Wednesday, July 30, 2014

Planner

#1 sa US box-office ngayon ang pelikulang Lucy (hindi Torres) starring Scarlett Johansson. Walang binatbat ang maskels ni Hercules na pumangalawa sa pwesto. Kwento 'yan ng babaeng ginawang drug mule tapos nagkaroon ng bonggang powers. Abril pa lang eh andaming nang excited mapanood 'yan at kung 'di pa 'yan naka-sched sa inyong planner, iniimbitahan ko kayo sa special screening for a cause na gaganapin sa Robinson Galleria on August 17, Sunday at 7PM. This is for the benefit of SPED students of Pasig.

Hopefully ay makagora kayo dito mga ateng! A total of 120 students ang masusuportahan ng proyekto kaya let's make it a successful event. Nag-enjoy na kayo, todong nakatulong pa ang panonood niyo. 


For ticket inquiries, please contact Christian - 0949-3555570 or Arline - 0922-8907212.

Monday, July 28, 2014

Hilig

Dali mga ateng! Mahalagang mapanood niyo ang video na itey...


NAKAKATAKOT. May ganito na palang grupo ng mamamatay beki ngayon. 'Sangdaang milyon na tayo pero 'di naman yata ito ang tamang paraan para mapigilan ang populasyon. Ang todong nakakaloka eh may listahan pa sila. Ibig sabihin eh pinagplanuhan ang gagawin. Nag-research ng bibiktimahin. Buti at bago nalimas 'yung nasa listahan eh agad naagapan ng kinauukulan.

Kaya mga ateng, ingat-ingat sa mga nakikilala sa social media hindi lang sa Facebook kundi sa iba't ibang apps na i-da-download. Nagkalat ang tukso diyan. Though 'di maiiwasang kiligin kapag may otokong nag-add o inapprove ang iyong friend request tapos nag-view, poke, like, favorite, wink sa pics at posts mo, still they're considered strangers. I-PM ka man nila, 'wag magpapa-uto sa mabubulaklak na pambobola. Pakiramdaman ng maigi. Mas mabuti nang nag-iingat dahil baka ang inaakala mong dilig ay siya palang puputol sa iyong hilig.

Saturday, July 26, 2014

Pedal

Dumating ang parcel notice ng latest order ko sa Amazon. Dahil excited, agad akong nagbihis para kunin ang package sa post office bandang NIA-Kamuning. Usually nilalakad ko na lang 'to pagbaba ng bus pero dahil katirikan ng araw at sayang ang papaya soap, sumakay ako ng pedicab. Babae ang driver sa unahan ng pila. Though hindi na bago ang ganyan dahil invaded na nila ang jeep at tricycle, nagulat pa rin ako.

Habang umaandar kami...

"Ate pwede magtanong? Ilan taon ka na?"

"Twenty three."

Medyo matapang ang pagkakasabi niya. Hindi na ako nag-follow up question at baka saan ako dalhin. Infernezzz swabe mag-drive si ate. Napatingin ako sa pedal habang iniikot ng mga paa niya. Ang hirap yata. Paano pa kung majubis ang sakay niya.

Mas bata siya sa akin ng anim na taon. 'Di ko naiwasang ikumpara ang sarili sa kanya. Ako, sa de-aircon na opisina namamasukan. Siya, babad sa araw sa pag-aantay ng pasahero. Naisip ko, ano kayang prioridad niya sa buhay? Ang may makain sa hapag tatlong beses isang araw? Ang mabayaran ang buwanang renta? Ang matustusan ang pangangailan ng pamilya? Kung ganun din naman, pareho pala kami. Nagkataon lang na magkaiba ang lugar kung saan kami kumikita pero 'di nangangahulugang malaki ang aming agwat sa buhay.

Teka bababa na pala ako.

"Ate eto ang bayad."

Thursday, July 24, 2014

Sahog

Bawat taon ay palakas nang palakas ang hatak sa manonood ng Cinemalaya Film Festival. Ngayon ay nasa ika-sampung taon na ito ng pagpapalabas ng mga pelikulang makabuluhan at may samu't saring sahog. Kung dati ay mga baguhan at 'di masyadong kilala ang mga sumasali dito, ngayon pati mga big names sa mainstream ay nakiki-indie na rin. Isa sa todong inaabangan ang pagbabalik tambalan nina Nora Aunor, Ricky Lee at Joel Lamangan sa pelikulang...

Galing Bicol ay napunta sa siyudad si Biring (Aunor) at naging kanang kamay sa ilegal na gawain ni Vivian (Rosanna Roces). Sa kasamaang palad ay napagbintangan siya't nakulong. Bago pa mabulok sa bilangguan ay pinili niyang ilagay sa mga kamay ang title ng pelikula. Interesante de vaaahhh?! Bukod kay Osang ay kasama din dito sina Rocco Nacino, Sunshine Dizon, Gardo Versoza at Romnick Sarmenta.

