Monday, December 31, 2012

Pinagsaluhan

Huling araw na ng 2012 at panibagong taon na tayo bukas. Isang taon na naman ang nadagdag sa ating pinagsamahan mga 'teh. I can't thank you enough for your bonggang support. Halikayo't sariwain natin ang ilan sa ating pinagsaluhan bago mag-2013...

MASUSTANSYANG BABASAHIN
Si Amapola sa 65 na Kabanata ang nagsimula ng taon ko. Puno ng aliw at kalokohan ang The Best of Top 10 ng Morning Rush DJ's Chico & Delamar. Mas nadagdagan at namulat ang kaalaman ko pagdating sa aking piniling sekswalidad dahil sa Naiibang Pag-Ibig ni Dra. Margie Holmes.

WALANG SAWANG MUSIKA
Feel na feel ko ang kagandahan ko sa tuwing naririnig ang What Makes You Beautiful ng One Direction na siya rin theme song ng Cosmo Men this year. Dahil sa Miss Venezuela 2012, kahit 'di ko naintindihan eh pa ul-ul kong pinatugtog ang Ai Se Eu Te Pego. At ang pambansang kanta ng malalantod (tulad ko)... Call Me Maybe.

ALIW NA PELIKULA
Tapos na ang pagpapantasya ko kay Edward Cullen sa huling installment ng Twilight movie series. Pinatunayan ni Erich Gonzales na isa siya sa pinakamagaling na batang aktres sa pagganap niya bilang aswang. Naging instant fan ako sa kaswal na pag-arte ni Angeline Quinto sa Born To Love You.

BEST GAY FILMS
Water-water ako sa bukol at bed scenes ni Antonio Banderas sa Law of Desire. Bilib ako sa magandang produksyon at istorya ng Bola. Shakira ang byuti kez sa walang kiyemeng hubaran sa Kumpare.

PANTASYA EVER!
True love ko na si Mike Concepcion bilang tatlong taon ko na siyang pinapantasya. Dahil Sa Pag-Ibig, Kahit Puso'y Masugatan at Hiyas, nag-bloom ang career ni Edward Mendez. Niyanig ni Vince Ferraren ang bahay-bata ng 'sangkabaklaan sa taglay niyang kasarapan.

KONTROBERSYAL
Marami sa inyo ang naka-relate sa madilim na karanasan ni Lucas. Hindi niyo rin pinalagpas ang karanasan ko sa isang 'pipi'. Nakakabahala naman ang pagdami ng nabibiktima ng HIV/AIDS sa ating mga kabaro.

PANALONG GANAP
Dapat tatlo rin 'to pero sa dami ng magagandang ganap sa aking buhay nitong 2012, ginawa kong lima. Surreal ang makilala ng personal ang batikang manunulat na si Ricky Lee. Karangalan ang mapanood si Lisa Macuja sa kanyang Swan Song series. Muling nabuhay ang pagmamahal ko kay Lee Ryan ng Blue nang mag-concert sila dito. Todong tulaley ako sa ganda ni BB Gandanghari sa Sayaw ng mga Seniorita. Happy fiesta ang mga bakla sa dami ng kalalakihan sa Cosmo Bachelor Bash 2012.

I wish all of us... MASWERTENG 2013 MGA 'TEH!!!

Sunday, December 30, 2012

Halata

Bonding kami ng kaibigan kong si Aly kahapon at napagkasunduang manood ng sine. Bet ko sana Thy Womb pero todo tanggi ang bakla. Ayaw daw niya ma-bore at gusto niya tumawa. Sinubukan ko siyang kumbinsihin kaya lang nakiayon pati Trinoma Cinema dahil walang Thy Womb na palabas. How sad :'( kaya ending, Sisterakas. Sponsor naman niya so wit na ako tumanggi sa grasya.

