Friday, July 13, 2012

Pundido

Pasado ala-una ng madaling araw kanina nang ako'y makababa ng bus pauwi galing Makati. Tatlo kaming bumaba at parehong tumawid sa kabilang kalsada. Nagmamadali 'yung isa sa paglalakad pero 'tong isa, sinabayan ang lakad ko. Hhhmmm... I smell aurora semilla. Pero nakiramdam muna ako at baka sabihin na assuming much aketch, May I look ako sa kanan to observe his physical appearance... katamtaman ang taas, payat, naka-black slacks at may backpack. Dumaan kami sa posteng pundido ang ilaw. Dito na ako naglakas loob na lingunin siya. 'Di naman ako nabigo at tumingin siya sa aking gawi. Sey ako ng...

"Hello!" 

Ngumiti siya. THIS IS IT! Rush of blood due to excitement. CHOS! The conversation started kung saan siya nakatira, anong trabaho niya at kung ilang taon na siya. Importante sa akin ang last question dahil 'di ko bet ma-Bantay Bata. Buti na lang at of legal age na siya.

"Meron ka ba diyan? Kahit four hundred lang"

Malas at sakto na lang ang dala ko pambaon hanggang sa susunod na sahod. Wala naman akong balak umabsent sa trabaho para lang sa booking.

"Naku, wala eh. Next time na lang"

Hindi naman siya nagpumilit. Sabay pa rin kaming naglakad at nang malapit na kami sa 24 hours na tapsihan...

"Nagugutom kasi ako eh"

"Oh sige, halika kain muna tayo"

Image from Plato de Paquita
Footlongsilog ang order niya. 'Di naman ako nagugutom pero awkward naman kung titingnan ko lang siyang kumain. Pareho na lang ng sa kanya ang inorder ko. Walang softdrinks na tinda. Sige, malamig na tubig na lang. Ako na ang namili ng pwesto namin. Doon sa may bandang dulo. Naupo ako sa tapat niya.

"Dito ka, tabi tayo"

"Sige sige, mamaya na lang. Pag dumating na 'yung pagkain"

Gusto ko na ayaw kong tumabi. Kakaconcious kasi 'yung tingin ng isang serbidor. Parang alam niyang aura ko ang kasama ko. 'Di kasi ako sanay eh. Habang nag-aantay, inusisa ko muna siya about his work at tungkol sa bonggang experiences niya about us.

"Okay lang sa akin. Hindi ko naman ginagawa 'to madalas. Kapag napag-tripan lang. Siguro mga dalawang beses sa isang taon lang."

Ilang sandali lang at dumating na ang order namin. Agad niyang inumpisahan ang pagkain. 'Yung isang hiwa ng footlong na longganisa pala ang pinagdiskitahan ko. Todong magana siya. Mukhang bitin pa yata kaya binigay ko na sa kanya 'yung akin. While watching him, unti-unti kong naramdaman na nagsubside ang excitement na kanina eh overpouring.

"Kain ka pa. Eto ang sabaw oh"

Binalak kong kunin ang number niya pero wala daw siyang cellphone. Naholdap daw siya nung isang araw. Sinulat ko na lang sa papel ang number ko at binigay sa kanya.

"Pangalan mo?" sabay balik sa akin ng papel.

"Mel" ang isinulat ko.

Tinago niya ang papel sa kanyang bag. Natapos na din siyang kumain. Mukhang solb na solb. Tinake home pa ang natirang ulam. Tumayo na kami at sabay na umuwi.

"Kung gusto mo, sukatin mo pa eh"

"Saan naman?" oh tukso, layuan mo akooohhhh....

"May kasama ka ba sa bahay?"

"Di pwede dun."

"Kahit sa mga gilid-gilid na lang"

"Next time na lang"

Dumating na kami sa kanto kung saan liliko ako. Pa-derecho ang daan niya.

"Sige Mel, salamat sa libre mo ah"

"Bye!"

Walang lingon-lingon na ako'y umuwi.

The End.

