Sunday, July 29, 2012

Prinsipe

Nakakaawa naman ang todong pag-crayola ni ateng Sarah Geronimo tungkol sa kanila ni fafah Gerald Anderson sa Sarah G. Live kanina . Mukhang naudlot na naman ang pagkakaroon niya ng bonggang lovelife. Bali-balitang si Mommy Divine ang may ayaw pa na magkajowa ang Pop Princess. JUICE KOH! Veinticuatro na siya! Considered as young adult na. Sa edad niya, dapat na siyang makaranas kung paano umibig at masaktan. Naulit lang tuloy 'yung nangyari sa kanila ni fafah Rayver Cruz. Infernezzz, kesasarap ng mga nahuhumaling sa kanya!

Sa trulili lang, kung ano ang image niya dati, 'yun pa rin hanggang ngayon. Hindi na rin siya bumabata kasama ng fans niya. Alam naman siguro niya na likas na mapaghanap ang tao. Kung pa ul-ul lang ang ginagawa, nakakasawa. Maaaring may mag-stay na loyalista pero may mawawala. Gusto naman ng fans niya na makita siyang masaya at may kasamang fafah. Ano pa nga ba ang kulang sa buhay ng isang prinsesa kundi isang prinsipe at pasadong pasado diyan si fafah Gerald. Hoping pa aketch para sa kanila.

Bakas

Image from Elite Icons
Maraming salamat mga 'teh at knowsline ko na ang pangalan ng bago kong leading man. CHAR! Siya pala si Vince Ferraren. Aktwali, nasightsikels ko na siya dati sa mga nagkalat na piktyurakas ng nakaraang Philippine Fashion Week Holiday 2012. Rumampa siyang naka-bripang sa Avon Collections. Flawless na flawless ang loloh niyo oh, walang bakas ng ube halaya. Tapos ang shungkad pa. Bagay na bagay kami!

Spell ambisyosa... THAT'S ME TALAGA!

Saturday, July 28, 2012

Landas

Image from Facebook
Schoolboys meet working boys. Two worlds collide, almost without any eye contact to each other. How can we bridge the gap so that little work and more school become part of any child's growing up years?
Sad naman ako sa piktyurakang 'yan with matching makatusok pusong caption. Nagpapatunay lamang na 'di pantay ang buhay. Hindi ko maiwasang 'di maapektuhan kapag nakakakita ng mga bata sa lansangan na namumulot ng kung anu-ano. Imbes na laruan, bitbit ay sako, lata at sampaguita para mabuhay. Na kahit libre ang edukasyon, hindi pa rin magawang makapasok sa eskwelahan. Natutulog sa kalsada tanging karton ang higaan, sariwang usok mula sa mga sasakyan ang nalalanghap. Mga inosenteng nilalang na harinawa'y hindi maligaw ng landas.

Friday, July 27, 2012

Magbato

Image courtesy of Interaksyon.com
Ika-apat at huling araw na ng public interview ng mga aspiring Chief Justice ng Korte Suprema. At sa loob ng apat na araw na 'yan, tatlong beses todong na-late si Rep. Niel Tupas. Hindi na kasi siya pumunta ngayon dahil na rin sa utos ng Senate President at House Speaker. Mabalik tayo sa pagiging late niya, keri lang sana kung isang araw lang eh ginawang everyday. AMP! Siya pa man din ang kinatawan ng Kongreso para magbato ng mga tanong sa mga nominado. Dyahe nameeen kay Sen. Chiz Escudero na nag-give way para sa kanya. PFFT!

Meet Ping


KUMPARE
In theaters... SOON!

Thursday, July 26, 2012

Binihag

Pwede ko bang malaman kung sino ka...

Image from Elite Icons
May nakakakilala ba sa iyo?

Simula kasi nang makita kita, 'di na ako mapakali.

Mukhang binihag mo ang puso ko. 'YUN 'YON EH! ♥♥♥

Wednesday, July 25, 2012

Panayam

Nakakatuwa naman at bukas sa publiko ang panayam ng mga nominado para sa susunod na Punong Mahistrado. Sumalang na kahapon ang anim at isa dito si DOJ Secretary Leila De Lima. Pagbukas ko ng TV eh si Niel Tupas ang nag-iinterview sa kanya. KALOKA! Akala ko tuloy eh replay ng impeachment trial ang palabas. Ano kayang sey ni ex-CJ Corona kung napanood niya 'yun?

