Tuesday, August 28, 2012

Intiendes

Kahit nasa kabilang ibayo ng mundo eh inaabangan ko pa rin every year since 2010 ang Miss Venezuela. Bonggang bongga ang production na most watched ng kanilang bansa at ibang latin countries. Salamat sa matalas at mabusising pagpili ng pageant president na si Osmel Sousa, meron lang naman silang tig-aanim na Miss Universe, Miss World at Miss International crowns.

Sa Huwebes na kokoronahan ang tatlong dilag na magiging representate nila para sa susunod na taon. Ang gaganda ng veinticuatro mujeres at silang lima ang bet ko...

Miss Aragua

Miss Miranda and Miss Cojedes

Miss Anzoategui and Miss Peninsula Goajira

Ayaw nilang maghikaw noh?! CHAR! Katulad ng Binibining Pilipinas, bago dumating ang coronation night ay nagkaroon muna sila ng primer para ipakilala sa madla ang mga kandidata. Kahit wit ko intiendes ang pinagkukuda ng host eh watch ko pa rin ang traje de baƱo o swimsuit portion. Panoorin niyo...

Secret lang 'to mga 'teh! Dinownload ko 'yung kanta tapos minemorize ko 'yung steps nila, nagkulong sa kwarto at todong ginaya sila hehehe...

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...