12 comments:

  1. Myrna M, mag-iingat ka. Iba ang panahon ngayon. At konting disiplina sa katawan.

    ReplyDelete
  2. buti na lang nagpalibre lang..
    ang lakas ng loob mo Ate M..scared much aketch pag ganyang gabi tapos may sumasabay na mensu..
    di pa naman ako marunong ng kahit anong martial art..lol

    ReplyDelete
  3. Plato de paquita?san ba un teh?sa sampaloc ba un?parang usto ko rin ng footlongsilog eh

    ReplyDelete
  4. -Teh Froglita at Mack Vergil, siyempre teritoryo ko 'yun at may mangilan-ngilan pang tao sa paligid kaya malakas loob ko.

    -Teh Anonymous, hiniram ko lang 'yung image sa website ng Plato de Paquita. Wit kami dun kumain :)

    ReplyDelete
  5. ngtake home pa ng ulam burger teh? sana nagpatakehome ka na din saknya kasama ng sabaw ahihihi... ikaw na ang matimtiman sana tinouchflicks mo man lng:)

    ReplyDelete
  6. natakot ako when that time noong naghahanap ako ng pirated dvd, dyan lang sa Lrt malapit sa monumento pag-akyat na akyat ko ng hagdan tumambab sa akin yung mga tambay na lalaki do'n dahil nga maputi, maayos at o.a manamit di mo maiwasan na pagkamalan akong naghahanap ng aliw.

    Lumapit sa akin yung isang lalaki parang adik pero maskulado yung katawan kung baga average looking,

    "Gusto mo ng Boy?" sa mga salitang yan nanginig ako at nanlamig

    "anung boy?"

    "Tara dun tayo?" akala ko sa isang is-tall pero nang papunta na kami sa isang sulok, do'n nako nagtaka hindi tanaw ang labas kung baga tago, nagulat ako dahil may mga lalaki ring lumabas don pansin mo na talaga may nangyayari dong kamunduhan.

    Sa tindi nang takot ko kahit may itsura pa siya, kahit built pa siya, nangibabaw ang takot ko, inintay ko siyang makapasok at sabay lakad paalis.

    "oy! saan ka puputa?"

    binilisan ko talaga paalis hindi na ako lumingon.

    One time naalala kong kinuwento sa kin nang kaklase habang tinutukso ako ng chups-chups ko raw siya at magpacanton daw ako, "Pumunta raw ako sa Mall na yon" sabay tawa ewan ko ba alam nilang may ganoon don' ngayon alam ko na.

    Yoon ang pinakanakakatakot na nangyari sa akin.

    ReplyDelete
  7. teh melanie pagong na pagong ka naman, sana touch therapy mo man lang.

    ReplyDelete
  8. -Teh Dara at Anonymous July 14, 2012 3:55 PM, sinubukan kong magpakadisente. CHAREEENG!!!

    -Teh Anonymous July 14, 2012 1:02 PM, kyorkot naman 'yan teh pero buti na lang at nakaiwas ka agad. Rule of the thumb sa aurahan: IKAW ANG BOSS. Tagasunod lamang sila sa ipagu-utos mo.

    ReplyDelete
  9. Teh, ayhetchu for these kind of stories... kasi hindi ka na nagbibigay ng updates gaya nung sa deaf mute months ago. Hihihi. Love u teh. More power!!!

    ReplyDelete
  10. Medyo kinabahan ako na kinilig na ewan ba.Magiingat ka mel lalo na sa mga time na ganyan..Bute nagpalibre lang ng food.
    Kalurkey.


    -Tagamasid Pampurok-

    ReplyDelete
  11. "Rule of the thumb sa aurahan: IKAW ANG BOSS. Tagasunod lamang sila sa ipagu-utos mo. "


    HOOOOONGTOROY!!!

    ReplyDelete
  12. naku kung sa akin yan... basta involved ang words na PERA, CASH, HOW MUCH

    ni ano wala mapapala ang kausap ko... gagawin ko pag kinati uwi ako sa bahay, salang ng m2m at magbati. same results hahaha

    ReplyDelete