KONGRACHULEYSHONS kay Miss Guarico Maria Gabriela Isler dahil siya ang bonggang nagwagi sa Miss Venezuela 2012. Siya ang magiging kinatawan ng kanilang bansa sa Miss Universe 2013. Si Miss Aragua Elian Herrera ang Miss Venezuela International at si Miss Falcon Alyz Henrich ang Miss Venezuela Earth. Runners up sina Miss Tachira Ivanna Valle at Miss Yaracuy Maria Julia Alvarez. Swak naman sa top 10 ang mga bet kong sina Miss Miranda, Miss Cojedes at Miss Peninsula Goajira.
Dapat ay kokoronahan din ang pambato nila sa Miss World pero nag-todong request ang chairman nito na si Julia Morley na gawin ito sa isang hiwalay na pageant. Next year pa malalaman kung sino ang maswerting dilag.
Friday, August 31, 2012
Thursday, August 30, 2012
Totoy Mola
Super appreciate ko ang ganda ng panahon nitong mga nakaraang araw. Tunay nga ang kasabihang pagkatapos ng unos ay may ligaya din. Sinubukan ko kung mas liligaya ako sa panonood ng Totoy Mola starring Jay Manalo...
Ipinaglihi si Sebastian AKA Totoy Mola sa alagang kabayo ng tatay niya. Childhood sweetheart niya si Cita (Sabrina M) na nahimatay sa unang beses na nagniig sila. Nabigla ang perlas ni babae sa panggatong ni lalake. Dahil doon ay napaluwas siya ng Maynila at nakilala si Gigi (Dindi Gallardo), ang babaeng todong nagpatibok sa kanyang nota. Matapos niya itong tulungan sa isang gipit na sitwasyon ay isinama siya nito sa bahay at ipinakilala si Cindy (Cyndi Moreno), ang babaeng kinakasama nito. Nasa kabilang bahay naman si Auring (Aya Medel) na lantaran ang pagpapantasya sa kanya. Mahaba pa ang tinakbo ng istorya but in the end, sila ni Gigi ang nagkatuluyan.
Masyadong pa-sweet ang pelikulang ito siguro dahil mahigpit noon ang MTRCB sa titilating films. Nakakaumay sa dami ng merlat at exposure ng papaya nila. Inagawan ng spotlight and bida. CHOS! Nakakabitin din ang sexy scenes ni fafah Jay Manalo. At least nakabawi siya sa kanyang delishus buff borta.
Rating: 2/5 stars.
"Auring, 'yun ang trabaho ko! Ang manlandi at landiin ng customer." |
Masyadong pa-sweet ang pelikulang ito siguro dahil mahigpit noon ang MTRCB sa titilating films. Nakakaumay sa dami ng merlat at exposure ng papaya nila. Inagawan ng spotlight and bida. CHOS! Nakakabitin din ang sexy scenes ni fafah Jay Manalo. At least nakabawi siya sa kanyang delishus buff borta.
Rating: 2/5 stars.
Audition
Last year, same month eh hinahagilap ko kung saan nagpunta si fafah Chris Cayzer (see related post here) na huling tinapakan ang TV5 matapos niyang lumipat mula sa GMA 7 at ABS-CBN. Bumalik na pala siya sa Australia to be with his family. Well, back to spotlight siya ngayong taon pero hindi dito kundi doon dahil sa bonggang audition niya sa franchise ng X-Factor. Napa-WOWOWOW ang tatlo sa apat na judges sa galing niyang umawit. Sina Ronan Keating at Melanie B ng Spice Girls ang dalawa sa todong pinahanga niya kaya anlakas maka-proud! Special mention ang 6 years stay niya dito sa Pinas at mga ginawa niya....
AMININ! Ang sarap pa rin niya. Medyo sabik lang mag-perform pero ang mahalaga eh pasok sa banga! Sana tuluy-tuloy na!
Tuesday, August 28, 2012
Intiendes
Kahit nasa kabilang ibayo ng mundo eh inaabangan ko pa rin every year since 2010 ang Miss Venezuela. Bonggang bongga ang production na most watched ng kanilang bansa at ibang latin countries. Salamat sa matalas at mabusising pagpili ng pageant president na si Osmel Sousa, meron lang naman silang tig-aanim na Miss Universe, Miss World at Miss International crowns.