Blooming si lolah Leila while answering the questions. Hindi naiwasang itanong ang 'di niya pagkilala sa TRO ng SC sa pangingibang bansa ni Ateh Glo noong 2011. Kung ako ang tatanungin, ang pangit makita na isang saksi laban sa dating CJ ang ngayon eh nag-aambisyon sa nabakanteng pwesto. Nasaan ang delikadesa?

Bet ko naman ang mga plano ni DLSU Law Dean Manuel Diokno na kapag final na ang SC decision eh 'wag nang babaliin at murang hustisya para sa lahat. Isa pa sa nagustuhan ko ang final interviewee na si Atty. Katrina Legarda. Pangarap daw niyang isulong ang korteng pampamilya at age-appropriate sex education.

Labing-anim pa ang sasalang sa hot seat hanggang Viernes. Tingnan natin kung sino pa sa kanila ang aprub o disaprub sa taong bayan.

Tuesday, July 24, 2012

Manok

Tanong ng mga orig:
Bakit ba ang hilig niyong pumatol sa may asawa na?

Sagot ng mga kabit:
Dahil ang manok, mas madaling hulihin kapag nakatali na.

Meet Milo


KUMPARE
In theaters... SOON!

Monday, July 23, 2012

Lumingon

Nakakapagod nang makita ang mga kawatan na malayang nagagawa ang kanilang gusto lalo na sa bandang MRT Buendia area. Kanina, pasado alas-dos ng hapon, habang nag-aantay ako ng masasakyan papuntang Ayala, isang babaeng kaaakyat lang ng ordinary bus ang walang habas na inagawan ng relo o bracelet. Napatingin na lamang sa labas ng bintana si ate hawak ang kanyang braso habang tinatanaw ang tumakbong suspek kasama ang isa pa. Lumingon pa nga sa amin 'yung isa bago tuluyang tumakbo. Ang kakapal ng mukha! Hindi na natakot kahit may pulis sa itaas ng MRT. Dangan lamang at wala mismo sa pinangyarihan ng krimen. Haaayyy, kailangan talagang mag-dobleng ingat sa panahon ngayon. Kahit katirikan pa ng araw, pwede kang mabiktima.

Lingid

Ala-Jaclyn Jose ang ikot ng career ni Ana Capri sa Pinoy showbizlandia. Mula sa pagiging sexy star noong late 90's ay isa na siya ngayong character actress, pwedeng inaapi at pwedeng nang-aapi. Sa dinami-dami ng nagawa niyang pelikula, Pila Balde ang kauna-unahang nagbigay sa kanya ng parangal bilang aktres.

Pila Balde (1999)
Good Harvest Production
Directed by Jeffrey Jeturian
Written by Armando Lao
Starring Ana Capri, Harold Pineda and Marcus Madrigal

Si Gina (Capri) ay isang tindera ng maruya na nais makahanap ng lalaking mag-aahon sa kinasasadlakan niyang kahirapan. Hindi naman siya ambisyosa pero ayaw lang niya matulad sa kanyang ina na nakapangasawa ng isang kahig isang tuka. Namatay ito sa panganganak samantalang sa likod ng rehas nagpapalipas ng oras ang tatay niya dahil sa kasong pagnanakaw. Kasama niya sa buhay sina lola't dalawang shupatemba.

"Nung namatay ang lola, parang bigla akong naligaw.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, 'di ko alam kung kanino ako sasandal."
Hayag ang damdamin ni Nonoy (Madrigal) para sa kanya ngunit hindi niya ito magustuhan dahil sa purita mirasol din 'to. Si Jimboy (Pineda) na kabarkada nito ang type niya. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, nais lamang pala nitong tikman ang kanyang nektar. Na-delay siya ng dalawang buwan pero 'di siya pinanagutan. In the end, nakunan ang byuti niya at sila ni Nonoy ang nagkatuluyan.

Ang sarap panoorin ng pelikulang ito lalo na't ang mga Chika-Chika boys na sina Marcus Madrigal at Harold Pineda ang siyang nagsilbing love interest ng bida. May ibubuga naman pala sa aktingan si Marcus sayang at hindi nag-blossom ang career niya. Hindi rin nakapagtataka kung bakit nakasungkit ng best actress award si Ms. Capri dahil mahusay ang pagganap niya. 

Siya ngayon ay napapanood bilang isang guro at ina ng babeng bida sa One True Love ng Kapuso Network.

