Friday, October 31, 2014

Boracay (part 1)

Busy-busyhan ang sarap ko sa paghahagilap ng trabaho kaya nababawasan ang oras ko sa pagluluto ng masasarap na putahe. Nakakaloka ang MRT challenge. Nais ko man iwasan eh lagi kong naaabutan lalo na kapag sa may Makati o Taguig ako nagagawi. Wala kiber-kiber, kung gusto mong makauwi agad, isiksik mo ang sarili . Kung pwede nga lang na lumutang ako sa loob ginawa ko na.

Nakakaubos din ng lakas ang pag-i-English sa mga interview. Please introduce yourself, your work experiences, educational background, strengths and weaknesses. Tell me about yourself that is not on your resume. Hanuba! Kaya ang resume ko, bulleted at wala masyadong description para may maikuda akez.

Kwento ko na sa inyo ang pers time experience ko. Hindi sa lalaki kasi virgin na virgin pa ako (weehhh) kundi ang pagtapak ko sa mala-pulbos na buhangin ng Boracay. Mahaba 'tong pagsasalaysay ko kaya pagtiyagaan na ninyo.

Eto si BFF Chris
Salamat sa sale ng AirAsia noong Pebrero at natupad ko ang pangarap na 'to together with my bestfriend Chris. Grade 6 pa lang eh BFF na kami. Pareho kasi naming mahal ang Spice Girls noon. Ako si Baby Spice, siya si Sporty Spice. Ang kagandahan sa AirAsia, mas mura ang ticket nila at tuluy-tuloy lang ang sale kaya may dalawa pang nakahabol, sina Joe at Jaime.

Tuesday, October 28, 2014

Pilantik

Pageant season is here once again! Excited na ba kayo sa Miss International, Miss Earth, Miss Supranational at Miss World? May Miss Intercontinental pa kaya tiba-tiba tayo sa aabangan. Ang daming merlat na maglalaban para sa iilang korona. Bukod sa ganda ng katawan sa swimsuit competition at kinang ng evening gowns, kelangan handa rin ang pangangatawan nila sa physical challenges at mabilis mag-isip ng bonggang maisasagot sa question and answer. 'Di biro ang maging beauty queen. I know right? CHAREEENG!!!

Pero sa lahat ng 'yan, sa Mister International ako todong nananabik. Siyempre, mas masarap ang upo sa pechay noh?! Malason pa tayo diyan. Ahahaha! Sa South Korea ito gaganapin sa November 29. Expect so many delicious dishes all over the world kaya ihanda ang supply ng Charmee at Huggies. May nasipat na akong masarap namnamin, ang tamis anghang na lasa ni Mr. Chile Cristobal Alvarez...

Cristobal Alvarez
Mister Chile International 2014

Siya'y veintidos aƱos at nag-aaral ng engineering. Mukhang prinsipe si kuya! Ang pipilantik ng pilik-mata at makatunaw panti kung makatingin.


Kili-kili pa more! Malapit nang sumambulat ang pozo negro ko. Feeling ko, ako si Sleeping Beauty at tanging halik niya ang gigising sa aking kamalayan. Pag dilat ko ng mga mata, hatakin ko siya sa kama at sabay kaming mamamahinga. If kung pagpapahingahin ko siya hihihihi! 

Sunday, October 26, 2014

Tinderella

Ang bibigat sa dibdib ng mga topic natin nitong nakaraan. Feeling ko 36D na ang size ko. ECHOS! Kaya light and bubbly muna ang pag-usapan natin.

Sa mga Android users, 'sangkaterbang casual dating apps ang pwedeng i-download sa ketay via Play Store. Na-try ko na 'yung Skout at 'di ko alam kung paano gumagana ang Badoo. Bagong diskubre ko 'tong Tinder. Ginagamit ko pampatulog. All you need to do after ma-install is to log-in and open the GPS of your phone. Tapos depende sa preference mo, lalabas na ang mga utaw na malapit sa location mo.

Click mo ang X 'pag wit mo type, kapag nagwater ka. Kapag type ka din nila, biglang lalabas 'to sa screen mo...