Sa Huwebes na kokoronahan ang tatlong dilag na magiging representate nila para sa susunod na taon. Ang gaganda ng veinticuatro mujeres at silang lima ang bet ko...
Ayaw nilang maghikaw noh?! CHAR! Katulad ng Binibining Pilipinas, bago dumating ang coronation night ay nagkaroon muna sila ng primer para ipakilala sa madla ang mga kandidata. Kahit wit ko intiendes ang pinagkukuda ng host eh watch ko pa rin ang traje de baƱo o swimsuit portion. Panoorin niyo...
Secret lang 'to mga 'teh! Dinownload ko 'yung kanta tapos minemorize ko 'yung steps nila, nagkulong sa kwarto at todong ginaya sila hehehe...
Sa Huwebes na kokoronahan ang tatlong dilag na magiging representate nila para sa susunod na taon. Ang gaganda ng veinticuatro mujeres at silang lima ang bet ko...
Miss Aragua
Miss Miranda and Miss Cojedes
Miss Anzoategui and Miss Peninsula Goajira
Ayaw nilang maghikaw noh?! CHAR! Katulad ng Binibining Pilipinas, bago dumating ang coronation night ay nagkaroon muna sila ng primer para ipakilala sa madla ang mga kandidata. Kahit wit ko intiendes ang pinagkukuda ng host eh watch ko pa rin ang traje de baƱo o swimsuit portion. Panoorin niyo...
Monday, August 27, 2012
Mr. Gay Europe 2012
Nakakaloka naman sa sharap ang tinanghal na Mr. Gay Europe 2012 na si Miguel Ortiz from Viva Espana! Tama ang nabasa niyo mga 'teh, may gay dun sa title dahil mga shupatembas natin ang kasali ditech at ang diecinueve anos na Espanyol ang winerva mondsod palma. Malaki ang hawig niya sa Hollywood actor na si Ryan Reynolds pero mas young and fresh siya. Hindi nga ako makapaniwalang kapanalig natin siya kasi wafu na, ang yum yum pa ng bortawan. Tsek niyo 'to...
Sunday, August 26, 2012
Late Reaction
Bakla sa Bintana
Nag-leave akiz sa trabaho kahapon ngunit naunsyami ang lakad ko. To the rescue naman ang college dabarkads na sina Ateh Paul at Madame Gladys. Kahit may kalayuan, sugod watashi sa SM Centerpoint ng alas-ocho ng gabi. Pagdating ko eh 'namamalengke' sa chat room ang dalawa. Matagal ko nang tinalikuran ang pakikipag-chat kaya hinayaan ko na lang sila. May nabingwit silang 'isda' pero mamaya pa daw avail kaya laps muna kami sa Greenwich. Inabutan na kami ng closing kaya pina-take out na namin ang tira. Walking distance lang ang balur ni madame kaya todong walkathon kami at nag-ocular inspection sa daan.
Friday, August 24, 2012
Speechless
Vince Ferraren Image by Dookie Ducay Photography |
Thursday, August 23, 2012
Tinda
Nagliwaliw akiz sa kahabaan ng Recto at Quiapo noong Martes ng tanghali para tumingin at sumipat-sipat ng mga bagay na pwedeng mabayla. Halos one month din akong 'di nakapunta dito dahil na rin sa masamang panahon. Buti na lang at sun was shining that day. Infernezzz na-miss ko ang init niya 'wag lang siyang totodo!
Bumisita muna akiz kay Nazareno para bonggang magpasalamat at ma-bless ang byuti then rampa along Sta. Cruz papuntang Recto. Dumaan sa aking paboritong CD seller pero wa-ing na-typan. Tumawid ang long legsko papunta kay suking bookstore, wit sa National kundi sa katabi nito. Mas mura ng ilang piso ang tinda nilang pocketbooks, may mga sale pa kaya 'di ko napigilan ang mag-panic buying. CHOS! Matapos ang transaksyon ay lumabas ako at tatawid na sana pabalik ng Quiapo nang makita ko 'tong tinda ni manong...
