Saturday, June 23, 2012

Kinabukasan

Ibinalita last Tuesday sa TV Patrol ang nakakabahalang pagdami ng bagong HIV/AIDS cases. Sampu kada araw na ang nahahawaan nito ayon sa DOH. Nasa mahigit sampung libo na ang reported cases at maaaring madoble ang bilang nito sa hinaharap kung hindi maaagapan.

Maaaring ako, ikaw, sila, tayo ay meron nito ngunit hindi lang natin alam. 'Yung iba, natatakot magpatingin. Paano kung mag-positive? Eh paano kung negative? Hindi mo ba nais maberipika ang katotohanan. Luma man pakinggan pero the truth shall set you free. At merong mga taong willing tumulong sa iyo...

 
Bukas, June 24 ay may HIV testing ang The Love Yourself Project na gaganapin sa Replay Spa, 35 West Avenue, QC. 'Wag mag-alala at confidential ito at libre. Umeffort kang maligo, magbihis at pumunta. Isipin mo na lang, para sa kinabukasan ito hindi lang ng sarili mo kundi ng mga taong nakapaligid sa'yo.

Pindutin dito para sa karagdagang detalye.

4 comments:

  1. www.kwentongmalilibog.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. Ms. M,
    Nakaka-alarma ang balitang ito. Kung sampung katao nagpopositibo sa HIV araw-araw posible tumaas pa ang ibang sa darating pang mga buwan at taon. Lalo siguro sa mga sexually active na nagkakaroon ng multiple partner at doon sa mga infected na patuloy parin ang kanilang gawain.

    Sana naman ang gobyerno maglaan ng panahon at paninindigan para masolusyunan ang paglaganap ng sakit na ito.

    -Mareng Lee

    ReplyDelete
  3. sa mga ate ko mag ingat po tyo lahat,hndi po ntin mlalaman sa itsura ng isang tao kung positive ba sya kya hanggat maaari iwasan po ntin ang mkipag sex kung kani kanino nlang.

    ReplyDelete
  4. Better to be Single forever.

    ReplyDelete