Ayan, pwede na kayong magpalitan ng messages if you want. Bahala na kayo. Ako, wala pang mine-message pero aliw na aliw akong gamitin. Just be careful in divulging information in social media especially in meeting someone. Enjoy!!!

Friday, October 24, 2014

Talim

Ilang araw nang pending sa aking talaan ang krimen na nangyari sa ating sisterakang si Jennifer Laude. 'Di ko na matandaan kung ilang beses kong in-attempt na isulat pero natakot ako sa kalalabasan. Sensitibong paksa kasi at ayaw kong may masagasaan. Kaya bago ko ito ginawa, pinili ko munang pumunta sa protestang inihanda ng iba't ibang LGBT group sa UP Diliman Sunken Garden. Nais kong pakinggan ang kanilang side sa isyu para maimpluwensiyahan ang aking opinion.

Tuesday, October 21, 2014

Protesta

Ang sakit sa kalooban na isa nating sisteret ang binawian ng buhay sa kamay ng isang dayuhan. Sa trulili lang, nahihirapan akong i-organize ang aking thoughts and opinion sa isyu ni Jennifer Laude at habang hinihimay ko pa 'yan, kayo ay aking inaanyayahan na makilahok sa isang protesta na binubuo ng iba't ibang LGBT groups laban sa karahasan at diskriminasyon base sa piniling sekswalidad at kasarian. 

Ito ay gaganapin sa UP Diliman Sunken Garden sa ika-veinticuatro ng Oktubre, alas-cuatro ng hapon. Meron din sa Cebu at Legaspi cities. Magsuot ng puting damit, magdala ng kandila at rainbow-colored ribbons. Ating suportahan ang protestang ito para makamit ang hustisyang nararapat para kay ateh Jennifer.

Monday, October 20, 2014

Harang

Hi mga ateng! I'm back from my bonggang vacation in Boracay. I'll make kwento about diyan sa susunod dahil mas importanteng mai-share ko sa inyo ang karanasan ng isa nating shupatemba sa isang bar in The Fort. Very similar sa experience ko last October 4.

***
Originally posted in Facebook
By Fritziecoi, October 19, 2014 5:14 PM

Fritziecoi (right most) with her fab friends
Hindi ko alam kung hanggang kailan tuluyang mawawala ang diskriminasyon sa bansang ito, especially sa mga kagaya namin. It is really sad that your fellow countrymen are the ones who put you in shame.

We've been #discriminated last night in a club where my friend was suppose to celebrate her birthday. Ang nakakaloka lang ilang beses na kami nagpupunta doon. Most of the time I wear mini shorts or dress pa nga 'pag pumupunta doon. Yes, there are times na mahaharang ako but after a few minutes of discussing with them, they would let me in. But last night was totally out of line. Last week we also went to that club and I wore a short black dress. They just checked my bag without any question and I went in. I don't really know what was the problem last night. Kung kelan nagsuot ako ng dress na covered legs ko, closed shoes maliban sa naka-sleeveless ako. Well 'yung isa naming friend is naka short dress but willing naman sila ng bestfriend niya which is the birthday celebrant na mag-change outfit para makapasok na kami at para masunod yung "dress code" nga daw nila. 

But then as we go to the entrance, ini-insist talaga ng mga bouncers na hindi daw talaga pwede. My friend handed me her blazer para 'di na nga ko sleeveless. So okay na, balot na balot na ako. Then they checked my bag and ask for my ID. Kaloka! Wala akong dalang ID so sinabi ko wala. Mukha ba akong menor de edad?! Last week wala naman silang hiningi sa akin. So ano ba talaga? Dumating 'yung head nila at sinabing hindi daw pwede. 

KUNG GUSTO KO DAW MAKAPASOK, BURAHIN KO DAW MAKE UP KO! "CROSS DRESSER" DAW KASI AKO. WTF! 


Malinaw na 'di alam ni sir ang difference between a crossdresser and a transgender. I felt so humiliated. To make the long story short, we cancelled our reservation on that club and moved to a more open/accepting and better club. Sobrang nakakasama talaga ng loob. #SorryPRIVE. Ang dami pang club diyan sa The Fort. Kudos to those clubs who don't care about the outfit of their party goers regardless of their sexuality. Anyway, we had a blast last night and we enjoyed it a lot. Thank you so much Anne. Happy Birthday once again. One month celebration daw haha! 