Universal Komiks Blg. 2215 - 2217 December 1996 |
Wednesday, August 22, 2012
'Royal Family'
Pista ng 'sangkabaklaan ngayon at ang putaheng kasalukuyang nilalantakan ay ang dalawang photos ni Prince Harry kung saan halos bumandera ang kanyang 'royal family'. Parang tumi-teach me how to doggie pa yata sila nung kasama niya sa right pica. Swerti ni ateng! IMBERNA! Kuha 'yan sa Las Vegas while having fun with his friends. Pinagkaguluhan pa nga siya ng mga bilatsina nung lumusong siya sa pool. Nadagdagan siguro ang tubig sa pool sa pagwawater-water ng mga 'yon. HMP!
Sunday, August 19, 2012
Salo
Kakamiss manood ng gay indie films buti na lang at may isa pa akong 'di napapanood sa mga dibiding nabili ko. Salo written & directed by Mark Jacinto ang tinutukoy ko.
Si Rene (Rivero) ay isang tagong bading na nagladlad kay lola (Linda) na wit kinaya ang revelation kaya inatake at na-coma. Na-inlove sa kanyang personal driver (King) na uniform yata ang pekpek shorts kaya palaging labas hotsilog. May isa siyang tita (Bautista) na kahit may edad na eh kerengkeng pa rin.
"Yung driver mo, type na type ko. Mukhang kargador... mukhang malaki." |
Simple lang ang istorya pero bumawi sa ganda ng cinematography at editing. Salamat din sa interesanteng karakter ni tita played by Perla Bautista. Nakakapanibagong makita siyang nagpo-portray outside her usual role na maunawaing ina, mahirap at inaapi. Effortless naman ang pagganap ni Anita Linda na buong pelikula eh todong nakahiga at nakapikit lang.
Marami na akong napanood na pelikula ni Paolo Rivero pero parang iisa lang palagi ang tingin ko sa role niya. Walang duda na marunong umarte si Kristofer King, congrats sa kanyang bonggang Cinemalaya Best Actor award.
Rating: 2.5/5 stars.
Made in China
Miss World 2012 Wen Xia Yu |
Matapos ang limang taon ay nasungkit muli ng bansang Tsina ang bonggang korona ng Miss World. Sina Miss Wales at Australia ang tinanghal na runners up at nakapasok naman sa top 15 ang byuti ni Queeneerich Rehman. Wala ako sa huwisyo habang ginagawa ko 'to dahil bitter watashi. Feeling ko eh punong puno ng Chinese ingredients ang lutuan sa pagandahang ito na ginanap sa Ordos, China. Home court advantage just like the last time they won. Noong umpisa at todong umaariba sa scoreboard sina Miss Sudan at Miss Mexico pero naetsapwera ang ganda nila. Ang mga heavy favorites na sina Miss France at Miss Colombia ay nowhere to be found.
Kapag made in China nga naman oh! PFFT!
Friday, August 17, 2012
Talento
Queeneerich Rehman during Top Model event |
Bukod-tangi hindi lang ang kagandahan kundi pati na rin ang talento ng ating pambato sa Miss World 2012. Kabog ang lahat sa kanyang pagkanta na sinamahan ng todong beatboxing. Lahat napahanga sa kanyang kakaibang talento na kadalasan ay mga lalaki ang nakakagawa. At ang mas bongga pa, na-feature siya sa Time, The Huffington Post at AOL websites. World class ang dating! Panoorin niyo...
Bukas na ipapasa ni Miss World 2011 Ivian Sarcos ang korona at ipanalangin natin na sana'y sa ulo ni Queeneerich Rehman maiputong 'yan. Mapapanood ang live telecast ng koronasyon sa TV5 pagkatapos ng Untold Stories.
Thursday, August 16, 2012
Alamat
Image by Pinoy Photographer |
Nagpaluha
Para sa mga bonggang naka-miss ng Spice Girls performance sa closing ceremony ng London Olympics 2012, heto ang video na nagpaluha sa akin at sa milyon-milyong fans nila all over the world...
Wednesday, August 15, 2012
Misteryo
Vince Ferraren Image from Drei Loves Hue |
♫♪ Ikaw kaya ay nais din
Akong makapiling at ibigin
Oh kay sharap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin
Aking hinihiling na shabihin mo
Ang binubulong ng 'yong puso
Pangarap ko ang ibigin ka
At sha habang panahon, ikaw ay makashama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Sunday, August 12, 2012
Galak
Patapos na ang London 2012 Summer Olympics at malungkot man sabihin, nga-nga tayo sa medalya. 'Di bale't may next time pa naman sa 2016. Salamat sa labingisang atletang Pinoy na sumubok at bonggang ibinandera ang ating bandila, special mention kay Mark Barriga.
