pasensya na mga ateng at naubusan ng Gasul. Ngayon lang ako naka-order. ECHOS!

Photos courtesy of Neil Perez for Mister Philippines 2014
Binulabog niya ang byuti rest ng 'sangkabaklaan nang siya'y sumali sa Misters of the Philippines 2014. Isang magiting na pulis, sasabak sa kumpetisyon ng pagandahan? Sino ba naman ang 'di gaganahan? Kaya lahat ng major networks pinag-agawan at nilabasan niya. Nilabasan? AY! I mean nag-guest na siya sa iba't ibang programa diyan.

Wednesday, August 20, 2014

Hipon

Pagpugot ng ISIS sa ulo ng isang US journalist, gera sa Israel, traffic congestion sa Maynila, buwis na ipapataw sa softdrinks, rape slay sa Bulacan, pagpapalawig ng termino ni PNoy atbp. ANO BA! Nakakasawa na ang bad news. Kaya ambilis uminit ng ulo ng mga tao. Panay nega ang nababasa't napapanood.

Ramon Bautista on the cover of his bestselling book
'Di man national issue 'to pero masarap yatang tikman ang 'hipon' ni Ramon Bautista. Dumayo siya sa Davao para magbigay aliw sa mga nakiki-fiesta, ayun nauwi sa 'persona non grata'. Kilalang astig na komedyante at may pagka-naughty si kuya pero todong na-offend sa humor niya ang ilang Davaoeños lalo na sa comment niyang "Ang daming hipon dito sa Davao. Alright!"*. Abusive at masamang impluwensiya daw sa kabataan kaya 'di na siya welcome doon. Agad-agad naman siyang humingi ng paumanhin sa inasal at tinanggap ang hatol ng mga opisyales ng Davao na may back-up pa ni Sara Duterte. Hala ka!

Minsan talaga ang pagpapatawa eh inilalagay sa tamang lugar. People may find you funny but that doesn't give you the license to make fun of them. At sana matapos na 'yung hipon vs. lechon comparison. Eh ano ngayon kung mataba o sexy na may chakang fes? 'Di dapat ganun kababaw ang tingin natin sa ating mga sarili. Let's appreciate what we have more than highlighting the imperfections. 

Spread love and good vibes everyone!

*from ABS-CBN News

Monday, August 18, 2014

#MakeUpTransformation

Bentang-benta ngayon 'tong #MakeUpTransformation sa Facebook, Twitter at Instagram. Konting BB cream, lipstick at suklay lang, samahan mo pa ng Pinoy humor, paniguradong matatawa ka. Simple lang ang mechanics - gawa ng photo collage na may apat na grid. Kunwari nag-aayos sa unang tatlong picture at sa pang-apat eh ang picture ng ka-fez niyo.

Mapa-artista man o tayo-tayo eh hindi nagpahuli sa uso at eto ang ilan sa todong nakakaaliw...

Si Jet ka ba o si Sweet? Si Sweet ka ba o si Jet?

Thursday, August 14, 2014

Pinapelan

...ako ng bisor ko noong isang araw because of my chakabarba performance for the past 6 months. Bago pa masipa sa trabaho, kelangan ko nang makahanap ng bagong mapapasukan. Puro kalyo na ang lalamunan ko kakakuda at maputla na akiz kaka-English. I need a new work that will give me a challenging position with glowing complexion. At may napili na ako...

Sisiguraduhin kong mame-maintain ko ang pagka-erect ng kung ano man ang dapat naka-erect kesehodang mangawit ako

Wednesday, August 13, 2014

So Happy!!!

Year 2005 nang magsimula akong magsulat. I was 4th year college and preparing for the real world of employment. During that time, sobrang dami ng ginagawa - class thesis, PR writings, shooting, budgeting and planning for almost everything. Subsob sa pag-aaral kung gustong maka-graduate. How I miss those moments! My favorite subject back then was Multimedia Arts. Kokonti pa lang ang bihasa noon sa Adobe Photoshop kaya excited kami ng partner kong si Delma sa tuwing may klase kami with Sir Mataya, our super gorgeous professor.

It was also the same year that I created my first blog site in Friendster (sumalangit nawa) at pinamagatan kong HollerCassie. Bago niyo itanong kung sino si Cassie eh sasagutin ko na. 'Yan ang pseudonym ko dati. Too much shala pakinggan at 'di bagay sa masa sex appeal ko kaya pinalitan ko, thus Binibining Melanie was born. Tulad ng Todo sa Bongga, kung anu-ano ang sinulat ko diyan. Buti at bago na-convert to a gaming site ang Friendster ay nai-save ko lahat ng blog entries. Uso naman ang revival, mapakanta man o teleserye so why not create my own de vaahhh?!