Sisterakas (2012)
Star Cinema & Viva Films
Directed By Wenn V. Deramas
Starring Vice Ganda, Kris Aquino and Ai Ai Delas Alas

Kung napanood niyo na ang trailer, malamang alam niyo na ang plot ng pelikula. Anak sa labas si Totoy (Vice Ganda) at kapatid niya si Bernadette (Delas Alas). Mahigpit na katunggali niya sa negosyo si Roselle (Aquino) at dito umikot ang istorya. Simple. Walang pala-palabok.

Hhhmmm... natawa ako sa pelikula, hindi nga lang marami. Ang daming korni at pinilit na eksena. Walang makakapantay kay Ai Ai pagdating sa comedy. Siya pa rin talaga ang reyna dito. Shining moment ni Kris ang pagsayaw ng Rub Ba Da Bango. Hagalpakan sa loob ng sinehan. 'Di ko kinaya kasi nakakatawa talaga! Buti napapayag siya na gawin 'yun. At si Vice, well... walang bago. Kung ano siya sa Petrang Kabayo at Praybeyt Benjamin, ganun din siya dito kaya 'di na nakakatawa.

May napansin din akong inconsistency. Sa film making, they call it continuity at mahalagang aspeto ito. Isa dito ang unang eksena ni Vice wearing white gown. Bababa siya ng sasakyan showing his legs na walang suot na net stockings. Papasok siya ng opisina at sasakay ng elevator. Dito mapapansing may net stockings na siya. Aakyat siya sa rooftop dahil balak magpakamatay ng empleyado niya played by Melai Cantiveros. Waley net stocking ditey.

Napuna ko rin ang props and designs ng pelikula. Unang ipapakita sa pelikula ang pabrika ng Cara Cruz. Suot ng mga empleyado ang blue na damit na may logo ng kumpanya. Dito mapapansin na sticker lang ang ginamit instead of silk screen na madalas gamitin sa totoong buhay. Pati prosthetics na baba nung batang Ai Ai, halatang halata. To sum it all, parang minadali. That's sad because moviegoers expect to see great production dahil mainstream movie ito. Meaning may budget para gawing bongga at malinis ang kabuuan ng pelikula.

Nanalo itong 3rd Best Picture sa Metro Manila Film Festival at Best Supporting Actress para kay Wilma Doesnt. Is it worthy? Wit ko alam bilang ito pa lang ang napapanood kong MMFF entry.

Rating: 2/5 stars

Saturday, December 29, 2012

Idols

Where on Earth:

...are the TV Idols?

Naalala niyo pa ba sina Ahron, AJ, Mark, Kiko at JE? Ang limang finalists ng TV Idol sa dating pantanghaling variety show na MTB. 'Di tulad ng Powerboys na sumikat din sa naturang show, Pinoy na Pinoy ang limang ito pagdating sa looks at ka-cute-an. Si AJ Dee na hunk at lean, si Ahron Villena na mestisuhin, si JE Sison (na pantasya dati ni super friend Tsari) na boy next door ang dating, si Kiko Matos na hitsurang teen, at si Mark Cortez na... na... kaanib pala natin. Todong nalerki aketch nang siya'y umamin. Kasi naman nag-pose pa siya dati at nagpakita ng malalagong damo sa Valentino magazine. Nasa Canada na yata siya ngayon.

Ahron is still active sa showbiz at bonggang nakakapagtrabaho sa tatlong major network ng bansa. Perks of being a freelancer. Isa siya sa Cosmo Men for 2011 at bongga ng bakatsi niya (click here to see). Nabulunan akez! Huli kong nasightsina si AJ sa Tweets For My Sweet, sitcom sa Kapuso network. Si Kiko ay all grown-up na with maskels at seksiness in his bod kaya pasok ang sarap niya sa huling edisyon ng Mossimo Bikini Summit. Samantalang nakulong naman si JE dahil sa droga. 'Wag mangamba mga 'teh dahil laya na siya at bagong buhay. 'Yun ang importante.

Teka, parang ako rin ang sumagot sa tanong ko ah. AMP!

Thursday, December 27, 2012

Jack

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Juan Ponce 'Jack' Enrile Jr.
Sure kaya na may pagkain tayo sa hapag kapag siya'y nahalal?

