Friday, June 22, 2012

First time

Noong una eh hindi ako masyadong na-enganyong panoorin 'to. Parang walang appeal para sa akin. Pero dahil sa kabutihan loob ni Ateh Paul at ilang beses niyang pag-aaya eh pinanood namin 'to kahapon sa SM North. Nag-enjoy ako ng bongga dito. May chemistry sina Coco Martin at Angeline Quinto at maganda ang takbo ng istorya. Madami ang nag-akala na rom-com ito pero romantic-drama pala. Kumbinsing ang akting ni Angeline kahit first time niya sa big screen. Raw at natural kaya masarap panoorin. At si Coco, wala... wala akong masabing hindi maganda sa kanya! Alam naman natin na magaling siyang aktor. First time din niyang magpakilig ng manonood at hindi naman sila fail doon.

Isa pang maganda sa pelikula eh ang crisp ng film. Kahit na ordinaryong lugar lang ang setting, ang ganda ng rehistro sa screen. Maganda ang lighting na ginamit lalo na dun sa eksena ng dalawang bida sa ibabaw ng kotse at habang naglalakad sa Luneta.

PAK na PAK din ang istorya na mabilis ang pacing. Walang dull moments at higit sa lahat... hindi korni. Masaya at magaan sa pakiramdam ang pelikulang ito kaya kung 'di niyo pa napapanood, watch na habang palabas pa sa ilang sinehan.

1 comment:

  1. Napanood ko rin ito, third day ng screening sa sinehan. Dahil kay Angeline Quinto...hahaha! In-fairness sa movie okay siya medyo madami lang sub-stories or issues ng mga characters na naging parang soap opera...papunta na doon. Gusto ko yong ending eksena ni Coco at Angeline sa tagaytay. Na-carried away akesh.

    More important siguro naitawid ni Angeline Quinto,ang pelikula considering first acting project niya ito. Bagay naman niyang maging half Filipino-Korean sa movie.

    Predictable siya pero hindi naman OA. Opening scene kasi mahuhulaan mo na mangyayari Coco Martin, sana taas ng bundok inaabangan ang pagsikat ng araw with matching duguan effect...hahaha.

    -Mareng Lee.

    ReplyDelete