Here's my blog entry originally posted on August 19, 2005...

***

Tagal kong 'di nag-post. Super busy kasi sa school. Bukod sa mid-terms ngayon eh sunud-sunod ang project ng department at section namin. Una 'yung acquaintance party that we organized then naging Public Relations Officer ako ng isang organization. Medyo ngarag at naghahabol kasi ang daming gagawin but still, we have time for fun. Hehehe! Kahit tumambay lang ng tatlong oras sa labas ng chapel ok lang. Parang 'yun na lang kasi ang pahinga namin. Anyways, I’m so happy today kasi nag-test kami kanina sa Multimedia Arts. Bukod kasi sa magaling ang professor namin eh super cute pa kaya naman kaming magkaka-klase eh hindi mapigilang lumandi 'pag nandiyan siya malapit sa amin. Inspired pa kami. Anyways, pinagawa niya kami ng print ad gamit ang Adobe Photoshop. Marunong akong gumamit ng basics pero kapag yung part na mag e-edit kami ng photos eh hirap na hirap kami. Pumili muna kami ng fastfood house na gagawan ng print ad. Sa amin na galing 'yung product basta isang fastfood house lang. Ang napili namin eh Burger King at ang product ko eh Ice Cream. We only have 3 hours to do that project kaya medyo time pressure sa mga tulad kong 'di magaling when it comes to digital arts. Anyways, nakatatlong ulit yata ako o marami pa kasi 'di ko magawa ng maayos ang pag fill ng colors sa background ng ice cream. Then nung matapos ko na, medyo ok na rin kahit nag-mukhang bandila ng isang country. I don’t know, pero nung pina-check ko na sa cute kong prof, nagustuhan niya at mataas ang nakuha kong grade. Napansin nga lang niya na singular ang nagamit ko sa body copy ng print ad ko imbes na plural but that’s ok. The main concern of multimedia arts ay yung lay-out at hindi ang grammar. Ibang subject ang bahala doon. Hehehe! Medyo magyayabang ako kasi 1.25 ang nakuha kong grade. Not bad for a beginner like me. Ayan ang reason kaya ako ay very happy. Hay, sige na, ako'y matutulog na kasi maaga pa ang klase bukas sa Media. Until next post. Mwah! Mwah!


***

At kung na-curious kayo kung sino si sir, eto siya...

Sunday, August 10, 2014

Umako

Mahigit 'sang dekada na pala tayong pinapaluha at pinapatawa ng mga Koreanovelas o KDramas sa TV. Isa ako sa mga nahuhumaling diyan. Sa tuwing may ilalabas na teaser ang Kapamilya, Kapuso o Kapatid eh 'di ko mapigilang ma-excite. 

Coffee Prince
May kakaibang lasa ang mga drama mula sa Korea na walang sawang tinitikman ng mga Pinoy. 'Di kasi nalalayo ang mga istorya nila mula sa sariling atin. Andiyan ang tunay na pagpapahalaga sa pamilya, kung paano maging tapat sa minamahal pati ang sense of humor halos magkatulad. Ilan sa todong nagmarka sa akin ang Memories of Bali, Coffee Prince, My Girl, Full House, Foxy Lady, Lie To Me, To The Beautiful You at Wish Upon A Star.

My Girl
Kung napapansin niyo, halos iisa lang ang pattern nila sa paggawa ng drama - apat ang main characters, dalawang bida at dalawang kontrabida. May mayaman, may mahirap. May inaapi at may nang-aapi. 

Secret Love
Noong isang buwan lang nang simulan ang Secret Love na mapapanood sa primetime ng GMA 7. Kakaiba 'to sa lahat ng napanood ko. Isang babae ang umako ng kasalanan ng jowa niya para ipagpatuloy nito ang ambisyon na umangat. Nakakabaliw ang plot kaya gabi-gabi ay sinusundan ko. Pero 'di na ako makapag-antay kaya inunahan ko na at bumayla ng dibidi. 

Ang verdict: Ang sakit sa damdamin nito. Laging pinapahirapan at humahagulgol si Elise Kang (Hwang Jung-Eum). Madadala ka sa galing niyang umarte. Nakakabilib din ang transition ng damdamin ni Dominic Jo (Ji Sung) mula sa paghihiganti na nauwi sa pagmamahal. 

Friday, August 8, 2014

Hinukay

WAAAAHHHH!!! I sooo love Chasing The Sun, the comeback song of Hilary Duff. Hinukay niya't bonggang binuhay ang bubblegum pop era na nauso noong late 90's to early 00's. This is her first single after a 7-year hiatus in making music. Ganito lang 'yung mga gusto kong pinakikinggan - wholesome, happy, pa-cute at madaling sabayan. Nakakaaliw din panoorin 'yung music video na similar sa character niya sa Beauty & the Briefcase. May todong landian sa beach with this super sharap na hunk. Pamasa-masahe pa 'yun pala puro imagination lang habang nasa opisina. Lakas maka-good vibes kaya panoorin natin...


