Tuesday, May 31, 2011

Kaibuturan

Sasagutin ko ang ilang katanungan na madalas kong marinig. Ang mababasa niyo eh mula sa kaibuturan ng aking malalim na pag-iisip. Gaano kalalim? Basahin niyo na lang.
Shanelle, Martina, Bb. Melanie and Jiggy
Bakit hindi mo itinago ang identity mo sa iyong blog?
--- Para alam na agad ng readers kung ano ang hilatsa ng fes ko. Walang kasinungalingan. Walang pagmamaganda. Pawang kasarapan lamang.

Bakit walang porno sa site mo?
--- Naglipana na ang gay porn site at ayaw ko nang dumagdag. Kapag nagsawa ang mga bakla sa t*t* at ch*paan, pwede nilang basahin ang blog ko. Pantanggal umay kumbaga.

Laos na daw ang mga longheradang bakla tulad mo?
--- Ramdam ko 'yun. Paliit ng paliit ang market kung saan belong ako pero wala akong magagawa. Parte ng pag-inog ng mundo ang pagbabago. Uso ngayon ang discreet gays na malalaki ang maskels. Kabi-kabila na rin ang mga gwapong bisexuals. Nasa sa iyo na lang kung sasabay ka o magpapaiwan.

Ano ang masasabi mo sa mga baklang nagkukunwaring bisexuals para lang maka-booking?
--- Galingan nila ang pagkukunwari para hindi mahalata. Tsaka bawasan ang kapal ng funda. Dapat pantay ang tone sa leeg. At habang may nagaganap na kababalaghan, kagatin nila ang unan upang maiwasang tumili at humalinghing ala Gwen Garci.

Gusto mo bang magkaroon ng sariling pamilya?
--- May pamilya na ako at overpopulated na ang Pilipinas.

Monday, May 30, 2011

Apektado

Sa susunod na buwan ay paiigtingin ng MMDA ang pagbabawal sa mga Pinoy na magsuba sa mga pampublikong lugar. Good news ito para sa katulad ko na ayaw na ayaw sa amoy ng sigarilyo. Dapat ay matagal na itong nagawa ng ahensya pero huli man daw ang matsing, maihahabol pa rin.

'Yun nga lang, apektado ang benta ng kanilang kabuhayan...


*Thanks to Ian Villar of Flickr for the second photo.

Sunday, May 29, 2011

Kumpara

Mas maganda ang pagkakabuo at akting ng mga artista sa pelikulang Anton Tubero kumpara sa ibang gay indie flicks na napanood ko. Kasalukuyan itong palabas sa Robinson's Galleria, Isetann Recto at iba pang sinehan.

Eto ang patikim sa tubo ni Anton...

Saturday, May 28, 2011

Balanse

Matapos akong pahangain ni Maricel Soriano bilang Clarissa sa Kaya Kong Abutin Ang Langit, isa na naman niyang pelikula ang aking pinanood. Ito ay ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Tungkol ito sa isang mag-ama na umampon ng dalawang babae sa magkaibang panahon.

"Pare-pareho lang naman tayo naghahanap ng sulok sa mundo. At sa paghahanap na 'yun, pare-pareho tayong nagkakamali"
Si Diony (Eddie Garcia) ay isang mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Efraim (Gabby Concepcion). Maaga siyang naulila sa kanyang asawa. Isang araw, natagpuan niyang natutulog sa labas ng bahay ang madusing na si Angeli (Maricel Soriano). Inampon niya ito, pinag-aral sa magandang eskwelahan at binigay ano man ang naisin.

Lumuwas sa Maynila mula sa probinsya si Santina (Lorna Tolentino) upang hanapin ang dating amo ng kanyang namatay na ina. Sa mismong debut party ni Angeli nagkakilala sila ni Diony. Agad siya nitong tinanggap at tinulungan. Nagkagustuhan sila ni Efraim at nagkaroon ng relasyon. Dito nagsimula ang nakakalokang twist ng kwento.