Wednesday, December 26, 2012

Tingkad

Isang 'di inaasahang insidente ang nagpabalik tingkad sa kumukupas kong fag-ivig kay Mike Concepcion. Tila bagong pintura ang aking puso. Ganun yata talaga kapag mahal ka, gagawin ang lahat para lang alalahanin mo siya. OHA! Lakas tama de vaaahhh?! Todong nakaka-high naman kasi ang kasharapan ni fafah Mike. Dahil diyan, I would like to sing this song to celebrate our renewed love. This is for you fafah...

♫♪ Langit ang buhay
Sha tuwing ika'y hahagkan
Anong ligaya
Sha tuwing ika'y mamasdan
Sha piling mo
Ang gabi, tila araw
Ikaw ang pangaaarap
Ikaw lamang ♪♫




Ikaw Lamang is a duet by Janno Gibbs and Jaya from the album Silver Series released by Viva Records.

Tuesday, December 25, 2012

Pakiramdam

MERI KRISMAS MGA ATENG! Sana ay masaya kayo ngayon, mainit man o malamig ang inyong pakiramdam. 'Wag kaliligtaang magdasal sa Kanya . Higit sa dami ng pera o regalo na inyong natanggap, pagmamahal at sakripisyo Niya ang ating unang ipagpasalamat. Naway madami pang Pasko tayong magsasama-sama.

Monday, December 24, 2012

Pitsel

Hay nako mga 'teh, kakapanood ko lang ng Law of Desire starring Antonio Banderas at talagang hindi ko napigilang maglawa sa kinauupuan ko. HOOONGSARAP niya pala nung kabataan niya. Hindi ko masyadong dinibdib ang istorya ngunit intiendes ko agad dahil sa subtitles. Basta tungkol sa isang baklang direktor na may bonggang lovelife. At hindi pipitsuging lovelife ito dahil dalawang ohms lang naman ang baliw sa byuti niya. Bigla tuloy akong kinain ng inggit! Kahit na pelikula lang 'yun, parang bet ko namang isabuhay. Sana ako rin!


Panalo sa laplapan at lampungan ang pelikula. Sagana sa bakatsu at bripang scene si fafah Antonio. Ang senswal pa ng pagkakagawa kaya hindi mo maiiwasang madarang sa maiinit na tagpo. Kailangan may katabi kang pitsel ng tubig na umaapaw sa yelo at baka todong made-dehydrate ang kampupot mo.

Sunday, December 23, 2012

Tatlo, Dalawa, Isa

Dear Santa,

Dalawang araw na lang po at Pasko na. Naging mabait naman po ako kaya pwede po bang humiling? Gusto ko po sana pagsapit ng a-veinticuatro ng gabi, sila po ang magsisilbi sa akin sa Noche Buena...


Baka naman po sabihin niyo gahaman ako. Oh sige, kahit tatlo na lang po sa kanila.

Okay, dalawa na lang po.

Sige na nga po, isa lang. Basta 'yung pinakamasarap po ah!

Maghihintay po ako hihihihi 

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Friday, December 21, 2012

Sahig

Kabi-kabilang interviews ang sinuong ko nitong nakalipas na araw. Nosebleed talaga akez kaya naman ipapahinga ko ang banga ng English vocabulary para naman may magamit ako sa susunod na taon. Tama na muna ang paghahagilap ng trabaho at bonggang i-e-enjoy ko muna ang Christmas season.

Aktwali, busy rin ako sa kaka-download ng BTS ng dalawang Thai magazine, Dopoochai at KFM. May na-crush-an kasi ako hihihihi! Vee Thanaporn yata ang name niya. Hindi ko sure kasi trinanslate lang ng Google Chrome ang language. Nevertheless, ang sharap niya. Tekaluk mamonluk...