#NOTODISCRIMINATION

***

This is really sad but I'll tell you my piece. Sa social media, madami akong nakikitang mga beks na pinapapasok sa mga mamahaling club pero dapat may pangalan ka or mukha ka nang babae. 'Yung halos wala ng bahid pagkalalake. Oh de vaahhh?! Even inside our group, may inequality. Kapag ordinaryong ateng ka, follow the rules. Kapag lets say prominente ka, walang ganyan. Go inside! Todong VIP treatment pa.

Thanks to idol Fritziecoi for giving permission in reposting her experience. Mwah!

Tuesday, October 14, 2014

Miss World 2014 Philippines winners

For the first time in my 29 years of existence (pahiram ng linya manay Venus), eh nakapanood ako ng live grand local beauty pageant. Daming adjectives nun ah! Salamat kay BFF Kriselda for the complimentary tickets of Miss World 2014 Philippines. Ginanap 'yan sa Mall of Asia Arena last October 12 at first time ko ring makapasok diyan. So bale dalawang beses akong nadevirginize in one night. CHAROT!

Miss World 2014 Philippines - Valerie Weigmann (center)
1st Pincess - Lorraine Kendrickson (second to the right)
2nd Princess - Nelda Ibe (second to the left)
3rd Princess - Nicole Donesa (left most)
4th Princess - Rachel Peters (right most)
7 PM ang start but as expected, Filipino time ang naghari. Hinarana muna ni Jeric Gonzales ang crowd with his rendition of All of Me. Actually dalawa 'yung kanta. 'Di ko na maalala 'yung isa. Around 8 PM nag-start. The usual pakilala segment, swimsuit, evening gown, special awards, semifinalist and top 5. 'Di ko nga inaasahan na ganun kabilis ang pacing. Mas matagal lang ang pauses kasi the girls need more time to prepare as well as the production. 

Photos courtesy of OPMB Worldwide
Outstanding sa lahat ng portion si #19 Valerie Weigmann. Siya ang may pinaka pak na pak na rampa sa swimsuit at nang umispotlight siya for the evening gown, Oxana Federova ang peg. Tapos todong hinakot pa niya ang special awards. Hindi pa tapos ang show, alam na kung sino ang mananalo. Naawa nga ako dun sa ibang girls. Umeffort din naman sila kaya lang talagang mas makinang si #19.

Kitang kita ang disappointment sa supporters ng ibang kandidata pagkatapos matawag ang top 5. 'Di na nga napuno eh nabawasan pa ang tao sa arena. When Q&A portion came in, naiba ang ihip ng hangin sa area ko. Parang mas na-bet-an nila ang kuda ni candidate #1 Lorraine Kendrickson which eventually was announced as second to Valerie.

We have a good fight this coming December for Miss World 2014. Back to back win ang aim ng Philippines which is not impossible kasi bonggang nagawa ng Sweden (1951,1952), UK (1964,1965) at India (1999,2000). Kay Valerie kaya ipuputong ni Megan Young ang asul na korona? 'Yan ang 'wag na 'wag nating palalampasin. 

Sunday, October 12, 2014

Pukpukan

Tatlong bagong reyna ang idineklara ngayong linggo...

Miss Grand International - Cuba (center)
1st runner-up - Ethiopia (second to the left)
2nd runner-up - Canada (second to the right)
3rd runner-up - Australia (left most)
4th runner-up - Colombia (right most)
Nasa ikalawang taon pa lang ang Thailand-based beauty pageant na Miss Grand International pero lumikha na sila ng alingasngas sa bongga ng production. Ka-level halos ng Miss Universe ang preliminary competition at coronation night kaya agad-agad na nakapasok sila sa Grand Slam of Beauty Pageants ng Global Beauties. Si Miss Cuba, Daryanne Lees ang bagong may ari ng titulo. Sa kanya ipinasa ni Janelee Chapparo ng Puerto Rico ang korona.

