Panay ang bagsak ng ulan nitong nakaraang araw. Habang maingay ang patak sa bubungan, sinabayan ko ito ng panonood ng dalawang klasikong pelikulang Piilipino. Una diyan ang
MMFF entry ni
Ate Vi noong 1978, ang
Rubia Servios.
Tungkol sa obsessive love ang istorya ng pelikula na hango sa totoong buhay. Si
Willy (Philip Salvador) ay masugid na manliligaw ni
Rubia (Vilma Santos) na kasintahan naman ni
Norman (Matt Ranillo). Kahit alam ni lalaki na committed si babae, pursigido pa rin siya sa pangungulit dito. Sa sobrang intense ng nararamdaman niya, nauwi ito sa pangingidnap at panggagahasa sa babaing minamahal. Nasentensyahan man ng anim na taong pagkakakulong, hindi pa rin nagbago ang damdamin niya kay Rubia.
|
"Norman, si Willie. Ayaw kong madamay ka." |
Ate Vi gave a stellar performance in this movie. Ramdam mo ang hinagpis at takot ng kanyang karakter. Paborito ko ang breakdown scene sa kama habang pinagtatapat niya kay Norman ang muling pangungulit ni Willy. Medyo stiff ang portrayal ni
Ipe bilang Willy. Convinced naman ako sa goody-goody role ni
Matt Ranillo.
Nakatatak na sa solid fans nina
Vilma at
Nora ang tagisan ng dalawa para sa
Best Performer award ng 1978 MMFF. Walang best actor best actress award kundi 'yan lang kaya todo ang pressure. At isang beses lang 'yan nangyari sa kasaysayan ng MMFF. Sa huli, si Ate Guy ang nag-uwi ng bonggang parangal para sa pelikulang
Atsay.
Susunod: The Elsa Santos Castillo Story: Chop-Chop Lady
No comments:
Post a Comment