Ang smooth smooth niya nooohhh?! Hindi siya masyadong ma-maskels katulad ng iba kong pantasya pero kung makatingin, parang sinisipsip na ang nektar ng bulaklak ko. EEEHHHHH!!! Cropped version na 'yan mga ateng dahil baka ma-report ako kung ipo-post ko ang original fecture. Search niyo na lang ang unrated version. Make sure naka-upo kayo sa tabo para hindi makalat sa sahig. CHOS!

Thursday, December 20, 2012

Salamat 3.0

MARAMING MARAMING SALAMAT JANINE! Pinatunayan mong muli na laging wagi ang lahing kayumanggi. Mula sa tindig mo nang tawagin ka sa top 16, sa pag-cobra walk mo sa swimsuit, sa pagpaypay mo sa mala-abanikong gown hanggang sa perpekto mong sagot sa Q&A.

Naiiyak ako ng bonggang bongga mga ateng! 'Yun na eh! Ayun na ayun na! Isang hakbang na lang pero ganun talaga. Ang bigat sa dibdib. We just have to accept the fact na runner-up na naman tayo ngayong taon sa Miss Universe. Mas mabuti na 'yun kesa hindi tayo mag-place. 'Di hamak kasi na mas maganda ang performance niya kay Miss USA. At pansinin niyo ang hand gesture ni Janine sa fecture? Parang ulo ng cobra de vaaahhh?! PAK! 

Tama na ang todong bitterness. Kailangang ma-convert na 'to sa sweetness :'(

Monday, December 17, 2012

Mitos

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

Umpisahan natin kay...

Mitos Magsaysay
Bet niyo bang iboto ang babaitang itech para sa susunod na halalan?

Sunday, December 16, 2012

Hiyawan

Ginanap nitong nakaraang dalawang araw (Dec. 13 & 14) ang preliminary at national costume competition ng Miss Universe 2012. Dinagsa ng mga Noypi ang ganap para todong suportahan ang kandidata nating si Janine Tugunon. Hindi lang ramdam kundi dinig na dinig sa video ang bonggang hiyawan ng ating mga kababayan. Watch niyo...



Sino ba naman ang hindi gaganahang rumampa kung ganyan kalakas ang suporta? Kaya naman panalo sa mata ng mga pageant experts ang presentation skills ni ateng. Hindi ko bet ang evening gown dahil mukhang foil pack ng Curly Tops, salamat na lamang sa kabogerang attitude ng ating pambato. At ang pinapauso niyang Cobra WalkPAK na PAK sa swimsuit portion. May glide effect de vaaahhhh??? Masaya din ako sa national costume na ipinadala ni Madame Stella Marquez Araneta dahil Muslim-inspired tayo ngayong taon.

Patuloy lang ang pagboto kay Janine sa Miss Universe website para sure na pasok sa banga ang gandang Pinay sa top 16 ng coronation night. 

Thursday, December 13, 2012

Biyahe

"Kung positive ako, kailangan kong mag-take ng gamot buwan-buwan.
Otherwise, baka hindi na ako abutin ng 30. Madali akong mamamatay."
Kambyo (2008)
Digital Viva & BEYONDtheBOX Production
Directed by Joselito Altarejos
Screenplay by Lex Bonife
Starring Ray An Dulay, Johnron Tañada, Harold Macasero, Gabz del Rosario and Kenjie Garcia

Nais hanapin ni Macky (Dulay) ang long lost friend niya na si Philip (Tañada) kaya naman inaya niya ang pinsang si Manuel (Garcia) na samahan siya. Binitbit din nila si Xavier (Macasero), ang makiri nilang friend. Hindi yata 'to mabubuhay ng walang ohms kaya karay nito ang kakakilala pa lang na si Aldo (del Rosario).

Habang naglalakbay, todong maglandian ang dalawa na nagpaselos nang husto kay Manuel. May secret admiration kasi siya kay Xavier. Hindi rin naiwasang magkaroon ng aberya sa daan dahil sa haba ng biyahe. Nariyang flat-an sila ng gulong at muntikang magkabugbugan sa mga tomador sa bar.