Sa parehong araw naman (October 9) kinoronahan ang pambato ng Venezuela at Puerto Rico para sa Miss Universe 2015. Ang dalawang bansa na 'yan ang tinaguriang powerhouse of beauties ng South America.

Catalina Morales
Miss Universe Puerto Rico 2014 
Inulan ng kontrobersya ang pagkakapanalo ni Catalina Morales ng Guaynabo sapagkat hindi siya ang todong paborito ng mga utaw na maging Miss Puerto Rico 2014. Mas marami kasing maganda sa kanya. Ngunit sa pagandahan, 'di lang puro ganda. Dapat may talas ng isip at swerteng nakalakip. PAK!

Miss Venezuela Universo - Mariana JimĆ©nez (center)
Miss Venezuela International - Edymar MartĆ­nez (right)
Miss Venezuela Tierra - Maira RodrĆ­guez (left)
Pukpukan ang labanan ng dalawampu't limang kandidata sa Miss Venezuela 2014 pero si Mariana JimĆ©nez ang nangibabaw. Siya ang may suot ng Guarico sash na ayon sa tsika eh kapag na-assign sa isang kandidata, paniguradong malakas ang kanyang laban. First runner-up si Miss Distrito Capital Lorena Santos samantalang second runner-up ulit si Miss Zulia Erika Pinto, same placement niya sa Miss Venezuela Mundo 2014.

Saturday, October 11, 2014

Konstruksyon

The 'oridnary' house of Gen. Purisima
Courtesy of inquirer.net
Nakakasawa na ang mga pag-uungkat ng yaman nina Purisima at Binay. Araw-araw na lang sila ang laman ng balita. At araw-araw din, naiinggit ako sa kanila. Masama ang may inggit sa katawan pero bakit hindi? Sila, ekta-ektarya ang lupain. State of the art ang konstruksyon ng bahay. Ang mga materyales, first-class quality. May babuyan at orchid farm pa. Ang ordinaryong bahay sa kanila, mansyon na para sa isang tulad ko na halos buong buhay eh nangungupahan. Not that I can't afford to own a house and lot. Andami na diyang developers na nag-o-offer ng flexible terms to pay. We can choose the location, type of house and amenities. Kung su-swertihin, matutulungan tayo ng PAG-IBIG sa pagbabayad. But what I am envious about is that silang nasa pwesto, they don't have to fall in line to fill up a form, mag-antay ng approval at 'di na nila kailangan dumaan sa proseso na pinagdadaanan ng isang ordinaryong Pilipino. 'Yung ilan sa atin kailangan pang mangibang bansa para makabayad.

Natatabunan ng balitang ito ang tunay na problema ng bayan; ang kakulangan ng basic needs ng evacuees sa Visayas at Mindanao dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan, ang pananamlay ng turismo sa Albay, ang kakarag-karag na MRT, mga krimen na nakukunan ng CCTV may araw man o wala, sobrang pagbaha sa konting ulan na nagpapabagal ng trapiko. 'Di pa rin nawawala ang patuloy na pagbaba ng kalidad ng edukasyon, kakulangan sa classrooms, kakarampot na sahod nina ma'am at sir. Ayun, napipilitan tuloy magbenta ng Stick-O at Pampanga's Best.

May pag-asa pa naman ang Pilipinas. 'Di ba't lagi tayong nakangiti ano mang bagyo ang dumaan sa atin. I guess what we need is competent people who has the passion to serve the country. Pero malayo pa ang eleksyon kaya umpisahan na lang natin sa ating mga sarili. Tama na nga 'tong rant ko at magwawalis pa ako.

Friday, October 10, 2014

Relasyon

Seven days a week napapanood si idol Juday sa TV thanks to Bet On Your Baby at I Do. Tapos may bonggang movie pa siya, ang remake ng T'yanak. Iba talaga ang staying power ng tinaguriang Young Superstar. MIA na ang ilan sa kasabayan niya while her star keeps on shining. Me loves it!

