Wednesday, January 4, 2012

Tuyo

Kagabi, para akong biktima ng kagutuman...

Ako'y uhaw na uhaw...

Parang aswang.

Nang makakita ng 'tuyo'...

Sinunggaban agad!


Matapos malamnan ang kumakalam na 'tiyan'... 

May mga salitang binitawan.

Naghanap ng kasagutan sa katanungang...

Hindi mo ba ako babastusin?

Pwede ba?

Dahil ilan sa inyo eh hiling na magkajowa na ako ngayong taon, ipinapangako ko na hindi na ako magiging choosy. Kapag andiyan na, grab the crotch este the opportunity agad. Nakakapagod din naman kasing maging El Niño sa panahon ng La Niña. Lahat nadiligan na pwera akiz.

Panahon na talaga para ako'y matalsikan ng ligaya. 

Pwede bang siya ang mauna?

Prince Harry for GQ magazine (UK edition)

Tuesday, January 3, 2012

Ultimate

This is the ultimate pasabog of 2012! Dinaig pa ang Goodbye Philippines at Bin Laden sa lakas ng dating. Shakira ako sa transformation ni Charice para sa Preview at yaman-yamanan ang aura ni ma'am Jinky sa Mega

Sila ang buhay na patunay ng rags to riches na istorya. Pwede tayong yumaman mga 'teh. In short, magiging cover gurl din tayo in the future. CHARAT!

Madaming kumukuda na todo daw ang pag-photoshop sa kanilang dalawa. Nasobrahan daw sa smudge at pag-adjust ng skin tone. Well, parang nga. Hehehe...

Anyways, nasobrahan man o hinde, wapakels na tayo 'dun. Eh kung sa iyon ang mas ikagaganda de vaaahhh!?

Sunday, January 1, 2012

Amin ka!


Sa mismong araw na 'to, dalawang taon na ang nakalilipas, nang simulan ko ang pinakamasarap na blog sa kalawakan. It all started sa ideyang mag-eeleksiyon at balak kong okrayin ang mga campaign paraphernalias ng mga nagsisipagtakbo. Hindi ko akalain na higit pa roon ang magagawa ko.

Salamat mga 'teh sa dalawang taon na pagsama sa akin at pagtalakay ng iba't ibang paksa. Hindi man magkakapareho ang ating opinyon, hindi naging hadlang 'yon upang tayo ay maging isa.

Ngayong bagong taon, makakaasa kayo na mas marami pang masasarap na talakayan ang magaganap. Kahit ano pag-uusapan natin, seryoso man o hindi. Basta, hindi pwedeng mawala ang mga boys. Kumbaga sa sasakyan, sila ang gasolina natin.

Kaya humanda ka 2012 dahil... AMIN KA!

Saturday, December 31, 2011

Version

THIS IS IT MGA SHUPATEMBAS! Ilang oras na lang at 2012 na. Kapag ganitong magtatapos ang taon eh uso sa TV ang mga year-end specials kung saan nagbabalik-tanaw sila sa mga juicy events na naganap. Na-inspire akong gumawa ng sarili kong version kaya eto't namnamin natin...


Mga pelikulang bet na bet ko...

1. Beastly
2. Patayin Sa Shokot Si Remington
3. No Other Woman (naka-relate akiz)
4. Breaking Dawn


Siyempre mawawala ba ang indie films...

1. Taksikab (solb na solb sa director's cut)
2. Anton Tubero
3. Kape Barako
4. Private Nights




Mga pa ul-ul na kanta...

1. Teenage Dream ni Katy Perry
2. Super Bass ni Nicki Minaj
3. The Edge of Glory ni mother Gaga
4. Love on Top ni Beyonce
Babasahin na puno ng aliw at impormasyon...

1. Bakla-Bakla, Paano Ka Ginawa?
2. Beastly
3. Cosmopolitan Philippines (April 2011)
4. The Science of Advertising


Hindi mawawala ang mga ohms na nagpatibok ng pu(ke)so ko...

1. Mike Concepcion (mahal ko na talaga siya!)
2. Darren Criss
3. Kevin Zaldarriaga
4. Gianni Senasael


And last but not the least, Todo Sa Bongga's 2011 most commented posts...

1. Lahad (peace na tayo mga Marianatics)
2. Instant
3. Balakid
4. "Chocolates" at "De Lata"



BOOM BOOM PAK PAK NA 2012 MGA 'TEH! ☺

Thursday, December 29, 2011

Humabol

Ngayong araw ay natagpuang patay sa loob ng isang sasakyan sa Valenzuela City ang aktor at StarStruck alumnus na si Tyron Perez. Kasalukuyang iniimbestigahan ang rason ng kanyang pagkamatay. Bali-balita na suicide daw ang nangyari. Todong nakakalungkot naman ang balitang ito na parang humabol pa sa pagtatapos ng taon.

Knows na knows siya sa ating gay world dahil bukod sa angking kakisigan ay nakagawa siya ng ilang pelikula ng may temang kaseksihan tulad ng Twilight Dancers at Pipo.

May you rest in peace Tyron.

Regalo

Ngayong taon ay sa opisina ko sinalubong ang Kapaskuhan. Bilang isang ehemplong pokpok sa telepono eh kailangan kong jumosok nang araw na 'yon. Nakauwi na ako ng pasado alas-dos ng madaling araw. Buti na lang at may nasakyan pa ako de vaahhh!?!

At kapag Pasko, uso ang gift giving. Share ko sa inyo ang ilan sa mga regalo ko...

Ispeyshal ang isang 'to dahil galing siya sa aking bestfriend na si Kriselda. Hindi ko pa siya naikukwento sa inyo. One of these days eh ipapakilala ko siya at ang aming history bilang magkaibigan.

'Yung nasa kaliwa ay ang natanggap ko mula sa exchange gift namin sa opisina. Buti naman at sinunod ng nakabunot sa akin ang wish ko. Akala ko kasi, coffeemate naman ang matatanggap ko this year dahil kape ang niregalo sa akin last time.

Worth 300 pesos ulit at naghanap talaga ako ng sakto lang. Hindi ko kasi bet 'yung mga humihiling ng ganito ganyan pero ang presyo eh lagpas sa pinagkasunduan. Mas lalong hindi ko feel 'yung mga naglalagay sa wishlist ng "babayaran ko na lang 'yung sobra".

Hindi naman regalo sa akin 'yung nasa right. That is my bonggang gift for my mudrakels. Matagal na siyang may diabetes pero ngayon lang ako nakabili ng panukat sa kanyang blood sugar. Buti na lang at discounted siya sa eBay Kuponan with free shipping pa. Hindi ko pa nga lang nasusubukan dahil syokot ako sa dugo.

Wala lang picture pero bago magpasko ay may early gift si Ateh Paul sa akin na isang shoulder bag na may fes ni Mariah Carey. Fan na fan lang ang peg. I also received chocolates from an officemate at personalized keychain from my super friend JB.