Sunday, July 22, 2012

Patiently

Ngayon ko lang na-appreciate kung gaano kasarap ang wholesomeness ni Steven Silva. Kahit rumampa siya ng half-nekkid sa Cosmo Bash two years ago, hindi bastusin ang kanyang dating. Swerti ni ateng Diva Montelaba kung totoong mag-jowa sila!


Though siya ang winerva sa Starstruck V as the ultimate male survivor eh medyo naungusan siya ng runners up na sina Rocco Nacino at Enzo Pineda pagdating sa dami ng projects. Last time na nag-bida siya ay sa afternoon soap na Koreana together with Kris Bernal. After that, mga supporting roles na lang ang napunta sa kanya. Hindi kasi siya marunong mag-Tagalog when he won. Mas may hatak kasi sa masang Pinoy kapag matatas sa lengwaheng atin. Good thing dahil sa todo niyang Tagalog lessons eh marunong na siya. Patiently waiting din siya sa kanyang big break. Gusto ko siyang samahan sa pag-aantay ♥


Sa susunod na buwan ay susubukan niyang kumanta at umakting sa ibabaw ng entablado with Frencheska Farr para sa theater adaptation ng children's book na Hope for the Flowers. Bukod sa Manila, magkakaroon sila ng bonggang performances sa Cebu at Davao. Let's wait for that!

*Images courtesy of Pinoyexchange.com & Paul Cortes Photography

Saturday, July 21, 2012

Ganda Points

Our Miss World 2012 representative Queenierich Rehman needs our like...

 AS IN TODONG LIKES!

May bago kasing challenge ang Miss World, ang bonggang Multimedia Award kung saan mag a-upload ng videos at photos ang bawat kandidata para makapag-interact sa kanilang fans. SUSHAL! Extrang ganda points 'to for Queenie sa final scoring ng pagandahan na magaganap sa Ordos, Inner Mongolia on August 18.

Click here to like her official FB fanpage. Pa-share na rin sa ibang fwends!

Friday, July 20, 2012

Paraan

Ihman Rivera, Rei-Jan Reinoso & Jay Enriquez
Naunsyami ang pagpapalabas ng Adam's Apple, Kakagat ka ba? noong isang buwan dahil sa maselang role ng isa sa lead characters na humantong sa hindi pagkakapasa nito sa panlasa ng MTRCB. Buti na lamang at sa konting editing ay nagawan ng paraan at tuluyan nang matitikman kung ano nga ba ang lasa ng mansanas ni Adan.

Mula August 1 to 7 ay magpapakagat na sila sa mga sumusunod na sinehan:

     • Robinson's Galleria
     • Roben Recto
     • Isetann Recto
     • Remar Cubao
     • Market Place Mandaluyong
     • Eden Cebu (August 8 to 14)

Naritong muli ang trailer...

Wednesday, July 18, 2012

Inspiring

Love is blind. Love is an unexplainable feeling. Love is like a rosary, full of mystery. Love makes the world go round. Love makes you do crazy things. Love makes you happy. Love makes you sad. Love makes you cry. Love conquers all. As the Bible says, love is patient, love is kind and is not jealous; love does not brag and is not arrogant.

I share to all of you, an inspiring story of our sisteraka Vanessa...


And her two lovers...


See their love story unfold here.

Monday, July 16, 2012

Timba

Can I Just Say:

NAKAKALOKAAAH!!!

Ito na yata ang sexiest poster na nakita ko! At ang title ng show, talaga namang nagbabaga. Napaka-straight to the point. JUICE KOH! Paniguradong uulan din ng beki sa gabing 'yan. Baka bumaha pa kaya ready your kapote and payong. Ako, planggana at timba ang ihahanda ko para marami akong masalong ohms. SARAP!

Sunday, July 15, 2012

Aside

Laruang Lalake, one of his indie flicks
Dalawang beses ko nang nakita si Arjay Carreon sa Farmers, Cubao na namimigay ng flyers sa harap ng isang fast food chain na wit ko nasightsina ang name. Haaay, yummy pa rin siya at fogi. What I like about him is his body. Hindi maskulado at payat, sakto lang. Sa mga hindi nakakakilala, isa siyang indie actor at karamihan sa kanyang movies ay produced and directed by master gay indie director Crisaldo Pablo. Kung dati eh sunud-sunod ang pelikula niya, ngayon eh matumal na. Maganda rin naman at aside from acting ay may iba pa siyang work.