May lihim palang pagtingin si Angeli kay Efraim kahit halos sabay na silang lumaki nito. May pagka-incest ang loka! Ginawa niya ang lahat para maagaw ito kay Santina. Nagtagumpay naman siya at sila ay nakasal.

Nangulila si Diony sa kanyang mga anak dahil bumukod ito ng tirahan matapos magpakasal. Natagpuan na lamang niya ang sarili na umiibig kay Santina. Inibig din naman siya nito. Sila'y nagpakasal at nagkaroon ng isang anak.

Ito yata ang kauna-unahang Ishmael Bernal masterpiece na napanood ko. Orihinal ang istorya at balanse ang bawat eksena. Premyadong artista pa ang mga nagsipagganap. Napaka-convincing ni Eddie Garcia bilang isang mabait na tatay. Malditang-maldita naman ang Diamond Star na kabaligtaran ng karakter ni Ms. LT. At si Gabby Concepcion, todo sa pagka-yummy! Kaya nama pala na-inlove si Ate Shawie.

My favorite scene
Paborito kong eksena ang pagkakasampal ni Gabby kay Maricel dahil hinatid ito ng isang lalaki. Bongga ng shifting ng emotions ni Maria. Sobrang galing!

Muli na naman akong pinahanga ng mga lumang pelikula ng ating bansa. Susunod na ang Atsay ni Ate Guy.

Wednesday, May 25, 2011

Saan kaya?

Sa dalawang libong pamantasan sa ating bansa, apat lamang ang pasok sa Top 200 Universities in Asia ng QS 2011 Ranking. Ito ay ang University of the Philippines (#62), Ateneo de Manila University (#65), University of Sto. Tomas (#104) at De La Salle University (#107). Ang ibang unibersidad ay nasa 201+ ang ranking. Wala man lang nakapasok nakapasok sa top 10 o kahit top 50. Parang kahiya-hiya di vaaahhh?! Actually, nakakahiya talaga. Daig pa tayo ng ating mga kapitbalur tulad ng Hong Kong at Singapore na swak sa top 10.

My classmates in PUP
Mukhang hindi na sulit ang binabayad ni Juan Dela Cruz sa matrikula ng kanyang mga anak. Taon-taon tumataas ang tuition fee pero pababa naman ng pababa ang kalidad ng edukasyon sa 'ting bayan. Saan ba napupunta ang binabayad niya? Ano ba ang priority ng mga eskwelahan ngayon?

Airconditioned classrooms ba?

Computer lab na puro Mac ang laman?

Baka naman sa naglalakihang parking spaces?

Pakisagot nga DepEd at CHED

Tuesday, May 24, 2011

Masidhi

Dear Ate Teysi,

Mahal ko si Kevin. Mahal na mahal. Masidhi ang damdamin na aking alay para sa kanya ngunit ito'y hindi niya batid. Nahihirapan po ako ng husto. Parang sasabog na ang aking dibdib sa sikip. Sana'y mapayuhan niyo ako.


Nagmamasarap,
Bb. Melanie

♫♪ Kung maibabalik ko lang
Ang dati mong pagmamahal
Pagka-iingatan ko at aalagaan
Kung maibabalik ko lang
Ang dating ikot nang mundo
Ang gusto ko ako`y
Lagi nalang sa piling mo ♪♫

Interlude

Para sa iyo Bb. Melanie,

Simple lang ang sagot sa iyong problema. Magpakulo ka ng tubig sa takure sabay lagyan mo ng Diatabs tapos laklakin mo. Mukhang hindi ka lang natunawan sa pinagsasabi mo. Ibuhos mo na din sa katawan mo ang tira para matauhan ka.

Nagmamahal,
Ate Teysi

Monday, May 23, 2011

Bakit nalaos ang mga gay bar?

Marahil ay narinig niyo na ng ilang beses ang tanong na 'yan. Aminin man natin o hindi, lipas na ang panahon kung saan dinadagsa ng mga beki ang mga special shows tulad ng BIG NIGHT o SEARCH FOR BURLESK KING atbp. Nag-evolve na kasi ang lahi natin. Para na tayong variety show... iba-iba ng hilig, iba-iba ng hanap. Hindi lahat ay matatagpuan sa loob ng isang madilim na kwarto, may spotlight, maliit na stage at lalaking gumigiling.