"Lahat ng isyu gusto mo nakikigulo ka.
Bakit hindi mo isipin ang mga pansarili mong problema?"
Nakita nila sa isang pagawaang ng kornik si Philip. Nabiyak ang puso ni Macky nang malaman niyang may asawa na 'to. Hindi lang pala si Manuel ang may 'secret' eh! Napagpasyahan ng mga road trippers na mag-overnight muna sa lugar bago lumuwas pauwi. Dito na nabunyag ang bonggang secret ng magpinsan.

Na-enjoy ko ang mabilis na pacing ng pelikula. Hindi nakakainip at nakakahilong panoorin. Parang mainstream ang quality. Natural din ang pagkakagawa ng mga linya. Dagdagan pa na lahat ng artista ay kumbinsing umarti. At ang sex scene... PANALO!

Rating: 4/5 stars

Monday, December 10, 2012

Janine FTW!

Pagkahaba-haba man ng inantay natin, sa wakas ay malalaman na kung sino ang hahalili kay Leila Lopes bilang Miss Universe. Live via satellite na mapapanood 'yan sa Kapamilya Network on December 20. Ang Pinay byuti ni Janine Tugonon ang magwawagayway ng ating bandila sa Las Vegas.

Bonggang bongga ang posing sa glamshot at swimsuit de vaaahhh?! Wa na ako react sa evening gown tutal for pictorial purposes lang 'yan. Mukhang seryoso sa laban si ateng! So far ay isa siya sa mga paborito at madalas imbitahan sa special events ng kontes. Isa rin sa pinakamalakas ang web interview niya ayon sa GlobalBeauties.com


Para masigurado nating pasok siya sa banga, todong iboto natin siya online. Dito, legal ang maging flying voter dahil 10 times a day per email add ka pwedeng bumoto hanggang Dec. 18. So kung meron kang multiple email addresseseses, VOTE NA DITO!

Hindi lang si Janine ang magbibigay karangalan sa atin sa Miss Universe 2012 dahil pati ang 3rd runner-up last year na si Shamcey Supsup ay may special participation. Siya ang napili bilang correspondent sa behind-the-scenes ng exclusive events tulad ng presentation of National Costume sa December 14. Mapapanood 'yan mismo sa Miss Universe YouTube channel.

Sunday, December 9, 2012

Matatag

Paikot-ikot ako sa National Bookstore noong isang araw upang maghagilap ng bagong babasahin. Napadaan ako sa magazine section at nasight ko 'to...

Infernezzz sa Liwayway Magazine, todong matatag pa rin sila kahit na ang kasabayan nitong komiks ay sumakabilang buhay na. 90 years ago pa pala nang magsimula ito bilang photo magazine na kalaunan ay nadagdagan ng mga bonggang artikulo tungkol sa pamumuhay, kultura at literaturang Pinoy.

Nabanggit ko dati na ang paborito kong tandem sa komiks ay sina Elena Patron at Rico Rival. Salamat sa Liwayway at patuloy na nai-imprenta ang kanilang mga obra.

Bukod sa komiks, may tuluyan at tapusang kwento dito. Siksik din ito sa balita mapa-current events man o showbiz. Nakakatuwa dahil meron din mga artikulong kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at magsasaka.

Nawa'y umabot pa ng ilang dekada sa sirkulasyon ang Liwayway Magazine. Kahit sa panahon na uso na ang tablet gadgets at nada-download na ang iba't ibang babasahin, sana'y manatili ito para sa mambabasa nito.

Saturday, December 8, 2012

Isang beses

Ryan Ray commented...

Hi Ate Melanie good day. I am humbly asking you to please post for the last time si Dennis Mc Irvin na ex-Provoq model ng Viva. He died last Wednesday morning from a fatal vehicular accident sa hometown nila. I am hoping na i-feature mo sya just to show him and his family the sympathy of gay community. Thank you so much eto pala pics nya (link).