Mukhang star-studded ang closing ceremony niyan dahil mga todo-sikat na British artists ang magpe-perform at isa diyan ang Spice Girls. Muling magsasama-sama ang girl power nina Scary Spice, Baby Spice, Ginger Spice, Sporty Spice at Posh Spice para sa isang makasaysayang performance. Paniguradong tuwang tuwa sa galak ang mga 90's beki tulad ko. Ano kayang kakantahin nila? Abangan na lang natin mamayang alas-cuatro ng umaga sa TV5.
Mukhang star-studded ang closing ceremony niyan dahil mga todo-sikat na British artists ang magpe-perform at isa diyan ang Spice Girls. Muling magsasama-sama ang girl power nina Scary Spice, Baby Spice, Ginger Spice, Sporty Spice at Posh Spice para sa isang makasaysayang performance. Paniguradong tuwang tuwa sa galak ang mga 90's beki tulad ko. Ano kayang kakantahin nila? Abangan na lang natin mamayang alas-cuatro ng umaga sa TV5.
Saturday, August 11, 2012
Seventeen Eleven
Ang pinakabonggang bikini competition sa tag-ulan ay nagbabalik sa ika-pitong taon nito. Gaganapin ang Hataw Super Bodies 2012 sa Metro Comedy Bar in West Ave. QC on August 27. Labingpitong kalalakihan ang magtatagisan ng sarap suot ang kanilang itsy witsy tiny bikinis. Sure na babahain ng 'sangkabaklaan ang Metro Bar. Sila ang mga betchikels ko...
Ngunit kung kayo'y atat at 'di makapaghintay, don't worry mga 'teh dahil on August 23 ay merong Mr. Bachelor 2012 sa O-Bar Ortigas. Swak sa bulsa ang ticket price worth 300 pukekels. Eleven men ang kasali dito at sa kanila ako todong nasarapan...
*Visit The Red Book blog for schedule and ticket details.
Denver (lakas ng appeal) & Arjay (seksi kili-kili) |
Bernald (ganda ng borta) & Zuck (balahibo galore) |
Troy (ibaba mo pa please) & Jhay-R (yumyum muscles) |
RJ (naalala ko bigla si Chard Pangilinan) & John Paul (boyish charm) |
Friday, August 10, 2012
Binaha
Sa pagsungit ng panahon
Ang daming biktima ng kahapon
Ngunit ang mahalaga ay ngayon
Tayo rin ay makakabangon
Babalik ating sigla
Init ng araw nariyan na
Lilipas din ang tag-ulan
Liliwanag ang kinabukasan
Oh hindi ito tula
Nainspire lang aketchiwa
Nang makita ko siya
Ako'y todong binaha...
ANG SHARAAAP!
Thursday, August 9, 2012
Bahagat
Flood in Lagusnilad tunnel, Manila Image from Worldngayon.com |
Ilang puno at poste ang natumba malapit sa amin nang humagupit si Milenyo noong 2006. Wit nakaligtas kahit 'yung thunderrific na puno na maraming ugat, ganun siya kahangin. Isang bagsakan ng ulan naman si Ondoy na tumama mismo sa NCR noong 2009 na todong pinaapaw ang Marikina River. Teka, 2012 ngayon so ganito ba ang trend kada tatlong taon? YAY! 'Wag naman.
Inulan tayo noong isang linggo dahil kay bagyong Gener. Nang umalis siya sa Philippine Area of Responsibility, sumunod naman si typhoon Haikui na hindi naman tumama sa bansa. Eh gusto pa rin niyang magpakitang gilas sa mga Pinoy kaya bonggang pinalakas niya ang southwest monsoon o hanging habagat na nagdala ng everyday thunderstorms.
'Di kinaya ng lupa na sipsipin lahat ng tubig. Dagdagan pang konti na lang 'yan dahil panay semento na dito sa Maynila. Ang mga creek at ilog naman eh masisikip na sa dami ng basura at nangungupahan sa gilid nito kaya 'di rin kineri ang overflowing water. Nagpakawala pa ng tubig ang ilang dam. Resulta: Baha everywhere!