Pinoy movies about male dancers and gay bars
Madaming dahilan lung bakit pawala na ang industriyang unang nagpatikim ng ligaya sa ating mga ninuno. Nariyan ang kabi-kabilang bath houses na pwede kang maligo at magpaligo. Naglipana na rin ang malilibog na bisexuals at bisexuals kuno na ang motto ay: "Kainin mo 'ko at kakainin kita". Siyempre, hindi dapat mawala ang mga massage parlors na nag o-offer ng extra service with "natural oil". Isama na rin natin ang online prostitution na easy access kahit kanino. At baka magtampo si titaaah Mikee Enriquez kapag 'di ko siya binanggit. Suki kasi siya ng mga gay bars eh... suki niyang i-raid ang mga ito. AMP!

Sa ngayon, bilang na sa kamay ang mga gay bar na nag-ooperate sa Kamaynilaan. Ilan sa kanila ay nasa Timog, Pasay at Cubao area.

Sunday, May 22, 2011

Missing

Public Service:


For more information, please click here

Taas sabay pagpag

"Ay koya, nalaglag ang suot mo! Teka't itataas ko. Ipagpag na rin natin yan. Eeeiii!" 
--- Bb. Melanie sa pelikulang Tigang sa Tag-ulan

Friday, May 20, 2011

Aalis

Parang nilukuban ako ng langit, lupa impyerno... im... im... impyerno. Sinaksak ang puso ko, tumulo ang dugo... patay... buhay na aalis siya. Oo mga 'teh, aalis na ang pinakamamahal ko patungong Awstralya. Sa 1st week pa naman ng July ang lipad niya pero sobra talaga akong nalulumbay na. Kahit 'di niya knowsline na love ko siya eh keribells lang. Pero ang paglayo niya sa akin ay ibang usapan na (kelan ba siya lumapit sa'yo Melanie?). Hanggang 2013 siya dun mga 'teh. Dalawang taon ng kalungkutan at pighati ang aking bubunuin. Oh my!

♫♪ Babalikang muli
Mga araw at sandali
Kahit wala ka sa `king piling
Iniibig kita
`Yan ang sigaw ng puso ko
Saan ka man naroron pa ♪♫

Saan ba nakakabili ng Malatayong? Balita ko eh mabisa daw 'yun sa pagpapakamatay este pagpatay sa mga anay. Hehehe...

Thursday, May 19, 2011

Proud

Apat na taon na ang nakalilipas ng bilhin ko ang t-shirt na 'to. Hindi pa ako fan ni Ate Guy noon. Ngayon, I'm a certified Noranian and proud to wear this tee. Weehee!

Tuesday, May 17, 2011

Ang Ulan, si Donna Cruz at ang Langis

Ang pagpapatuloy ng teleseryeng puro kaartihan ko. CHARAT!

Click mo dito para sa part one.

May 14, 2011, Sabado:

Umulan. Naunsyami ang lakad. Nagpa-member na lang ako sa linis-bahay gang.

May 15, 2011, Domingo:

Inimbitahan ako ng designer na si June Pugat to attend the Grand Allure fashion show sa Philippine Fashion Week. Isa siya sa magsho-showcase ng kanyang collection for this season. First time kong umattend ng ganitong event kaya namroblema ako kung ano susuotin ko. Dress ko impress daw. NAKA! Eh hindi pa naman ako feshownista. Kesa problemahin ang isang bagay na hindi naman kaproble-problema, nag-casual na lang ako. Hindi naman ako member ng alta de society eh. Kebs ba nila sa akin. Si James naman ang karay ko sa lakwatsang ire.