December 7, 2012 6:49 PM

***

Shakira akez ng mabasa ko 'yan. Pati sina Boys in Pixels at Simply Manila ay parehong nakatanggap ng nakakalungkot na balita pero walang makapag-beripika. Kaya just to make sure na trulilit ito, I did a little research sa Facebook at hinagilap ang pangalang Dennis Mc Irvin. May nakita akong isang account kung saan common friend namin si Johnron Tañada. Dito ko nabasa ang dagsang status sa wall niya na nagpapaabot ng pakikiramay at dalamhati sa nangyari.

Kung totoo man ito, mula sa 'sangkabaklaan ay nakikiramay kami. Minsan isang beses ay pinasaya mo ang lahi namin Dennis. May you rest in peace.

Friday, December 7, 2012

Not enough

Hindi lang mainit kundi kumukulo ang debate sa kamara tungkol sa RH Bill. Ang daming gustong amyendahan ng mga crocs. At sa gitna niyan, isang kongresista ang umalma dahil diumano'y nasaling ang personal niyang buhay... si Rep. Lani Mercado.

Bago magsimula ang sesyon noong isang araw, todong humiling si Rep. Lani sa kanyang mga kasamahan na maging mahinahon sa pagtatalakay at debate. Isinatinig din niya ang kanyang hinaing sa sinabi ni Rep. Rodante Marcoleta and I qoute:
"Mas mabagsik si Senator Revilla dahil minsan nadaanan lang ay nabubuntis na."
NAKAKALOKA!!! Natawa kami ni maderaka nang marinig namin 'yan. Napag-isip tuloy ako kung nasaktan ba siya dahil mali ang paratang o dahil may bahid katotohanan? Nayabangan din siya sa inasal sa kanya ni Deputy Speaker Lorenzo Tanada III at sa linya ni Deputy Majority Floor Leader Janette Garin and I qoute again:
"Wala akong pakialam kung magalit man siya, matuto siyang sumunod sa rules."
Isa pang NAKAKALOKA!!! Ending, crying lady ang asawa ni Agimat. Humingi naman ng dispensa ang tatlo sa kanya. Teka! Naaamoy niyo ba 'yun mga 'teh? Parang may nagsiga ng plastik sa labas. Nangangamoy plastik eh! CHAR!

Kung may qoutable qoutes ang dalawa, hindi papatalo ang original karibal ni Jessa sa Blusang Itim and I bonggang qoute:
"Totoo Mr Speaker, 'di ako magaling. Di ko naman hinangad na maging magaling na mambabatas. Hinangad ko lang na maging mabuting kinatawan ng aking distrito."
Excuse me lang ma'am ah! Pasensya na po pero bilang isang botante ng bansang ito, hindi lang po kabutihan ang kailangan ng mga tao sa isang distrito. Kailangan din po namin ng isang magaling na kinatawan sa kongreso. Pulitika po ito, hindi charity. Kabutihan is not enough. Am I right or am I kurek?

Source: Rappler.com and Inquirer.net

Thursday, December 6, 2012

S.H.O.B.I. 2012

May 13th month pay na ba kayo? Nanlalamig ba kayo kahit ang init ng panahon? Pwes magtabi ng tatlong daang piso sa inyong bonggang Christmas bonus at manood ng S.H.O.B.I. 2012 (Super Hunks of Beauty, Body and Intelligence) sa December 9 sa The Library Malate. Dadaigin nito ang bagyong Pablo sa pagbaha ng dalawampu't limang lalake na maglalaban-laban subalit isa lamang sa kanila ang papasahan ng titulo ni Jayson Parker, last year's winner. Infernezzz freshness ang mga candidates. Walang beterano kaya mas masarap panoorin. Sa kanilang apat ako todong nasharapan...

Top: Ryan (tingnan mo lang ako please)
Middle: Angelito (sarap ng liyad) and Jay Patrick (paliligayahin kita)
Bottom: Richard (cutie pie)
Visit http://shobilicious.blogspot.com to see the 25 candidates. For more details, contact Shobi Dionela at 09173382222.

