Bonggang bongga ang naganap na halalan natin. Hindi na kailangan pa ng mga guro na magpuyat magdamag para magbilang ng mga balota. After 7pm, madami nang nakapag-transmit ng mga boto para mabilang.
Hindi rin naman natin maiiwasan na magkaroon pa rin ng reklamo kahit papaano. Pangatlong beses ko na itong boboto pero ngayon lang ako pumila ng mahigit kumulang 2 oras para lang makaboto. Pero sa mismong pag-shade sa balota, wala pa yatang 5 minuto ay tapos na ako. Hindi ko tinodo ang pagshade at baka bumakat ang marka sa likod at hindi mabilang ang boto ko. Good thing na halos lahat nang nakita ko ay may kanya kanyang kodigo. Iba na talaga mga botante ngayon. Pagkatapos ng bumoto, pila ulit ako para sa indelible ink. Pero mabilis na ang pila.
After 2-3 days, madami nang naiproklama sa kani-kanilang lugar. Though sa ibang lugar may mga delays at aberya pero we can say na isolated case na lamang ang mga iyon. Marami na ring nag-concede at tinanggap ang kanilang pagkatalo. Hindi na nila kailangan pang mag-reklamo at magsiraan kung may nandaya o wala.
Now, the exciting part is to know who won the election. Lets wait hanggang Friday sabi ng Comelec.
No comments:
Post a Comment