11 AM sa MRT North EDSA ang meeting place namin. DYASKE! Maximum level ang init ng panahon kaya bago pa ako nakapasok ng tren eh pawisan na watashi. Balak sana naming mag-taxi papuntang MOA ng makarating kami sa Taft station pero wala kaming makitang bakante kaya sumakay na lang kami ng jeep. Pakitang gilas si haring araw. Ayaw paawat sa INET!!!

Mula sa binabaan namin eh walkathon kami papuntang SMX Convention Center. Wala pa sa amin ang invites at hahanapin pa namin yung taong pagkukuhanan namin nito. Sa kakagala namin around the venue, may nakakilala sa byuti ko. Ayun! Napasakamay namin ang imbitasyon.

Pasok na kami agad sa Function Room 4 ng SMX at umupo sa may gilid. Medyo wala pang tao nung una pero napuno din pagkatapos ng ilang minuto. Pang-walo sa lalabas ang creations ni June Pugat kaya inenjoy muna namin ang collections ng mga naunang designers. Impress na impress kami ni James sa sobrang bongga ng mga damit. Puro mga babaita muna ang rumampage sa stage. Tapos biglang pumailanlang sa utak ko ang awitin ni Donna Cruz. Kumabog-kabog ang kepyas este puso ko at tumibok-tibok sabay awit ng...

♫♪ Sharamdaram Shandaram Sharamdaram Shandaram Ooohhh Wooohhh ♪♫

EEEEEHHHHH!!!! Si Kevin my lab so swit lumabas at rumampa. Gusto ko sanang tumili at pumunta sa gitna upang yakapin, hagkan at damhin ang kanyang kabuuan ngunit sinikil ko ang aking naramdaman. Baka sabihin nila may sira-ulo sa audience. Nagpaka-prim and proper na lang aketch (na hindi naman bagay sa 'kin). Ilang beses kong inattempt na pektyuran siya pero nanginginig ang kalamnan ko. Ganun yata talaga kapag mahal mo. NAKS! Ang arti arti ko na naman. Nagtagumpay din ako kinalaunan.

Parang ang haba na nito ah. Sige, iiklian ko na lang. Past 3PM nang matapos ang show at tommy lee jones na kami so nag-late lunch kami ni James sa Congo Grille. Penshoppe ang next na iwa-watch namin pero 7PM pa 'yun so tambay muna sa loob ng kainan at rampa sa loob ng mall. Bago mag-7 eh bumalik na kami sa SMX.

Nakakaloka ang pila para sa registration. Iba pa ang pila para makapasok sa loob. Kahit box-office sa dami ng tao, nagkita at nagkakilala kami ng superstah blogger na si VinVin Jacla. Matapos ang makapatid-varicose veins na pila eh naka-enter din kami. SRO na ang venue. Buti na lang at biniyayaan kami ni Inang Dyosa ng long-legged kaya kahit nakatayo kami eh sight pa rin naman ang stage. 48 years bago mag-start ang show at nung nagsimula na, lahat focused sa mga inirampang damit. Imfernezzz, maganda ang collection ng Penshoppe this season. Makalagpas ang mahigit dalawampung minuto eh lumabas lahat ng modelo at may nagsalita sa gitna. Nagpasalamat siya sa mga nanood. Akala ko, meron pang irarampang damit pero nanatiling akala lang 'yun dahil tapos na pala ang palabas. KALERKA! Matagal pa yung ipinila namin sa labas kesa sa mismong event. 

Biglang nag-ring ang aking ketay. Pinapupunta ako ng frend ko (na itatago nating sa codename: "F") sa Jollibee. May ipapakilala daw siya. Kahit sobrang pagod at kaya ko nang talunin ang Petron sa kapal ng langis sa fes ko eh gumora pa rin kami. JUICE KOH! JUICE KOH! Malayo pa lang eh na-sight ko na ang masarap na ipapakilala ni "F". SYET! Si Richard Pangilinan. SYET ULET! Naglangis ang fake fake ko. Pinakilala kami sa isa't isa at nagkamayan. Ang laki... ang laki-laki... ng braso at kamay niya. Parang gusto kong magpa-rape sa gitna ng Jollibee. Ang gwapo niya at fresh na fresh ang itsu. Kabaligtaran ng hulas at dugyut kong byuti. Nung una eh dyahe pa akong magpa-pektyur pero alang-alang sa inyo eh nilunok ko ang hiya. Mabait siya at hindi ilag sa bading. EEEEEHHHHH!!! Parang mahal ko na siya ulit. CHOS! Gusto ko sanang i-post yung picture naming dalawa pero nahiya ako sa mga gas station sa Pilipinas. Baka malugi sila dahil may mina pala ng gasolina sa mukha ko. Eto na lang ang ipo-post ko, this is all for you mga 'teh...