Tuesday, August 7, 2012
Chance
Image from Phys.org |
Hindi ako eksperto sa kalikasan pero ang nakapaligid sa paglilipatan niya ay mga mall, hospital, squala lumpur at soon-to-rise condo buildings. Isama pa natin ang todong polusyon at congested utaw sa metro. Parang 'di healthy sa isang tulad niya na laking probinsya. Tsaka chance na nung hometown niya para maging tourist destination. Nabibigyan pa niya ng kabuhayan ang mga kababayan niya.
Tama na siguro ang mga 'buwaya' sa Batasan. 'Wag na nilang dagdagan pa!
Sunday, August 5, 2012
Saan kayo?
Yesterday, August 4, 2012, we were at EDSA Shrine. We joined the Prayer Power Rally to fight against the RH Bill. We were there. We made a stand. As young people, we are not indifferent. Instead, we believe that we can make a difference. We are fighting for life, for the Filipino family and the Filipino people. We are not losing hope on morality which is what will lead us to the best life ever.
Ipagpatuloy dito>>
VS.
Ipagpatuloy dito>>
Saturday, August 4, 2012
Bangin
Dahil may naligaw sa blogelya ko't nakipagpalitan ng klasikong pelikulang Pilipino, sa wakas ay napanood ko na ang isa sa mga iminungkahi niyong pelikula, ang Nakaw na Pag-ibig starring Nora Aunor, Philip Salvador at Hilda Koronel.
Si Azon (Aunor) ay ulilang factory worker na may crush kay Robert (Salvador), isang forklift driver sa parehong kumpanya. Palaging huli sa trabaho si Robert dahil bukod sa layo ng tinitirhan ay nag-aaral ito ng abogasya. Swerti naman at may bakanteng kwarto sa bahay si Azon na malapit lang sa factory kaya doon na lang siya nangupahan. Kung abot kamay mo na si crush, ano pa nga ba ang next step kundi todong lumandi. Nagtagumpay naman siyang matikman 'to. PANALO!
Nangailangan ng driver ang amo nila at si Robert ang natipuhan. Sapagkat pwede rin maging bodyguard ng anak na si Cynthia (Koronel), ginawa siya nitong permanente at stay-in sa bahay. Nangako naman siya kay Azon na dadalaw-dalawin 'to na noon ay jontis na.
Mapera't maganda (parang ako... chos!), 'yan si Cynthia. Kahit sino maaakit at hindi nakaligtas sa kanya si Robert. Nalaman ni Azon ang kataksilan at nagbantang mag-iiskandalo. Sa takot na mawala ang bonggang kinabukasan, inaya niya 'to sa Baguio at pinangakuan ng kasal na ang trulili eh push niya 'to sa bangin. Nakatunog si Azon sa maitim na balak. Ayun, nag-emote sa bangin hanggang sa natuluyan.
Si Lino Brocka ang nag-direk nito na siya ring nag-direk ng all-time fave ko na Bona. Pangatlo na 'to nina Ate Guy at Ipe sa mga klasikong napanood ko. Bet ko talaga ang working tandem nila. Unang beses ko naman makita ang tagisan nina Ate Guy at Hilda K. May nabasa nga ako dati na sila daw talaga ang mahigpit na magkakumpitensya sa aktingan kaya inabangan ko ang confrontation scene nila. Malumanay ang Superstar sa eksena kung saan hinihingi niya si Ipe. Ayaw paawat ni Insiang, wit niya give ang ohms na lab niya. Akala ko nga mauuwi sa sampalan at sabunutan pero 'di naman. Ending, walang nagwagi sa kanila bilang naupo sa de-kuryenteng trono si lalake.
"Makakapili? Iniinsulto mo ba ako? Anong tingin mo sa akin, na kapag umibig ako'y para akong pumipili ng damit o kotse?" |
Nangailangan ng driver ang amo nila at si Robert ang natipuhan. Sapagkat pwede rin maging bodyguard ng anak na si Cynthia (Koronel), ginawa siya nitong permanente at stay-in sa bahay. Nangako naman siya kay Azon na dadalaw-dalawin 'to na noon ay jontis na.