Good decision din sa management ng kainan at ginawa siyang 'frontliner'. Surely, sa angking kakisigan at kasarapan ni fafah Arjay, marami ang mahuhumaling na i-try ang kanilang menu.

Sulok

A comment from my previous post...

Image from Paraiso Philippines
Natakot ako noong naghahanap ako ng pirated DVD dyan lang sa LRT malapit sa Monumento. Pag-akyat ko ng hagdan, tumambad sa akin yung mga tambay na lalaki do'n. Dahil nga maputi, maayos at OA manamit, 'di mo maiwasan na pagkamalan akong naghahanap ng aliw.

Lumapit sa akin yung isang lalaki parang adik pero maskulado ang katawan kumbaga average looking.

"Gusto mo ng Boy?" sa mga salitang yan nanginig ako at nanlamig.

"Anung Boy?"

"Tara, dun tayo?" akala ko sa isang stall pero nang papunta na kami sa isang sulok, do'n na'ko nagtaka, hindi tanaw ang labas kumbaga tago. Nagulat ako dahil may mga lalaki ring lumabas do'n pansin mo na talaga may nangyayaring kamunduhan.

Sa tindi nang takot ko kahit may itsura pa siya, kahit may built pa siya, nangibabaw ang takot ko. Hinintay ko siyang makapasok at sabay akong lumakad paalis.

"Oy! Saan ka puputa?"

Binilisan ko talaga paalis, hindi na ako lumingon.

One time naalala kong kinuwento sa 'kin ng kaklase ko habang tinutukso ako ng chups-chups ko raw siya at magpacanton daw ako, pumunta raw ako sa mall na yon sabay tawa. Ewan ko ba, alam nilang may ganoon do'n ngayon alam ko na.

'Yun ang pinakanakakatakot na nangyari sa akin.

Tanong lang: Anong mall kaya ang tinutukoy niya? May similar experience din ba kayo tulad nito?

Friday, July 13, 2012

Pundido

Pasado ala-una ng madaling araw kanina nang ako'y makababa ng bus pauwi galing Makati. Tatlo kaming bumaba at parehong tumawid sa kabilang kalsada. Nagmamadali 'yung isa sa paglalakad pero 'tong isa, sinabayan ang lakad ko. Hhhmmm... I smell aurora semilla. Pero nakiramdam muna ako at baka sabihin na assuming much aketch, May I look ako sa kanan to observe his physical appearance... katamtaman ang taas, payat, naka-black slacks at may backpack. Dumaan kami sa posteng pundido ang ilaw. Dito na ako naglakas loob na lingunin siya. 'Di naman ako nabigo at tumingin siya sa aking gawi. Sey ako ng...

"Hello!" 

Ngumiti siya. THIS IS IT! Rush of blood due to excitement. CHOS! The conversation started kung saan siya nakatira, anong trabaho niya at kung ilang taon na siya. Importante sa akin ang last question dahil 'di ko bet ma-Bantay Bata. Buti na lang at of legal age na siya.

Wednesday, July 11, 2012

Enganyo

Halos isang buwan ko nang pinakikinggan ang MDNA, ang pinakabagong album ni Queen of Pop Madonna at so far ay bet na bet ko 'to. Hindi ako masyadong fan ng mga kanta niya pero dahil sa aliw na aliw ako sa Girl Gone Wild eh na-enganyo akong bumili. Buti na lang at available ang special edition nito sa suki kong CD store sa Cartimar, Recto. Labing dalawa ang kanta sa CD1 at lima naman sa CD2. Heto ang karamihan sa paborito kong pakinggan...

  • Girl Gone Wild - sarap isayaw sa bar habang kumikiri sa boys
  • Turn Up The Radio - perfect summer song kaya lang rainy season na
  • Give Me All Your Luvin' - fun song!
  • Superstar & Masterpiece - para sa minamahal ♥
  • Love Spent - materyosa lang ang peg
  • Beautiful Killer - kanta ng mga poging heartbreaker
  • I Fucked Up - para sa mga nagkamali
  • B-Day Song - obvious sa title kung kailan patutugtugin 'yan
  • Best Friend - sakit sa puso ng kantang 'to!
Rating: 5/5 stars. A must have sa CD collections at fan ng Queen of Pop.