Da Delicious End. BOW!

Taksikab opens tomorrow

Jess Mendoza and Adrian Sebastian of Taksikab
Simula bukas ay raratsada na sa ilang piling sinehan ang gay indie film na Taksikab. Bida dito sina Kristoffer King, Tony Lapeña, Marcus Cabrera, Dustin Jose at marami pang iba. Magkakaroon ng theater tour ang ilang cast at kung gusto niyo silang masilayan ang kanilang sarap, eto ang schedule nila:
March 18, 2011
1:00 PM - Isetann Recto
2:00 PM - Roben Manila
3:30 PM - Grand Central Caloocan
5:30 PM - Remar Cubao
7:00 PM - Robinson's Galleria
*photo courtesy of Dale Bacar Photography.

Monday, May 16, 2011

Si Kenjie Salvino, mga Libro at Blue Uniform

Viernes, Sabado at Domingo akong bakante mula sa stress at pagod dala ng trabaho kaya naman sinigurado kong relaxation at beautification lang ang magaganap sa tatlong araw na ito. Kwento ko sa inyo ang detalye...

May 13, 2011, Viernes:




Lumabas kami ni Ateh Paul para manood ng indie film. Balak sana naming manood ng Ombre sa Robinson's Galleria (to support her kras Zac Ferrero) kaya lang ay wala na ito sa movie listing nila. Nagbakasakali kami sa Isetann Recto pero wala din. Pinili na lang namin panoorin ang Rigodon sa cinema 5. Medyo maaga pa kami ng konti kaya nag UK muna kami. After that, bumili na kami ng passes. Morayta avenue lang ang tiket sa halagang P130 at may libreng popcorn pa. Promo nila 'yun kapag manonood ka ng sine 6PM onwards. Sulit!

Kakasimula lang ng pelikula ng pumasok kami. Ampogi ni Kenjie Salvino na kumidnap sa bidang mujer. More more lakad sila sa bundok. Konting linya ang kanilang binitawan at naganap na ang pinaka-inaabangan ng indie lovers. Kung nakapanood na kayo ng previous movies ni Lucas Mercado eh alam niyo na siguro ang takbo ng istorya nito kaya shatap na me. Basta, wala pang isang oras eh tapos na ang pelikula. Mahaba pa ang Mara Clara sa TV. Halatang chinap-chop na ng MTRCB. Panay kasi zoom-in at pinagpatong-patong ang ilang eksena kaya ang gulo-gulo ng pinanood namin. Hay...

Since wala pang ala-siete ng gabi, we decided to watch another film. Bet ni Ateh Paul ang Lamog starring Maui Taylor kaya gora kami sa Robinson's Manila to check kung palabas ito doon. Medyo na-trapik kami bilang pinuno pa ni manong driver ang jeep sa harap ng Quiapo Church. First time ko sa mall na 'to kaya excited aketch. Pagkarating namin, we found out na hindi pa pala palabas ang movie ni Ateh Maui. Naglibot na lang kami. Todo ang laki nito kumpara sa Galleria. Good thing na parehas kaming mahilig sa libro at babasahin ni Ateh Paul kaya go kami agad sa Booksale. Hilig niya ang coffee table books samantalang magazines ang interes ko. Wala akong nabili dahil ang arti-arti ko sa pagpili. Dalawang hard bound books ang nabili ni Ateh Paul.

