Ipinasa na ni
Gwendolyn Ruais kay
Queenierich Rehman ang titulo bilang
Miss World Philippines. Ang koronasyon ay naganap kagabi sa
Manila Hotel at napanood ng 'sangkabaklaan sa
TV 5. Bukod sa korona at sash, nakapag-uwi din siya ng pitong ispeshal awards:
Best in Swimsuit, Miss Photogenic, Miss Talent (together with Loraine De Guzman), Miss World Traveler, Miss Philippines Prudential, Miss Pantene at
AMAzing Beauty and Brain. Ayaw ng awards sa kanya ah!
First Princess si
Mary Ann Ross Misa, Second Princess si
Vanessa Amman, Third Princess si
April Love Jordan at Fourth Princess naman ang byuti ni
Brenna Gamboa. Ang bongga ng korona nila, parang hinulma sa cup cake.
CHOS!
Sa mga hindi nakakaalam, si Queenie ay ka-batch ni
Shamcey Supsup sa
Bb. Pilipinas 2011 kung saan isa siya sa semifinalists. Siya din ang tinanghal noon bilang Best in Swimsuit. Next month na ang lipad niya papuntang
Ordos, Inner Mongolia para sa
Miss World 2012. Isang malaking
GOODLUCK sa'yo Queenie. Sana ikaw na!
i predicted 4 out of the top 5.hehe.
ReplyDeleteang ganda ni Queenie.
good luck to her.
-Cutie17
Hi Melanie,
ReplyDeleteThanks for featuring Queenie in your blog. I knew i-fefeature mo din siya sometime here. I am very happy with her winning and I really feel that she'll be the first Filipina Miss World. We shall see in August!
xoxo Bessie
Ms. M,
ReplyDeleteBigyan naman natin ng tribute sa blog mo si Direk Mario O' Hara.Para sa mga magagandang pelikula na bininahagi niya sa sambayan.
-Mareng Lee.