Wednesday, December 5, 2012

Hitik

'Yan ang isa sa aking mga pinagkakaabalahan habang nag-aantay ng tawag mula sa mga inapplyan ko online. Pinahiram sa akin ni F, isang kaibigan na manunulat din. Pagkaabot pa lang niya, agad-agad akong na-excite dahil sa pamagat at author. Panahon pa lang ng Teysi ng Tahanan eh kilala na si Dra. Margarita Holmes at ang kanyang walang kiyemeng eksplenasyon patungkol sa relasyon.

Wala pa nga ako halos sa kalagitnaan ng pagbabasa pero ang dami ko nang natututunan. Ang librong Naiibang Pag-ibig, Ang Maging Bakla sa Pilipinas ay binubuo ng mga sulat kay doktora ng mga taong straight man o hinde, na humihingi ng ekspertong opinyon sa kanilang agam-agam. Hindi ko maiwasang ma-visualize ang bonggang hand at head gestures ni doktora habang binabasa ang kanyang mga tugon.

Hitik ang libro sa impormasyon at detalye. Dito ko natutunan kung anong mangyayari kung lulunukin ang tamod, ang ligaya sa likod ng pagsasalsal at 'pag-iipit', at ang maselang gawain na fist-fucking. Tinalakay din dito ang relasyong lesbiyana, sakit na maaaring makuha at paano ito maiiwasan, ang pagiging magulang ng isang bakla, relihiyon, kuryosidad sa sekswalidad at marami pa.

Una itong nailimbag noong 1995 at sa kasalukuyan ay hindi na makikita sa kahit saan mang bookstore. Sa totoo lang, todong kailangan natin ang ganitong libro lalo na ngayon na patuloy na tumataas ang bilang ng mga naaapektuhan ng HIV/AIDS dahil sa kamangmangan sa seks. Isang malaking tulong kung maililimbag itong muli nang sa gayon ay may mapagkukunan ng impormasyon ang ating lahi.

Monday, December 3, 2012

Unahan

Heto ang bumulaga sa akin nang buksan ko ang Facebook ko kanina...

HOMAYGASH! Hindi ko naman akalain na ganyan kasarap ang bortabels ni fafah Dayal Chowdhary. Todo tuloy akong ginanahang mag-almusal sa matatambok niyang pandesal at hamon. Thanks to Chris for this picture.

Pitong duo na lang ang natitira sa The Amazing Race Philippines at patuloy sila ng bayaw niyang si Fausto na nakikipag-unahan para sa dalawang milyong piso. Nagpakalbo pa nga siya para sa isang challenge eh. Sila kaya ang makapag-uuwi ng bonggang papremyo?

Patuloy lang panoorin ang The Amazing Race Philippines sa TV 5 weekdays at 9PM at Saturdays 8:30PM.

Sunday, December 2, 2012

Serbesa

Dear Binibining Melanie,

You acted like a slut last night. Pinatunayan mo na hindi ka sabik... hayok talaga. In front of your friends and some strangers. Hindi mo napigilan ang sarili mo. Kung anu-ano pa ang sinabi mo. Buti hindi 'siya' napikon sa'yo. Oh yes, he's cute, nice and accomodating. Chinito with delish bod. Sana hindi ka nag-take advantage de vaaahhh?! Dala na rin siguro na nilukuban ka ng espiritu ng serbesa. But that's not a valid excuse. Still, you acted indecent and out of morals. Now you have to avoid attending parties and drinking too much booze. Wala ka na ring face na ipapakita sa tao. Akala mo kung sinong 'tong malinis, puta din pala.

Me with my friends last night
But don't be too hard on yourself. Lilipas din 'yan. Sabi nga ni Shanelle...
"Isipin mo na lang may mga bagay tayong nagagawa kapag nadala tayo ng ating kapusukan."
At ni Ateh Paul...
"Bakit? You think nahubaran ang pagkatao mo? Sabel is that you? 27 ka na 'day hindi 17."
Oh well sana gumaling ka na sa hangover mo. At next time, 'wag kang uuwi ng lango sa alak. Nakakahiya sa nanay mo.

Nagmamasarap,
Sarili mo