Dahil hindi namin alam kung kelan kami babalik sa mall na 'to, sinuyod namin ang lahat ng tindahang nagbebenta ng libro. Powerbooks ang next destination namin. Buti naman at may nagustuhan ako sa mga sale items nila. Dalawang aklat ang nabili ko about advertising. Perfek ito to refresh my mind about the course I took in college. Medyo nakalimutan ko na kasi eh. 
Naramdaman naming nagririgodon na ang mga bulate at paa namin kaya lumaps na kami sa KFC. Hindi lang tiyan namin ang nabusog kundi pati mga mata namin. Ang daming masasarap na ohms (burp!). Hindi rin patatalo sa lasa ang mga security personnels in their blue uniform. May naaalala ako sa suot nila. Kayo din ba?

Matapos naming mabundat, napagpasiyahan na naming umuwi. Magsasara na kasi ang mall dahil lagpas alas-diyes na ng gabi. Ayaw na ayaw ko ang feeling ng nasasarhan lalo na kapag naririnig ko yung tunog pag binababa na yung bakal na sarahan ng mga tindahan. Nagpapanic aketch.

Itutuloy...

Sunday, May 15, 2011

Powerful

Sa dinami dami ng tablet PC's na nagsisilabasan ngayon...


...sa kanya pa rin ang pinaka-powerful.


Have a blessed Sunday mga 'teh (",)

Saturday, May 14, 2011

Arti much

Mike in Spain
Miss na miss ko na siya ngunit talagang kailangan kong magpakalayo layo. Sapagkat kung hindi... lalo lamang akong mahuhulog sa bitag ng kanyang sarap.

♫♪ I was only thinkin' of you
Hopin' you were thinkin' of me
Two hearts beating just like one
Against the world
Baby...

I am always dreamin' of you
Hoping you are dreamin' of me
I could never live
One day without your love ♫♪

Ang arti arti ko, ba't di kaya ako mag-artista? CHOS!




Cradle is a single from Atomic Kitten's debut album, Right Now.

Thursday, May 12, 2011

Pancit Kanton

Kaabang-abang talaga ang mga promo at official pictures ng mga kandidato sa iba't ibang bikini contests. May ibang conservative at may iba namang halos ipangalandakan na ang hotsilog. Preferred ko yung huli kesa una kasi mas nakakabusog.

Habang sinusuyod ko ang Fesbook, may natagpuan akong litrato ng mga masasarap na ohms. Hindi sila naka-bikini mga 'teh however (however talaga!?!) hindi tayo mabibitin sapagkat ang ilan sa kanila ay may handang pancit kanton. Take a look...

Clark
Jayson
The notable delicacies...

Nico and Mikee
Jared and Martin
Iilan lamang sila sa maglalaban-laban sa ika-dalawampu't dalawa ng buwang kasalukuyan upang makamit ang korona bilang Manila's Man of the Year. 100 kiaw daw ang bonggang premyo ng mananalo. Mayaman!

Pindutin mo ditekla para sa karagdagang detalye at masight ang ibang candidates.

Tuesday, May 10, 2011

Krimen

ABA! ABA! ABA! Ano 'tong "Anti-Homosexuality Bill" sa Uganda na gagawin daw krimen ang pagiging miyembro ng lahing veklas? Absurd di vaaahhh!?! Eto pa ang mas bongga, kapag napatunayang may HIV ka, maaaring bitay ang ipapataw na parusa sa'yo. NAKAKALOKA! Todong nakakababa naman ng morale 'yan! Kahit hindi naman ako taga-Uganda, I feel for our shupatembas sa bansang 'yan. 

Basahin niyo ang kumpletong panukalang batas dito.

Kung kayo ay ultra mega super (hindi market) against dito, sign a petition here. 

Monday, May 9, 2011

Korte sa Avenida

Ang sarap ng malamig na panahon sa peak ng summer season. Para kang binuhusan ng malamig na tubig sa gitna ng impyerno. Ang heavygat ng katawan at nakakatamad bumangon sa kama. Gusto lang humilata buong maghapon at magdamag. Mas masarap sana kung may kayakap at kachukchakan. Ngunit kung wala, magsenti-sentihan na lang sa tabi ng bintana. Tara't kumuha tayo ng kopita, maglagay ng tatlong bloke ng yelo, salinan ng White Castle whisky at magbalik-tanaw sa nakalipas...

