Tuesday, July 10, 2012

Ang multo at ang dilaw na linya

Sinuspinde ng ombudsman sina Quezon City councilors Roderick Paulate, Francisco Calalay Jr. at dalawang liaison officer dahil sa isyu ng 'ghost employee'. Sa mga 'di knowsline kung ano ba 'yan eh simple lang: kunwari may empleyado silang pinapasweldo pero ang totoo... WA-I! So saan napupunta ang dinedeclare nilang sahod ng mga multong empleyado? AY! Alam kong alam niyo ang sagot diyan. KALOKA!

Todong hinigpitan na ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang yellow lane sa EDSA. Bawal lumabas sa first at second lane ang mga bus o umakyat sa flyover at umilalim sa tunnel or else, HULI SILA! Kawawa naman ang mga pasaherong araw-araw eh sakay niyan. Fresh kang umalis ng balur pero walang kasing bilasa pagdating sa opisina dahil sa tagal ng biyahe. Well, andiyan naman ang MRT to the rescue. 'Yun nga lang, kelangan mo rin ng sandamakmak na pasensya during peak hours at jampacked ang pila diyan na abot hanggang EDSA. Nabilad ka na sa init, sininghot mo pa ang polusyon. Ang healthy de vaahhh?!

2 comments:

  1. nagkamali ang mmda... dapat ang isipin nila kung papaano mapapaluwag na EDSA dahil sa susunod na mga taon lalo dadami ang volume ng mga sasakyan hindi lan sa edsa..kundi sa lahat ng

    ReplyDelete
  2. hay nako Ateng M, i had my share of headache with this new traffic guidelines chuva ek-ek..
    may inaasikaso kasi kami ni mudra sa kyusi at nang papauwi na kami sa laguna eh nahilong talilong talaga aketch yesterday. pinagsisihan ko talaga kahapon na bus ang sinakyan namin, ordinary pa! sigh!

    ReplyDelete