La Aunor as Flor Contemplacion
Courtesy of Fukuoka Film Archive
1995 pa nang huling magsama-sama ang tatlo sa The Flor Contemplacion Story at Muling Umawit Ang Puso kung saan parehong nanalo ng Best Actress award ang nag-iisang Superstar. Maaga pa kung tutuusin pero marami na ang umaasang siya ang bonggang makakapag-uwi ng parangal na 'yan ng Cinemalaya. 

Heto ang trailer ng mga kalahok sa Director's Showcase...


Para sa kumpletong listahan ng mga kasali, schedule ng pagpapalabas at kung saan makakapanood, click mo lang 'to >> Cinemalaya 2014 - Year 10

Tuesday, July 22, 2014

Trapal

Makulimlim na ulit sa labas. Wala pang isang linggo nang layasan tayo ni Glenda pero sinundan kaagad ni bagyong Henry. Suspendido na nga ang klase sa ilang bayan partikular sa Laguna, Rizal at Quezon. Ang kinatatakutan ng ilan eh baka bonggang makipagsanib pwersa 'to sa hanging habagat. NAKA! 'Pag nangyari 'yan paniguradong babaha muli. Todong aapaw ang mga creek na dala ay basura, namamagang diaper at patay na hayop. YAY!

Knows niyo na siguro na mas bet ko ang rainy season sa summer. 'Di ko naman hinihiling na bumagyo. 'Yung drizzle version lang para presko. Favorite moment ko 'pag nakasakay sa jeep. Anlamig ng hangin na pumapasok sa bintana. Kesehodang basa na ako at 'yung upuan, 'di ko talaga ibababa 'yung trapal ahahaha! Mas keri sana kung may katabi ako at nakadantay sa kanyang katawan. Pwede bang sa tulad niya...

Chris Everingham

Siyempre 'di pwedeng ako lang ang masaya. Dapat kayo rin kaya pili na sa tatlo pa niyang kasama...

Gareth Holgate, Harry Morris, Andrew Wolff and Chris Everingham

Saturday, July 19, 2014

Hagupit

More photos at GMA News
Matindi ang hagupit ni bagyong Glenda. Less tubig more hangin ang dinala sa Pinas. Eroplano man o bagong gawang building ay 'di nakaligtas. Buti na lang at kahit papaano ay nakapaghanda ang karamihan sa atin. 'Pag sinabing lumikas, unahan nang makasakay sa sasakyan na maghahatid sa evacuation center. 'Di na nag-inarteng magpaiwan sa bahay.

Courtesy of The Straight Times
Kung 'yung iba eh kinakatakutan ang pagbaha, eto naman nagliliparang yero at punong nagsibagsakan ang ginawa. Maski na 'yung mashoshondang puno eh 'di pinatawad. Kokonti na nga lang 'yan, todong napatumba pa. Sayang. Malaking porsyento din ng Kamaynilaan ang nawalan ng ilaw dahil sa mga nagsibagsakang linya ng kuryente. Sa Cavite nga daw pati tubig wala. AMP!

Image from Inquirer.net
Ilang oras lang siyang nagpahangin ngunit malaking perwisyo ang iniwan. At dahil rainy season na, dapat laging handa ang bonggang payong, kapote at bota. Bukod sa kikay kit eh mag-prepare na rin ng first aid kit. Siguraduhing may stock ng pagkain na ready to eat at easy to open. Importanteng mag-imbak ng malinis na tubig at 'wag kalimutan ang magdasal. Ingat lagi!

Friday, July 18, 2014

Hardin

Naimbitahan ang byuti kez ni ateng Edgar (B.I.T.E.S.) na umakyat sa Antipolo wit para mag-alay lakad kundi bumisita sa isang sikretong hardin. Wala akong ideya kung ano 'yung pupuntahan namin at todong naintriga ako kung ano ba 'yun kaya gumora akiz.

Kinaray din niya si Zaizai (Simply Complicated Zai) na taga doon lang. Sumakay kami ng Antipolo jeep from SM Masinag. Akala ko mahaba-habang biyahe 'to pero saglit lang pala. Bumaba kami sa Sumulong Highway at nasight ko ang malaking karatula ng SGD na Secret Garden of Doris pala. Hhhmmm... ano kayang meron sa loob?

Thursday, July 17, 2014

Kwela 8.0

Kulang Lang
Pilipino Komiks
Hunyo 23, 1997
Taon 50 Blg. 2763
Atlas Publishing Co., Inc.