Original post date: Sunday, January 24, 2010 at 6:10am
Where: Facebook
Title: Korte sa Avenida

Kagabi, nanonood ako ng PBB Live Eviction Night. Patalastas. Nilipat ko sa Kapuso. Imbestigador. Last expose na ng show nila.

Parang pamilyar sa akin. Yung stage. Yung pinto. Lalo na yung hagdang kahoy.

OMG! Kinabahan ako. Patalastas.

Hindi ko na binalik sa PBB. Inantay ko na matapos ang mga komersyal. At eto na nga... Naloka ako...

Men's Court sa Avenida, Manila ni-raid ng mga pulis with Imbestigador. OMG! (again)

Kagagaling lang namin dun. Last month. Bagong bukas. Ti-next ako ng kung sino. Punta ako kasama ng dalawang friend ko. Enjoy naman. Mabait ang floor manager slash gay impersonator. Pwedeng pwede sa mga tipo kong ang kayang i-tip eh hanggang 50 pesos lang (pilit pa yun ah). Hindi classy at high end pero keri na sa mga puritang tulad ko. Cute nga mga MD dun eh. May chaka din naman. Hehehe...

Sad lang. Ni-raid siya. Hinuli ang mga MD's pati na ang ka-vibes kong floor manager (na sinungaling yata).

Bongga pa naman ang mga show nila. Lalo na ang mga Big Nights nila.

Hay. Basta. Nakakahinayang. One of a kind pa naman yung korte na yun.

Korte kung saan willing akong masintensyahan.

Sayang.

Pero at least, na-experience ko siya bago mawala sa mapa ng Avenida.

Sunday, May 8, 2011

Araw ni Mama

Hindi madaling tanggapin ng kahit sinong magulang na ang kanilang anak ay isang bakla...

Bb. Melanie with her wonder mom
...pero hindi sa mama ko. Kaya naman lab na lab ko siya.

HAPPY MOTHER'S DAY TO ALL!!!

Kaya Kong Abutin Ang Langit

Ang gusto ko sa isang lalaki ay masarap... masarap na masarap. 'Yung kayang tapatan ang lasa ko. Kailangan din na nuknukan siya ng yaman upang mabili niya ang mga bituin sa langit upang ihandog sa byuti ko. Ganyan ako ka-ambisyosa. Pero may tumalo sa akin... si Clarissa Rosales.

"Dahil hindi ako katulad ninyo na kuntento na lang sa miserableng buhay na 'to. Sawang-sawa na ako sa bahong nakapaligid sa lugar na 'to. Gusto ko nang makawala sa pagbubuhay daga natin at walang makakapigil sa akin ikaw man o si inay. Kaya kung mag-ambisyon man ako, karapatan ko lang 'yun at pabayaan niyo ko dahil kapag nagtagal pa ako sa lugar na 'to... gagalisin ako."

Hindi ko kinaya ang karakter na ginampanan ni Maricel Soriano sa pelikulang itech. Saksakan ng sama at ubod ng ganid. Talagang nakakagalit! Talikuran ba naman ang sariling pamilya para sa ikagaganda ng kanyang buhay. Idagdag mo pang isa-isa niyang tsinugi ang miyembro ng pamilyang kumupkop sa kanya para mapasakanya ang mga ari-arian nito. Isa siyang perpektong ehemplo para sa mga nagnanais maging sushal climbers. At kahit mamamatay na ang kanyang ina, dedma siya dito. GRABE! Ibang level ang kasamaan. Walang sinabi ang bida-kontrabidang si Rubi sa kanya

Thursday, May 5, 2011

Piñakamasarap

Mamayang alas-otso na ang bakbakan ng delicious Cebuanos para makamit ang titulo bilang Mr. & Ms. EcoTourism (The Mossimo Bikini Summit). Gaganapin ito sa Teatro Casino ng Waterfront Hotel. Excited much na me para sa bonggang mananalo dahil ipapadala sila sa national version ng kumpetisyon.