Sa realiseryeng I Do, siyam na magjojowa ang kasali. Isang pares dito sina Christian Busby at Chelsea Robato na during the time na shinu-shoot ang serye eh tatlong buwan pa lang ang relasyon. Pareho silang modelo na todong nakarampa na sa iba't ibang fashion shows including The Naked Truth. Christian was also one of the bachelors of Cosmo Men for this year. Ganyan siya kasharap kaya ang mga beks tutok na tutok sa TV sa tuwing siya ang pinapakita. Ang ganda rin ng mga mata niya. Parang nakikiusap na siya'y alagaan at mahalin. Kaswerti ni atih Chelsea at going strong sila ni dadi!

Thursday, October 9, 2014

Kangkungan

Nauuso ang mga librong isinasapelikula tulad ng Bakit Hindi Ka Crush ng Crush mo?, ABNKKBSNPLAKO?!, Diary ng Panget at She's Dating A Gangster. When I heard that Erich Gonzales is going to star in a movie based on a PHR novel eh 'di ko napigilang ma-excite. Pareho kasi akong fan ng dalawang 'yan. Binasa ko muna ang libro saka ko napanood ang pelikula.

Once A Princess (2014)
Skylight Films and Regal Films
Directed by Laurice Guillen
Based from the novel written by Angel Bautista
Starring Enchong Dee, JC De Vera and Erich Gonzales

Monday, October 6, 2014

Hapit

Nag-farewell party ang kumpanyang pinasukan ko noong Sabado, October 4 sa Enderun Tent in Taguig. Walang theme basta wear your most comfortable outfit 'wag lang pambahay. Matagal-tagal na rin since the last time na nag-mujer akiz kaya naman nagpatahi ako ng bonggang damit kay La Mudra. May tela akong nabili nung last time na mamili kami kaya naghagilap na lang ako ng design sa internet. Dalawa lang ang gusto ko - long sleeves at dapat hapit sa hubog ng masarap kong katawan para ako'y paglawayan ahahaha!

Si Shy at ang kinaiinggitan kong balakang

Sunday, October 5, 2014

Pangmatagalan

Nung hindi ako naka-crossdress, walang kebs na papasukin ako sa mga bar sa The Fort. Tapos isang araw lang akong nagmaganda, bawal daw ang tulad ko na 'di sumusunod sa dress code.

Oh well, hindi ako tatalak for discrimination. Parte 'yan nang buong puso kong yakapin ang aking sekswalidad. Ang negosyo tulad niyan ay panandalian lamang. Dudumugin, pupuntahan, kaaaliwan. Pero ang panlasa ng mga tumatangkilik ay laging nagbabago. Pasasaan din ba't magsasara din 'yan. Ngunit ang kabaklaan, mananatili... pangmatagalan.

Etong sa inyo...


Friday, October 3, 2014

Nanguyapit

Heaven siguro ang pakiramdam ng mga estudyante ng National University dahil for the first time in more than four decades ay nakapasok silang muli sa finals ng UAAP. Gitgitan ang labanan nila ng Ateneo na 'di ko na mabilang kung ilang beses nang nanalo. Makakalaban nila ang FEU na pinabagsak ang defending champion DLSU Green Archers. While scanning social media, nabasa ko na battle of the jejemons daw ang finals. May ganern?

Namaga yata sa sakit
Sa tindi nga ng semi-finals (parang Miss U lang), nasiko ang junjun ni fafah Jeron Teng na nanguyapit sa todong sakit. Oh my! Kawawa naman siya. Tamang-tama may Omega pain killer ako. Halika hilutin natin ahihihi! Pero seriously, 'di dapat umaabot sa ganung punto ang paglalaro ng basketball o kahit anong sports. Mas masharap i-celebrate ang tagumpay lalo na kung nakamit 'to dahil sa patas na laban.

On the other side of the world, cover story ng Flaunt magazine si Nick Jonas. Nagkaroon siya ng diabetes at a young age and by flaunting his sexy body, he wants to inspire people to take care of their bodies. Bae, you're such an inspiration. Can I taste your perspiration? CHAR!

Mas mabuhok pa siguro down there hihihi!
Hinahamon nga pala ni Nick Jonas si fafah Jeron sa isang bonggang showdown. This is how you do it daw with angas feelings...

ANG TSALAP! ANG TSALAP! ANG TSALAP-TSALAP!