Tuesday, July 10, 2012

Paalam, Hari ng Komedya

Image courtesy of Cinemarathon
Pinapanood ko lang 'to kaninang tanghali pero 'di ko akalain na kinagabihan pala, pupunta na sa langit ang Hari ng Komedya. 'Di mabibilang kung ilang beses tayong humagalpak sa kanyang mga pelikula at palabas sa telebisyon.

Nakakaiyak ang paglisan sa mundo ni Mang Dolphy. Hindi kumpleto ang kabataan ko kung hindi ko napapanood ang Home Along Da Riles every Thursday night. Ang buhay ni Kevin Cosme at nang sandamakmak niyang anak, ang aalog-alog nilang tirahan sa gilid ng riles, ang pagtatrabaho niya bilang janitor/messenger sa opisina nina Hilary at Steve at ang linggo-linggong paglandi sa kanya ni Azon.

But more than that, malaki ang kontribusyon niya sa pagrespeto ng mga Pinoy sa bakla. Tunay niyang sinalamin ang ating buhay sa mga pelikulang Facifica Falafay, Ang Tatay kong Nanay, Darna Kuno, Markova atbp. Pinortray niya tayo ng may mataas na respeto at pagmamahal. Kailanman ay 'di nabastos ang ating pagkatao sa kanyang pagpapel bilang tayo.

Mananatili ka sa aming puso Pidol. Paalam at Maraming Salamat!

Ang multo at ang dilaw na linya

Sinuspinde ng ombudsman sina Quezon City councilors Roderick Paulate, Francisco Calalay Jr. at dalawang liaison officer dahil sa isyu ng 'ghost employee'. Sa mga 'di knowsline kung ano ba 'yan eh simple lang: kunwari may empleyado silang pinapasweldo pero ang totoo... WA-I! So saan napupunta ang dinedeclare nilang sahod ng mga multong empleyado? AY! Alam kong alam niyo ang sagot diyan. KALOKA!

Todong hinigpitan na ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang yellow lane sa EDSA. Bawal lumabas sa first at second lane ang mga bus o umakyat sa flyover at umilalim sa tunnel or else, HULI SILA! Kawawa naman ang mga pasaherong araw-araw eh sakay niyan. Fresh kang umalis ng balur pero walang kasing bilasa pagdating sa opisina dahil sa tagal ng biyahe. Well, andiyan naman ang MRT to the rescue. 'Yun nga lang, kelangan mo rin ng sandamakmak na pasensya during peak hours at jampacked ang pila diyan na abot hanggang EDSA. Nabilad ka na sa init, sininghot mo pa ang polusyon. Ang healthy de vaahhh?!

Sunday, July 8, 2012

Undying

Dahil mukhang malabo naman makarating ito sa kanya, hindi na ako mahihiya at itotodo ko na ang bonggang pagpapantasya. This is the puurrrfect song to describe my undying feelings for him. MEGANUN?! Oh siya, nag-aantay na ang gin bulag at Boy Bawang. Maglaglag na ang limang piso sa videoke at simulan na ang pagbirit...

Nang una kitang makita
Akala ko'y wala akong puwang sa puso mo
Ngunit nang makausap na kita
At sinabi mong mahal mo rin ako

Kaya ko nagawa ang awiting ito
At ito'y para sa 'yo
Mahal ko, pakinggan mo
Ito'y para sa 'yo...

Mike Concepcion
♫♪ Mahalin mo lang ako nang tapat
Mamahalin din kita nang tapat
Kahit anong pagsubok dumating
Ipangako mo rin, ipaglalaban natin

Mahal na mahal kita dito sa aking puso
Ikaw lang nag-iisa, ohhh aking mahaaal
Mahal na mahal kita dito sa aking pusoohhh
Ikaw lang nag-iisa, ohhh aking mahal ♫♪




Mahal na Mahal Kita is a single from Aegis' second album with the same title.

Saturday, July 7, 2012

Macho Dancer 1.0: Humalili

"Hindi naman ibig sabihin porke't nakatira tayo sa isang bubong,
lahat na lang ng bagay dito paghahati-hatian natin." 
Wala ako masyadong ginagawa nitong mga nakaraang araw kundi ang pumasok sa trabaho at umuwi sa bahay para bumorlogs. Ako na talaga ang workaholic! Hindi na rin ako nakakagala masyado dahil bukod sa magastos eh maya't maya ang bagsak ng ulan. Lakas makahulas ng byuti! Kaya binabad ko na lang ang sarili ko sa balur at todong nanood ng dibidi.

