Tuesday, July 10, 2012

Paalam, Hari ng Komedya

Image courtesy of Cinemarathon
Pinapanood ko lang 'to kaninang tanghali pero 'di ko akalain na kinagabihan pala, pupunta na sa langit ang Hari ng Komedya. 'Di mabibilang kung ilang beses tayong humagalpak sa kanyang mga pelikula at palabas sa telebisyon.

Nakakaiyak ang paglisan sa mundo ni Mang Dolphy. Hindi kumpleto ang kabataan ko kung hindi ko napapanood ang Home Along Da Riles every Thursday night. Ang buhay ni Kevin Cosme at nang sandamakmak niyang anak, ang aalog-alog nilang tirahan sa gilid ng riles, ang pagtatrabaho niya bilang janitor/messenger sa opisina nina Hilary at Steve at ang linggo-linggong paglandi sa kanya ni Azon.

But more than that, malaki ang kontribusyon niya sa pagrespeto ng mga Pinoy sa bakla. Tunay niyang sinalamin ang ating buhay sa mga pelikulang Facifica Falafay, Ang Tatay kong Nanay, Darna Kuno, Markova atbp. Pinortray niya tayo ng may mataas na respeto at pagmamahal. Kailanman ay 'di nabastos ang ating pagkatao sa kanyang pagpapel bilang tayo.

Mananatili ka sa aming puso Pidol. Paalam at Maraming Salamat!

2 comments:

  1. R.I.P Comedy King

    ReplyDelete
  2. he'll always be Kevin Cosme to me. Thank you for making us laugh.

    ReplyDelete