Apat ang original bet(log) ko nung nakaraan pero dalawa na lang sila ngayon. Feelingerang hurado lang akekels. Sila kasi ang piñakamasarap para sa 'kin... Jesse Cortes and David Sommerauer.

Ngayon pa lang, waging-wagi na sila... sa puso ko. NAKS!

Gusto kong gawing souvenir yung printed bikinis nila. 'Yung labahan pa ah! CHAROT!

Monday, May 2, 2011

Bikini Model 2011

There's an online competition na magaganap at hindi ito Dota o Battle Realms mga 'teh because it's a bikini showdown. 

Kasabay ng 1st year blogoversary ng The Queer Lifestyle ay ang launch ng Bikini Model 2011 Online Search. Madali lamang ang pagsali kaya kung interesado you, click mo here. 

Kylie... Live in Manila

THIS IS IT! First time ni Kylie na mag-concert sa Pinas kaya dapat ko 'tong panoorin. Siya kasi ang ultimate gay icon ko eh. Did It Again, Spinning Around, Love At First Sight, Obsession at On A Night Like This ang ilan lang sa mga peborit kong kanta ni Ms. Minogue.

Sa May 6 (Friday) pa magiging available ang tiket ng concert. Wish ko lang na swak sa budget ang presyo. Keri na kahit sa General Admission ako basta ma-experience ko lang ang konsyerto niya. Eeeeiiii....

*Screencap is from Kylie's website.
*Tikets will be available at TicketNet.

Sunday, May 1, 2011

Kumot

Labor day.

Kasabay ng araw na ito ang kabi-kabilang rally upang hilingin sa gobyerno na itaas ang sweldo. Panay kasi ang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at hindi na alam ni Juan Dela Cruz kung paano pagkakasyahin ang P204 - P404* minimum wage kada araw. Wala namang malinaw na sey si PNoy kanina sa kanyang speech for this special day. Wala kasing garantiya kung magkakaroon o wala.

Ayon sa mga negosyante, imposible ang umento sa sahod. Sila man ay apektado din ng implasyon. Kung ipagpipilitan daw ito, maaari silang magbawas ng empleyado o ang mas malala... ang pagsasara ng negosyo. Kaya naman ang ilan sa atin, sinasabing 'wag na lang itaas ang sahod kung ang kapalit naman ay mahaba-habang bakasyon sa isla ng umemployment. 

Tanong lang: Magbabago pa kaya ang motto ni Juan na "kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot"? 

*Based on the Summary of Current Regional Daily Minimum Wage Rates on DOLE's website. 

Pansin 2.0

Kung nakapagsasalita lang ang Google, tinalakan na siguro ako nito sa kakasearch ko maya't maya kay Prince Harry. Kasheee naman siya eh, walang tigil ang paglandi sa akin. ECHOS! Nabasa ko na yata lahat ng pwedeng mabasa tungkol sa kanya. Siya ang tinaguriang "the wild one" sa kanilang dalawa ni Prince William dahil sa dalas niyang gumimik. Ay! Gusto ko yan! HUWAAAYLD!

Nalaman ko din na kapag dugong bughaw ka, dapat ay prim, proper and firm ang iyong kilos at galaw dahil ika'y tinitingala. Gosh! Kaya ko bang kalimutan ang pagiging pokpok alang-alang kay Prince Harry? CHARAT!

Siyempre, hindi siya nakaligtas sa aking masusing pagsisiyasat. Sa tulong niyo mga 'teh at ng SOCO, tara't suriin natin ang larawang ito:

Ano? May napansin ba kayo? Kasi ako meron.

*BURP*

EXCUSE ME PO!!!

Kung hindi niyo pa nakikita ang nakita ko, pindutin niyo ang pektyur para sa mas malinaw na ibidinsiya.