What a coincidence! Real life story din pala ang second movie na pinanood ko at starring din si
Matt Ranillo.
|
"Nakapagdesisyon na ako, mali 'tong ginagawa natin..." |
Early 90's nang mauso ang massacre movies based on true events at isa dito ang karumal-dumal na pagpaslang kay
Elsa Santos Castillo. Natagpuan ang hati-hati niyang bangkay sa isang bakanteng lote. Todong pinag-usapan at sinubaybayan ang kasong 'yan na isinapelikula not once but twice. Una ang version ni
Kris Aquino:
The Elsa Castillo Story... Ang Katotohanan directed by
Laurice Guillen at ang pangalawa ay kay
Lorna Tolentino: The Elsa Santos Castillo Story Chop-Chop Lady under the direction of
Edgardo Vinarao. As far as I can remember, last week of January 1994 pinalabas 'yung kay Kris at first week of February naman kay LT.
Medyo bitin lang ang story siguro dahil hindi pa tapos 'yung kaso during that time kaya hindi pinakita kung anong nangyari sa kaso at suspek. LT defines the word
ageless. Kung ano ang itsura niya dati, ganun pa rin hanggang ngayon.
Kung tipo niyo ang hindi ma-take makakita ng gruesome scenes, I suggest 'wag niyong balakin panoorin 'to. Nakakashokot 'yung last part dahil sa ginamit na props as body parts especially the head.
YAY!
di ko to pinanood teh mas pinanood ko yung kay Kris. anyway ito yung benchmark ng pagiging malabnaw ng dating super close na sina LT at Kris. kasi nga iisang project pareho sila gumanap at pinalaki nalng ng mga inriga nung tym na yun. hindi na ulit nabalik yung super closeness nila sa isa't isa. :-(
ReplyDelete