Sa Paraiso ni Efren ang isinalang ko nitong nakaraang day off ko. Saktong pampainit sa malamig na panahon. Well inakala kong straight movie ito nung una kasi si Ana Capri ang starring sa pabalat ng bala pero 'di pala. Sina Anton Bernardo at Alan Paule ang tunay na bida. Supporting lang ang lolah niyo together with ateng Ynez Veneracion.

Kwentong buhay ni Efren (Bernardo) na isang callboy slash macho dancer na dating asawa si Magda (Veneracion) na iniwan siya para sa ibang lalaki. Ang ex-puta na si Ana (Capri) ang siyang humalili sa pwestong nabakante.

Nagkakilala sila ni Melvin (Paule) sa waiting shed, isang gabi habang malakas ang ulan. Nagkapalagayan ng loob at eventually, tumira sa isang bubong kasama ang dalawang merlat.

Infenezzz sa lahat ng macho dancer movies na napanood ko, kakaiba ang istorya. Malinis at maayos ang takbo. Bet na bet ko ang bonggang akting ni Ana Capri na hindi nagpatalo kay Alan Paule. Kung mas maaga ko lang nalaman na maganda ang pelikulang 'to, sana nakabili ako dati ng orig VCD dagdag sa aking video collection. Wala na akong nakikitang kopya nito sa merkado eh.

Friday, July 6, 2012

Twice

What a coincidence! Real life story din pala ang second movie na pinanood ko at starring din si Matt Ranillo.

"Nakapagdesisyon na ako, mali 'tong ginagawa natin..."
Early 90's nang mauso ang massacre movies based on true events at isa dito ang karumal-dumal na pagpaslang kay Elsa Santos Castillo. Natagpuan ang hati-hati niyang bangkay sa isang bakanteng lote. Todong pinag-usapan at sinubaybayan ang kasong 'yan na isinapelikula not once but twice. Una ang version ni Kris Aquino: The Elsa Castillo Story... Ang Katotohanan directed by Laurice Guillen at ang pangalawa ay kay Lorna Tolentino: The Elsa Santos Castillo Story Chop-Chop Lady under the direction of Edgardo Vinarao. As far as I can remember, last week of January 1994 pinalabas 'yung kay Kris at first week of February naman kay LT.

Medyo bitin lang ang story siguro dahil hindi pa tapos 'yung kaso during that time kaya hindi pinakita kung anong nangyari sa kaso at suspek. LT defines the word ageless. Kung ano ang itsura niya dati, ganun pa rin hanggang ngayon.

Kung tipo niyo ang hindi ma-take makakita ng gruesome scenes, I suggest 'wag niyong balakin panoorin 'to. Nakakashokot 'yung last part dahil sa ginamit na props as body parts especially the head. YAY!

Wednesday, July 4, 2012

Malimas

Can I Just Say:

Kung babagyo uli, pwede bang sa West Philippine Sea na lang tumama? Para malimas 'yang mga Chinese vessels na panay ang angkin sa lupaing atin. KAPALMUKS MUCH!

Hinagpis

Panay ang bagsak ng ulan nitong nakaraang araw. Habang maingay ang patak sa bubungan, sinabayan ko ito ng panonood ng dalawang klasikong pelikulang Piilipino. Una diyan ang MMFF entry ni Ate Vi noong 1978, ang Rubia Servios.

Image courtesy of Video48
Tungkol sa obsessive love ang istorya ng pelikula na hango sa totoong buhay. Si Willy (Philip Salvador) ay masugid na manliligaw ni Rubia (Vilma Santos) na kasintahan naman ni Norman (Matt Ranillo). Kahit alam ni lalaki na committed si babae, pursigido pa rin siya sa pangungulit dito. Sa sobrang intense ng nararamdaman niya, nauwi ito sa pangingidnap at panggagahasa sa babaing minamahal. Nasentensyahan man ng anim na taong pagkakakulong, hindi pa rin nagbago ang damdamin niya kay Rubia.

"Norman, si Willie. Ayaw kong madamay ka."
Ate Vi gave a stellar performance in this movie. Ramdam mo ang hinagpis at takot ng kanyang karakter. Paborito ko ang breakdown scene sa kama habang pinagtatapat niya kay Norman ang muling pangungulit ni Willy. Medyo stiff ang portrayal ni Ipe bilang Willy. Convinced naman ako sa goody-goody role ni Matt Ranillo.