Monday, July 14, 2014

Peste

Courtesy of Inquirer.net
Kumpara sa mga ordinaryong preso, bonggang treatment talaga ang nakukuha ng mga tinaguriang high-profile detainees sa pork barrel scam issue. Tulad na lang nitong si aling Gigi Reyes na diumano'y nagsikip ang dibdib at nahirapan huminga matapos mailipat sa Camp Bagong Diwa. Sa takot na mauwi sa heart attack o stroke ay todong isinugod sa Philippine Heart Center kahit walang court order. WOW HA! Kung makaarte sila sa labas ang lulusog pero napiit lang ng ilang araw, ang dami nang nararamdaman.

Kahit sino naman yatang nasanay sa karangyaan kapag biglang naiba ang paligid lalo na kung masikip, mainit at puro peste ang kapiling eh mag-iinarte.

     "Oh my gosh! Ang dirty ng inidoro here." 

     "Is my bed surot-free?" 

     "I cannot breathe. I need some fresh air." 

Eto pa ang mas nakakainit ng ulo. Hiling ng kampo niya na mailipat siya ng mas malaking ospital. Parang St. Lukes request lang ni Janet Napoles ah! Saan naman kaya niya gusto? Sa Asian Hospital kaya? Guards, dalhin nga 'yan sa health center sa barangay. Ikuha mo ng number saka pumila. Bawal ang sumingit okay?

Sunday, July 13, 2014

Gatilyo

Lutang. Parang sundae sa Coke Float ang byuti ko nitong mga nakaraang araw. Hindi naman ako naka-drugs subalit parang isang bakanteng lote ang utak ko. I need to refresh my mind. Nasan ba kasi ang masasarap na native otoks? Kailangan ko sila upang manariwa ang aking ganda. Peak season yata ng afam ngayon. Wala akong mapusuang lokal.

Buti na lang inaya ako kahapon ni ateng Edgar sa Antipolo. Sa mga susunod na araw ay mababasa niyo 'yan. Inihahanda ko pa lang ang bonggang rekados. For the mean time ay pagsaluhan natin ang pambato ng Slovakia sa Manhunt International 2014 na ewan ko kung bakit wala naganap last year. Sana lang meron this year at ayaw kong masayang ang sarap ni Adam Bardy...

Adam Bardy
Manhunt Slovakia 2014
Tweyni years old pa lang siya mga ateng at nasa military yata bago sumali just like John Spainhour. AY! Lalaking matapang, lalaking matipuno. 'Di na ako makapag-antay na bumukaka at ipakalabit sa kanya ang aking 'gatilyo'. CHARAUGHT! Ang sarap naman kasi niya oh...


Pahinging isang pitsel ng tubig please...

Thursday, July 10, 2014

Kwela 7.0

Aliwan Tawanan
Aliwan Komiks
Hunyo 15, 1997
Taon 35 Blg. 2263
Graphic Arts Services Inc.

Sunday, July 6, 2014

Peligroso

Sa Setyembre ay ise-celebrate ko na ang aking ika-walong taong pagtatrabaho sa BPO industry. Mula Eastwood, Makati at ngayon sa Taguig, parte ng aking araw-araw na pagba-biyahe ang pagsakay ng bus. 2010 pa nang simulan kong maghain ng mga karanasan ko sa tinaguriang Hari ng EDSA. As I celebrate my 8th year anniversary, let me share to all of you the top 5 risks in riding a bus and tips on how to avoid it. Shala oh! Umi-English na naman si bakla!

Image from Remate
Trapik
May araw man o wala, expect mo ang bonggang traffic. Sa umaga at hapon kapag rush hour, sa gabi dahil may aksidente o bumaha at walang masakyan. Ang resulta: late sa trabaho. Peligroso kung talakitok ang boss mo. Maliligo ka sa laway kakasermon. Magpayong kung kinakailangan. Goodbye din sa perfect attendance bonus. Ang solusyon: mag-allot ng sangkatutak na oras para dito. Gumising ng maaga. As in maagang maaga!

Image from Favim.com
Karera
Ganito ang eksena kapag kokonti ang sasakyan sa kalsada. Guilty pleasure ko 'to kasi kapag si manong driver eh hindi takaw pasahero at todong nakikipag-unahan sa ibang bus, paniguradong makakarating ako ng maaga sa opisina. Literal na fly sa flyover itech. Ngunit kadalasan ito rin ang sanhi ng...

Image from DZMM
Aksidente
Kung hindi mababangga eh malalaglag sa Skyway. Kamakailan lang eh nawalan ng prangkisa ang Don Mariano bus company dahil dito. Dapat pipiliin ang bus na sasakyan lalo na't madulas ang daan because rainy days are here.