♥☺♥☺♥

Wednesday, August 6, 2014

Benepisyo

Kapag #boompanes ang brain cells ko kakaisip kung ano bang lulutuin sa karinderya natin, I try to refresh my mind by reading different stuffs. Though usung-uso ang eBooks at PDF format, prefer ko pa rin ang physical copy. Mas tipid kasi. Pwede mong basahin maski walang battery. 'Di ka rin distracted na anytime ihihinto mo ang pagbabasa para magbukas ng ibang app. Ewan ko if you'll consider this weird but there are times na inaamoy ko pa 'yung libro. Adik lang.


May tatlo akong binabasa ngayon - ang 'di ko matapos-tapos na Essential X-Men na 'sing kapal ng directory. Nasa Dark Phoenix Saga na ako. Exciting! Napadaan ako sa Booksale nang makita ko ang Exorcist ni Rachel Storm. Nasimulan ko na at hindi ko pa alam kung kelan ko babasahin ulit. AMP! Para 'di lang puro text at drawing eh view naman tayo ng beautiful places printed in View Magazine. Sana 'wag bagyuhin ang rampa ko sa Boracay at baka 'dun ko na ma-meet ang afam of my life. Lastly, wit akey mapapagod ulit-ulitin ang mga nakakatawang love story ni Rose Tan. Buti na lang at nag-imbak ako ng sandamakmak niyang libro. Hindi 'to kasama 'dun sa tatlo since tapos ko nang basahin.

Kayo mga ateng, do you read via your gadgets or you're just like me? 

Kahit ano pa ang sagot niyo, ang mahalaga eh nagbabasa kayo. Maraming benepisyo 'yan sa kautakan kaya 'wag mapapagod at magbasa lang nang magbasa. 

Tuesday, August 5, 2014

Asul

Deborah Menicucci
Miss Venezuela Mundo 2014
Kinoronahan na ang bagong Miss Venezuela Mundo na lalaban sa Miss World 2014. Ang maswerting dilag ay si Deborah Menicucci, 23 años, modelo at fashion designer. Tinalbugan niya ang labing-isang kandidata para sa asul na korona. Last year ay sumali siya sa Miss Venezuela 2013 subalit 'di pinalad. Never give up on your dreams at eto siya, sasali sa pinakamalaking kumpetisyon ng pagandahan. Tinanghal na 1st runner-up ang tisay na si Adriana Marval while third placer ang exotic beauty ni Erika Pinto.

Adriana, Deborah and Erika during swimsuit competition
Isa sa paborito itong si Erika. Angat sa lahat ang kulay ng kanyang balat at ang mala-Janet Jackson na maskels. Active kasi sa sports si ateng. Darkhorse ang aura nitong si Adriana na todong nagpasiklab ng kagandahan noong coronation night.

Evening gowns designed by Alejandro Fajardo
Photos courtesy of Belleza Venezolana and Miss Venezuela Organization
Tsika ng mga latino eh cooking show daw ang nangyari dahil umpisa pa lang eh alam na kung sino ang mananalo. Parang Binibining Pilipinas lang oh! 'Di talaga maiiwasan ang ganyang usap-usapan lalo na kapag pageant season na. Speaking of that, lahat ng major major beauty pageants ay magaganap sa last quarter ng taon. Excited na ako kung ano ang magiging performance natin. Ma-sustain kaya natin ang winning streak katulad noong 2013? Are we finally going to see a Pinay beauty wearing that elusive Miss Universe crown? I can't wait!

Sunday, August 3, 2014

Pangkamot

Opisyal na nagsimula ang Cinemalaya X noong August 1. Thanks to Ayala Cinemas, hindi na kailangang dumayo sa CCP para makapanood nito. Before the start of this festival, nakilala ko si Vener sa FB and we became instant friends. He is a certified Noranian at dahil sa kanya ay bonggang nakapanood ako ng first screening ng Hustiya. Magsama daw ako ng iba pang blogger kaya isinama ko ang pinakamadaling ayain, si Shy (shysayyestravel101.tumblr.com) na isa ko rin ka-officemate.

Hustisya (2014)
Likhang Silangan Production and Cinemalaya Foundation
Directed by Joel C. Lamangan
Story and Screenplay by Ricardo Lee
Starring Nora Aunor, Rosanna Roces, Sunshine Dizon, Rocco Nacino, Gardo Versoza and Romnick Sarmenta