Blooming si lolah Leila while answering the questions. Hindi naiwasang itanong ang 'di niya pagkilala sa TRO ng SC sa pangingibang bansa ni Ateh Glo noong 2011. Kung ako ang tatanungin, ang pangit makita na isang saksi laban sa dating CJ ang ngayon eh nag-aambisyon sa nabakanteng pwesto. Nasaan ang delikadesa?
Bet ko naman ang mga plano ni DLSU Law Dean Manuel Diokno na kapag final na ang SC decision eh 'wag nang babaliin at murang hustisya para sa lahat. Isa pa sa nagustuhan ko ang final interviewee na si Atty. Katrina Legarda. Pangarap daw niyang isulong ang korteng pampamilya at age-appropriate sex education.
Labing-anim pa ang sasalang sa hot seat hanggang Viernes. Tingnan natin kung sino pa sa kanila ang aprub o disaprub sa taong bayan.
yung interview si de lima tungkol sa tro ni ate glo..kung bakit hindi nya pinaliwalaan ang (supremo) supreme court at tinutulan nya...hindi ko maintindihan ang sagot ni de lima...ewan ko.. siguro dahil hindi aq abugado..
ReplyDelete