![]() |
| Aliwan Tawanan Aliwan Komiks Hulyo 6, 1997 Taon 35 Blg. 2269 Graphic Arts Services Inc. |
Saturday, March 26, 2022
Sunday, March 6, 2022
Tinahak
It's a good week for the #Kakampinks all over the country dahil sa lakas ng sortie ng tambalang Leni at Kiko kasama ang kanilang mga senatoriables. Hindi mo makikita sa sortie ng ibang kandidato ang same level of energy kaya naman patuloy ang pananabotahe nila sa image ni VP Leni, at sa mga volunteers at supporters niya. Kahit ilang beses na nag-namber wan sa survey ang sinasabi nilang makakapag-unite sa mga Pilipino, iba ang nakikita on ground. Kesehodang gumiling-giling si multimedia princess kakakanta ng Roar eh waley paki ang mga utaw. Parang mga gutom at inip na sila. CHAR! Hopefully, magbago ang survey results in the coming days at umangat ang mag-aangat sa atin sa laylayan ng lipunan.
Habang hinihintay natin 'yan, atin munang balikan ang sarap na pinalasap sa atin ni Fernando Montenegro noong dekada nobenta...
Saturday, February 19, 2022
Paos
Simula nang mag-pandemic, karamihan sa atin ay nag-switch sa online shopping bilang bawal lumabas noon. Some of us find it safe and very convenient dahil anytime pwede ka mamili. You don't have to prepare to go out, expose yourself, experience the traffic and the long lines to the cashier. You can even order in advance. Personally, ang dami kong na-discover na items na mas mura compare sa mga binebenta sa mall. Siyempre, wala naman silang pwestong binabayaran at taong pinapasahod kaya mas mura. Ang downside nga lang sa akin, nakakaadik. Para akong si Alma Moreno tuwing nagta-transform siya sa pelikulang Aswang. Kulang na lang maglaway ako. CHAR!
Kada monthly sale ng Shopee eh may ina-add to cart ako. Pero hanggang doon lang, hindi na umaabot sa checkout. Kung meron man eh 'yung sakto lang na may pambayad. Ayokong matulad dito sa shupitbalur ko na hindi pinapansin ang rider kapag may delivery. Papatayin ang ilaw at ila-lock ang pinto, kunwari walang tao. Napaos na si kuya kaka-"tao po". KALOKA!
At para hindi tayo mapaos, magpahagod tayo sa lalamunan kay Jon Romano...
Saturday, February 12, 2022
Histerikal
| "Totoo nga pala na dalawa ang pisngi ng pag-ibig. Isa 'yong tunay na pagmamahal, tunay na kaligayahan. At ang isa naman ay pagkukunwaring pagmamahal at kaligayahang dala ng karangyaan." |
Thursday, February 10, 2022
Sipit
Trending sa social media itong si Toni Gonzaga at ang pag-host niya sa proclamation rally ng isang partido. Pinakilala pa niya ang kongresista na isa sa mga nag-deny ng new franchise sa ABS-CBN na ngayon ay may apog na tumakbong senador. May linya pa siyang "buhay na buhay ang pagmamahal ng Pilipinas kay Apo Lakay." Like whuuut? Girl, 'wag mong idamay ang buong bansa, hindi namin siya love.
Maraming frustrated na Kapamilya fans at ex-employees ang nagpahayag ng kanilang saloobin. La Traidora naman kasi ang dating nitong si Toni. Kung hindi nag-invest sa kanya ang ABS-CBN, hindi niya mararating ang kung ano man ang kinalalagyan niya ngayon. Wiz naman kasi siya kagalingan umarte at kagandahan kumanta pero binigyan siya ng magagandang proyekto at todong exposure. Nakailang box-office hits siya at awards sa mga album niya, 'di ba? Mapatugtog nga ang Nanghihinayang by Jeremiah. Sayang eh.
Para hindi naman masyadong mabigat sa pakiramdam, eto ang malaki at magaling na si Zoltan Amore...
Tuesday, February 8, 2022
Doorknob
Umpisa na ng kampanya para sa national elections. Todong excited na akong mapalitan ang kasalukuyang gobyerno. Pero sana naman 'wag tayong bumoto ng magnanakaw at manloloko ng taong bayan. Doon tayo sa malinis ang track record at laging nandiyan para tumulong. Gumagawa ng paraan maliit man ang budget. Pumili din tayo ng mga senador na ipaglalaban ang pantay na karapatan ng LGBTQIA+ community. Nakakasawa na mapanood sa TV na ginagawa tayong katatawanan kapag ipinaglalaban ang panukalang batas na para sa atin. Huwag magpagoyo at magsaliksik nang husto kung sino ba ang may tunay na plano para sa nakararami.
Matapos ang post natin about Dante Gomez, naisip kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga underrated sexy actors na lumabas sa Chika Chika. 'Yung tipong kumpletos rekados at pasado sa ating pihikang panlasa pero hindi masyadong nabigyan ng movie projects o hindi man lang nakapag-bida. Next natin si Harold Pineda...