Mapera't maganda (parang ako... chos!), 'yan si Cynthia. Kahit sino maaakit at hindi nakaligtas sa kanya si Robert. Nalaman ni Azon ang kataksilan at nagbantang mag-iiskandalo. Sa takot na mawala ang bonggang kinabukasan, inaya niya 'to sa Baguio at pinangakuan ng kasal na ang trulili eh push niya 'to sa bangin. Nakatunog si Azon sa maitim na balak. Ayun, nag-emote sa bangin hanggang sa natuluyan.
Si Lino Brocka ang nag-direk nito na siya ring nag-direk ng all-time fave ko na Bona. Pangatlo na 'to nina Ate Guy at Ipe sa mga klasikong napanood ko. Bet ko talaga ang working tandem nila. Unang beses ko naman makita ang tagisan nina Ate Guy at Hilda K. May nabasa nga ako dati na sila daw talaga ang mahigpit na magkakumpitensya sa aktingan kaya inabangan ko ang confrontation scene nila. Malumanay ang Superstar sa eksena kung saan hinihingi niya si Ipe. Ayaw paawat ni Insiang, wit niya give ang ohms na lab niya. Akala ko nga mauuwi sa sampalan at sabunutan pero 'di naman. Ending, walang nagwagi sa kanila bilang naupo sa de-kuryenteng trono si lalake.
Friday, August 3, 2012
Epektibo
Huling araw na kanina ng Iba Balita Ngayon sa Studio 23. Paborito ko pa naman panoorin 'yan bago mag Balitanghali ng GMA News TV. Bilang pokpok ako sa gabi, tuwing tanghali lang ako may chance manood ng news. Epektibo ang team-up nina Lynda Jumilla at Tony Velasquez bilang newscasters. Light at nakakaaliw ang matatalinong side comments nila sa mga isyu. Sayang at off-air na ang show. Wish ko lang 'yung pang gabing version na lang ang tsinugi tutal anlakas makakupal ng news anchor nun. Ay! Sino ba 'yun? 'Wag na nga at baka ma-BV lang tayesh.
Hardinero
Perfekta ang buwan ng wika sa 'sangkabaklaan dahil week after week yata eh may ipalalabas na gay indie film. Showing na sa inyong suking sinehan ang Adam's Apple, Kakagat Ka Ba? at pagkatapos ng isang linggo ay todong susunod naman ang Hardinero, ang latest offering ng Fortune Arts International at Sunflower Films.
Starring dito sina Jonas Gruet, Adriana Gomez, Kael Reyes, Marco Ronquillo and many more. Introducing pero bonggang lead role agad ang baguhang si Jeffrey Canterbury. Tunog imported ang namesung. Sarap sigurong magpa-bury sa kanya.
Ang pelikula'y sa direksiyon ni G.A. Villafuerte na siyang nag-direk sa kontrobersyal na Id'nal (Mapusok). Sa August 8 na 'to at heto ang trailer...
Ang pelikula'y sa direksiyon ni G.A. Villafuerte na siyang nag-direk sa kontrobersyal na Id'nal (Mapusok). Sa August 8 na 'to at heto ang trailer...
Thursday, August 2, 2012
Important
This is just...
WOW!
Si Julia Montes na talaga ang susunod na important star ng Kapamilya Network. Ang sushalin niya sa August 2012 issue ng Preview Magazine. Napaka-humble na artista at marunong pang mag-invest. Wala pa sa legal age pero nakapagpundar na ng bahay at negosyo para sa pamilya. Role model sa kabataan. PAK!
Aspiring
Isa na namang aspiring lawyer ang bagong biktima ng karahasan sa "kapatiran". Siya si Mark Andrei Marcos, isang freshman law student sa San Beda College. Parang nakakasyokot namang mag-aral ng abogasya sa kolehiyong 'yan. Diyan din nag-aral si Marvin Reglos na biktima rin ng hazing. Parehong nagkulay talong ang katawan nila sa todong pambubugbog. Ganon ba talaga 'yon? Para mangarap kang magtanggol ng biktima o suspek sa isang korte, kailangan maging katulad ka muna nila? Ikaw ang biktima na sasalo ng bugbog at sila ang suspek na hahataw sa'yo? Nakakatulog kaya o nakokonsensya man lang ang mga gumawa nito sa kanila?
Subscribe to:
Posts (Atom)