Nakatatak na sa solid fans nina Vilma at Nora ang tagisan ng dalawa para sa Best Performer award ng 1978 MMFF. Walang best actor best actress award kundi 'yan lang kaya todo ang pressure. At isang beses lang 'yan nangyari sa kasaysayan ng MMFF. Sa huli, si Ate Guy ang nag-uwi ng bonggang parangal para sa pelikulang Atsay.

Susunod: The Elsa Santos Castillo Story: Chop-Chop Lady

Monday, July 2, 2012

Craving

Nagpapaantok ako kagabi nang mapadaan ako sa TV show na Cocktales ng Aksyon TV. May kakaibang batinting sa utak ko kapag naririnig ko ang salitang 'yan pero kabaligtaran naman ng iniisip ko ang concept ng palabas. Hosted by Daphne Oseña, Cita Revilla and Vic Agustin, they tackle what's in and who's who sa bilog na mundo ng alta de society. PANGMAYAMAN!

Image by Niccolo Cosme for The Lighthouse Studio
Guest nila kagabi si Marco Lobregat, ang crush ko noong freshman pa ako sa college. Okay, 10 years ago na 'yon. Dekada talaga ako magka-crush 'ika nga ni Ateh Paul.

Remember "Awati load?" ad ng Globe Autoload. Siya 'yung commercial model 'nun. 100 pesos pa yata ang minimum autoload noon. Ginupit ko 'yung print ad niyan tapos ginawa kong cover sa notebook.

Yoga keeps him fit and healthy
Ang kanyang full name ay... (hingang malalim) Celso Tito Marco Niño Luis Muscat Lobregat. Mula siya sa angkan ng mga pulitiko sa Zamboanga. He started as a model pero isa rin siyang writer. Batch 2003 siya sa Ateneo at nakapagtrabaho na sa labas ng bansa; Japan, Ukraine, Spain to name a few.

Ministry of Mushroom
Bumalik siya sa Pilipinas to put up a business. Together with his Spanish partners, nagtayo sila ng mushroom farm at tinawag itong Ministry of Mushroom. It's located in Lipa, Batangas. He dreams na maging matagumpay na industriya ang mushroom dito. Kung nagagawa nga naman nating mag-angkat nito sa mga kalapit bansa na may parehong klima, bakit hindi patubuin dito? GALING! Nawa'y lumago 'to at maging global brand ng Pinas.

At a young age, napaka-successful na niya yet he's still craving to learn more. Madagdag ko lang, he speaks Spanish and Filipino fluently kaya wit akez mano-nosebleed sa kanya. While watching the show, I can't help but to think that he's the perfect guy to every girl's and pa-girl's dream. Young, successful, Ãœber gwapo, humble, clean reputation... what more can you ask for? Wa na.

*Yoga picture by Nelson Matawaran from Inquirer.net

Sunday, July 1, 2012

Likuran

Second half na ng 2012! NAKAKALOKA! In two months, BER months na! May gagawin pa yatang iba ang panahon at medyo nagmamadali siya. Well, dapat nating mas i-enjoy ang life para naman 'pag thunderrific na tayo eh wala tayong pagsisihan na kesyo 'di natin nagawa. Basta ba hindi krimen ang gagawin natin ah!

I was back reading my posts and I noticed na 'di pala ako masyadong into afams (weh). Though talagang maraming masasarap sa kanila pero para kasi silang bituin eh... mahirap abutin. Actually wala pa namang nakakaabot sa stars so in short, imposible ko silang matikman. AMP! Ngunit ika nga sa kasabihan "nothing is impossible" so binabawi ko na ang una kong statement. Matitikman ko din sila "in the right place at the right time". Tsaka dapat always "think positive". OHA! Ang dami ko nang qoutes to live by.

At dahil maraming stars sa kalawakan, pipiliin ko na 'yung isa sa pinakamasharap, si Simon Nessman...

 
Nasa likuran lang siya ni fafah Sean O'Pry bilang #1 male model sa Models.com. Na-feature na siya sa ad campaigns ng iba't ibang high end brands like D&G, Versace, Givenchy, Calvin Klein, Lanvin and more. He's from Canada na may dugong Scottish at Austrian. Sharap magpalahi!

More piktyurakas...

Delish pits!

May sinasabi yata ang utong niya hihihi...

Kakasamid!

Putukan mo 'ko ng "baril" mo

Panoorin kung paano siya maligo sa dagat at siguradong "mababasa" din kayo...