Can I Just Say...
...nakakasuka ang mga pulpolitikong panay ang pa-interview sa media para sa nalalapit na eleksyon. To think na malayo pa ang campaign period pero todo na ang kanilang airtime kahit 'di naman national issue ang problema nila. Araw-araw na lang ah! NAKAKALOKA!
Nagsisipagsulputan na rin ang mga "paramdam" banners at posters ng mga diumano'y tatakbo sa 2013. May nakita nga akong van na may bonggang tarpaulin ng isang babaitang naka line-up sa senatorial slate ng isang partido. Definitely, I'm not going to write her name on the ballot. Aktwali hindi lang siya kundi lahat ng mga reelectionists at aspiring politicians na maagang nagpaparamdam at hindi marunong sumunod sa campaign period ayon sa Omnibus Election Code of the Philippines. Para sa inyong kaalaman mga ateng, the campaign period is:
- 90 days before the day of election for Presidential and Vice-Presidential Elections
- 45 days before the day of election for Senatorial, Congressional, Provincial and City/Municipal Elections
- 15 days before the day of election for Barangay Election
- 45 days before the day of election for Special Elections
Simpleng simple! Malinaw pa sa tubig na iniinom ko. Next year pa pwedeng mangampanya. Kaya as early as now, tinitingnan ko na kung sino ang tume-take advantage sa media para sa exposure. Truly, election is not fun in the Philippines.
tama ka dyan Ms. Melanie. Ang nakakaloka pa dyan, ayon sa COMELEC, wala pa daw nilalabag na batas ang mag politico dahil di pa naman sila formal na nagfa-file ng candidacy.
ReplyDeletesobrang bebang ko dun sa commercial ni Mrs. Villar, haha.
Nobody follows the law or the rules in this country.
ReplyDeletethey dont deserved to be elected. sila pa ang nangungunang pasaway at lumalabag sa batas. pano sila magiging halimbawa sa mga constituents nila kung sila mismo pasaway.
ReplyDelete