May hangover pa rin akiz sa
The Greatest Hits concert noong Sabado.
|
Blue |
8 PM ang simula ng konsiyerto. Kasama ko si superfriend
Charie na manonood. Nauna siya sa venue bilang nagpa-fresh pa ako sa balay. Iniisip ko kasi na baka singhutin ako ni
Lee Ryan kaya dapat mabango. Luka-luka lang! Sa kakapa-fresh ko, napanis tuloy si Charie sa kakaantay sa akin sa harap ng coliseum. Wala pa kaming tickets dahil todong umasa kami na manalo sa mga sinalihan naming pakontes. Olats naman ang ending.
Dumating ako bandang 7:30 PM na. Pagtingin namin sa LCD screen ng ticket booth, SOLD-OUT na ang General Admission. Maluha-luha ako sa nakita ko.
JUICE KOH! Hindi pwedeng hindi namin sila mapanood kaya kahit waley sa budjey, 'dun na lang kami sa one five na pwesto. Eh nag-aalangan pa ako kaya 'di muna kami bumili. Pagtingin namin ulit sa LCD, ang SOLD-OUT ay napalitan ng 530. Meron pang tickets.
MAY HIMALA! Totoo ang himala! Kaya dali-dali ko nang ginrab ang dalawa sa anim na natitirang tickets.
Napuno ang tuktok ng coliseo ng mga die-hard fans. College students at mga yuppies ang karamihan. Wala nang maupuan. Nagtiyaga na lang kaming umupo sa pinakataas na parte. Nagbaon ako ng diyaryo para magamit. Girl scout lang.
Si
Jeff Timmons ang unang nagperform. Medyo nabitin ang tao dahil iilan lang ang kinanta niya. Dalawa pa doon ay hindi kanta ng
98 Degrees. Swerti ni girlet from the audience na personal na pinili ni Jeff para haranahin on stage singing
I Do.
Next performer ang
A1.
JUICE KOH! Parang magigiba ang Araneta sa lakas ng sigawan ng mga utaw. Kung nabitin kami kay Jeff Timmons, busog na busog naman kami sa kanilang performance.Halos lahat ng sumikat nilang kanta eh tinugtog nila. May bonus pa na
Pokerface at
I Gotta Feeling. Ang pogi pogi ni
Ben Adams! Nakakakilig pa rin. Todo bigay naman sa pagtipa ng organ at pag-awit si
Mark Read. Walang kasing kinis ang fes! Keri lang naman si
Christian. Arti pa ba ako?
Eto na,
ETO NA TALAGA! Hindi pa lumalabas ang
Blue, ninenerbiyos na ako. Bonggang palpitation ang heart ko dahil sa wakas makikita ko na si
Lee Ryan. At lumabas na nga sila!
EEEEHHHHH!!! Formal formalan sila sa kanilang unang outfit. Sigaw talaga ako ng
"LEEEEEEEE". Na-dehydrate ako sa pagwater-water sa sobrang kilig lalo na ng kinanta nila ang You Make Me Wanna. Wanna ako sa huwisyo.
Nagpalit sila ng attire after ng first set. Ibinalik nila ang kanilang look noong early 2000's. Kakakilig si Lee habang nilalandi ang audience. Ang junjun ni
Duncan, bakat na bakat. Nalelerki ang crowd kapag gumigiling siya.
SARAP!
Mag-aalas dose na natapos ang concert. Walang sinabi ang Olay dahil halos sampung taon ang ibinata ng audience sa panonood ng concert. Next time na bumalik sila, kailangan nasa VIP area na kami. Pag-iipunan ko talaga!