Image from Twitpic
Antok
Kulang ba sa tulog at mala-pagong ang daloy ng trapiko? Don't worry dahil pwede kang bumorlogs sa iyong upuan. Kung masharap ang katabi mo, aba eh sumimple ka nang dumantay sa balikat niya. 'Wag lang tulo laway ah! Make sure idlip lang at 'di tulog mantika at malamang lumagpas ka. Worst baka mabiktima ka ng mga...

Image from Pinoyparazzi
Kawatan
Sa lahat ng nabanggit ko, dito talaga ako ninenerbyos. 'Di mo alam nalaslas na pala ang Secosana mo. Andiyan din 'yung magnanakaw sa may Buendia area at ang 'di mahuli-huling Ipit Gang. Para 'di mabiktima, kailangan laging alerto. Itago ang mahahalagang gamit. 'Wag masyadong showy you know.

Working in the BPO industry is not that easy. I've had my ups and downs, experienced various challenges, shifting schedules etc. Kumbaga sa puno eh inuugat na ako sa larangang ito. I think this is the best work for anyone who wants to be flexible with anything. You may take calls, do paper works, review recordings, check the quality of your team members etc.

If you're interested, just click this link >> Sykes E-Recruitment Site and you may apply online.

Thursday, July 3, 2014

Kwela 6.0

Timong Ranger and Friends
Pinoy Komiks
Hunyo 30, 1997
Taon 33 Blg. 1930
Graphic Arts Services Inc.

Bomba

Courtesy of GMA News
Kahapon ay dalawang malaking bomba ang pinasabog ng ating favorite senator Miriam Defensor-Santiago: ang pagtakbo niya sa pagkapangulo sa 2016 at  pagkakaroon niya ng cancer sa left lung. Masayang malungkot ang dala niyang balita pero 'di mo siya makikitaan ng panghihina o kalungkutan during her press conference. Ang dami niyang hirit na todong inabangan ko. Agad na nag-trending sa Twitter ang #MiriamFight.

Anim na linggo siyang mawawala upang lumaklak ng gamot na susugpo sa cancer. Bongga at walang chemotherapy na magaganap. 'Di daw siya lasenggera at sunog baga kaya nagtataka rin ang mga doktor kung bakit siya nagkaroon ng ganitong sakit. Baka daw "genetic mutation". WOW! X-Men lang ang peg.

Kapag nalagpasan niya ang pagsubok na 'to, walang pagdadalawang isip na iitiman ko sa aking balota ang bilog na hugis itlog sa tabi ng kanyang pangalan. She will be a great president to our country. Ilang beses na siyang siniraan, kinutyang may tililing at ngayon at idinadawit pa sa pork barrel scam pero buo pa rin ang tiwala sa kanya, hindi lang ako kundi ng karamihan.

Matapang, walang preno, dire-diretso... 'yan ang ilan sa mga katangian na minahal natin sa kanya at ngayon nasa 'di magandang kalagayan ang kanyang kalusugan, ating idagdag sa ating panalangin ang mabilisan niyang paggaling. Kailangan pa siya ng sambayanang Pilipino at dapat lang na gumaling siya. Kung may space pa sa panalangin niyo, pakisama na rin ang mabilisang pagsintensya sa mga magnanakaw sa gobyerno. Ambagal ng proseso eh.

Here's the video of her announcement...

Tuesday, July 1, 2014

Proklama

Press statement of Nora Aunor regarding National Artist issue
Emosyonal pa ang lahat ng Noranians dahil sa todong pagkaka-etsapwera ni PNoy sa nag-iisang Superstar sa listahan ng mga bagong proklamang National Artist. Kahit ang ating idolo ay hindi naitago ang pagkadismaya pero pinili na lamang niyang tanggapin ang nangyari. Masaya siya kahit papaano dahil hindi lamang siya supurtado ng kanyang mga fans kundi pati na rin ng kapwa niya artista tulad nina Maricel Soriano at Robin Padilla.

Sa ganang akin lang, hindi dapat naging batayan ang isang pagkakamali niya sa dami ng kanyang naiambag sa larangan ng pag-arte and that's a #fact.

Ambigat ng balitang 'yan kaya bonggang news muna tayo mga ateng. May libreng pa-sine ang Cinema 1 in time for their 20th anniversary sa piling SM Cinemas in the metro. Exclusive 'to sa lahat ng Sky Cable subscribers. Ang kailangan lang eh magdala ng latest Sky Cable bill at pruweba na ito'y bayad na. 'Di pwede ang mga past due at nakikijumper ahahaha!

Isa ang Himala ni Ate Guy sa pwedeng pagpilian. In HD version 'yan kaya malinaw na malinaw niyong mapapanood ang klasikong pelikula na kahit tatlong dekada na ang lumilipas ay pinag-uusapan pa rin.

Ngayong weekend na 'yan, July 5 & 6. Visit the official Facebook page of Cinema One for more information.